-38-

235 15 0
                                    

[Sky]
Pagkatapos ng gawain ko sa SSC biglang nagtext si uno.

From: Uno
Tambayan now.

Agad naman akong dumiretso sa tambayan. Pagdating ko doon, agad kong nasalo ang mansanas na bumungad sakin. Tiningnan ko lang ng masama si six, tumawa lang ito sa ginawa niya. Babatuhin ko na sana siya ng mansanas ng biglang magsalita si uno.

Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dos? Tumingin lang ako sa kanya at sa mansanas na hawak ko.

Ahh... gaganti kay six? Alanganin kong sagot. Natawa naman si tres at seven sa sagot ko.

Sumeryoso ang mukha ni uno. Stop fooling around dos, you know what I mean. Naging seryoso na din ako at tinigil ang pagbato sana ng mansanas pabalik kay six.

Ano na naman ba ito uno? If it's about the rumors na kumakalat dito sa school, well yeah it's true, Anong masama? we're friends at ayaw kong itrato ng ganun siya. She help me with my personal problem kahit ganoon yung turing ko sa kanya. Alam ko naman na kaya kayo against sa kanya ay dahil hindi ninyo pa siya pinagkakatiwalaan. I gave her a chance para i prove niya sa akin na worth it siyang pagkatiwalaan, sana kayo din. Kasi if you know her more, she's totally opposite of what you're thinking. Just try to know her more guys. Nakatingin lang sa akin si uno. Ganoon din sila tres. Nagulat siguro dahil sumagot ako kay uno.

I see. Seems like you're starting to fall for her dos.

Natigilan naman ako sa sinabi ni uno. Hindi ko alam kung nahuhulog na ba ako sa kanya. Ang alam ko lang masaya ako pagkasama ko siya, gusto ko siyang proteksyunan, ayaw ko na nakikita na malungkot siya, at higit sa lahat gusto ko nakikita ko siya palagi, sapat na ba na dahilan iyon para masabing nahuhulog na ako sa kanya?

Mukhang tama ka uno. Nangaasar na sabi ni five.

No, I'm not. Sagot ko kay uno. I just want to......


...T-To protect her that's all. Dagdag ko pang sabi. Kailangan ko munang siguraduhin ang nararamdaman ko bago ko aminin kina uno.

Okay. By the way, mukhang tinigil na ang pagsunod sa atin pero wag kayo makampante dahil alam kong hindi pa sila tapos.

Tumango lang kami sa sinabi ni uno. Tama siya, hindi pa namin sila kilala kaya kailangan parin namin mag doble ingat. Kailangan ko din proteksyunan si Gail lalo na't hindi namin alam kung kelan ulit sila gagawa ng hakbang.

Nagpalipas lang kami ng oras sa tambayan gaya ng nakasanayan namin gawin. Nang mag 10pm na ay nagumpisa na akong umalis. Nag paalam lang ako sa kanila.

Nang makarating ako ay iniintay ko nalang siya lumabas, at nang makita ko ang pamilyar na tao ay bumusina ako. Napatingin naman siya sa direksyon kung nasaan ako, ngumiti lang ako sa kanya. Nagulat naman siya na makita ako.

Sky, anong ginagawa mo dito? Nagtataka niyang tanong.

Sinusundo ka. Baka kailangan mo ng service? Biro kong sabi sa kanya.

Nakakunot noo lang siyang nakatingin sa akin. Agad ko naman siyang pinasakay sa sasakyan ko. Nang masigurado ko na nakasakay na siya ay umikot ako sa kabilang bahagi at sumakay. Naabutan ko naman siya na nahihirapan kunin ang seatbelt niya kaya tinulungan ko siya, kaso wrong move ata dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at hindi ko matatanggi na maganda talaga si Gail lalo na sa malapitan. Ang mga mata niya na parang humahaplos sa puso mo sa tuwing tititigan mo siya ay napakaganda.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now