-37-

256 15 0
                                    

[Gail]
Nang mabalaan na ako ni Cindy tungkol sa nangyayari ay bumalik na kami sa room namin. Hindi nalang namin pinansin ang mga tingin ng mga estudyante sa amin... sa akin.

Malapit na sana kami sa room ng bigla kaming harangin ng grupo nila Chelsea.

Well, well, well... look who's here girls. Ang anghel anghelan ng Montereal University. Kala mo naman di makabasag pinggan pero may landing tinatago. Nang aasar na sabi ni Chelsea. Tiningnan lang namin siya ni Cindy.

Tinutukoy mo ba ang sarili mo? Ganting tanong ni Cindy.

Manahimik ka stupid nerd! Hindi ikaw ang kausap ko.

Una si Mr. President, ngayon naman si Sky, so sino sunod? Landi mo din eh noh! Ganda ka? Ganda ka?

Hindi ko nalang siya papatulan baka makarating pa ito kay Clyne mapurnada pa pagbalik ko bilang anghel, tsaka pag ginamit ko kapangyarihan ko sa kanya sigurado ako na tatalsik itong payatot na ito. Naku!! Kung naging anghel ako ikaw uunahin kong sunduin eh! Paboritong paborito akong pagdiskitahan.

Ngumiti lang ako sa kanya, yung matamis na matamis para langgamin naman siya.

Alam mo Chelsea, wala ako maalala na gumawa ako ng sinasabi mo. Kung ako sayo, tigilan mo na ako kasi wala ka naman mapapala eh. At hinila ko na si Cindy at nilampasan sila. Gulat sila sa ginawa ko pati itong katabi ko hindi din makapaniwala.

Pagdating ko ng room, pinagtitinginan parin ako ng mga kaklase ko. Mukhang kailangan ko na masanay sa ganito dahil kaibigan ko ang 7aces.

Nang dumating naman ang prof namin panandalian nawala ang atensyon nila sa akin. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pakikinig sa klase.

(Few hours later)
Nang matapos ang klase namin ay agad kong inayos ang gamit ko, nang makita ko na ayos na din ang kay Cindy ay hinatak ko na siya.

Teka Gail, saan tayo pupunta? Akala ko ba sa SSC office tayo?

Oo Cindy, doon tayo pupunta. Wag ka na maingay baka marinig ka nila. Nagmamadaling sabi ko.

Pagkadating namin ng SSC office ay agad kong sinarado ang pinto. Napabuntong hininga naman ako. Pagharap ko nakatingin lang sa akin si Cindy.

Anong nangyayari sayo Gail? Kanina kung masagot mo si Chelsea parang wala ka pakialam sa mangyayari sayo, ngayon naman iwas na iwas ka.

Naiilang na kasi ako sa mga tingin na binibigay sakin ng mga tao sa labas kahit kaklase natin ganoon din ang tingin nila. Parang ang laking kasalanan maging kaibigan ni Sky ah. Makahulugan kong sabi.

Syempre ikaw ba naman pansinin ng isang member ng 7aces, di lang iyon ha ang second leader pa, ewan ko nalang kung hindi ka pag usapan sa university.

Magkukwentuhan nalang ba kayong dalawa diyan? Gail, come here we have a lot of work to do. Cindy, ask Ace kung ano pa ang hindi niya tapos and help her. Nagulat naman kami ng may sumingit sa usapan namin, si Liam. Tumango lang kami dalawa at ginawa ang sinabi niya.

Lumipas ang oras at abala na kami lahat dito sa office. Nag usap usap din tungkol sa plano, at inayos ang magiging takbo ng programa at marami pang iba. Nang matapos ang usapin ay nagpaalam na kami ni Cindy sandali dahil may klase na ulit kami.

Wala naman masayadong nangyari bukod sa usap-usapan pa din ako. Palabas na kami ng room ni Cindy ng magulat kami sa nag iintay sa amin sa labas.

Finally! Lumabas din kayo. Tara na. Sasabay ako sa inyo mag lunch. Nakangiti niyang sabi.

Nagtinginan lang kami dalawa ni Cindy, at sabay nagkibit balikat. Nang makarating kami sa cafeteria lahat ng mata ng mga estudyante ay napako sa amin. Agad naman naghanap si Sky ng upuan para sa amin.

Ako na ang oorder ng pagkain natin. Dito nalang kayo dalawa. Bago pa kami tumanggi sa kanya ay umalis na siya. Napabuntong hininga nalang kami ni Cindy.

Napalingon naman kami sa paligid at nakamasid parin sila sa amin.

Siguro kailangan na natin masanay Gail. Mahinang sabi ni Cindy.

Tama ka nga. Maya maya naman ay dumating na si Sky, ang dami niyang dalang pagkain. Binigyan niya din si Cindy.

Teka Sky bakit ang dami naman masyado nito?

Simula ngayon hindi ka na kakain ng sandwich at tubig lang okay? Nakangiti niyang sabi.

Napalingon naman ako sa paligid ko, lahat sila nanonood sa amin, di ko naman maiwasan ang mailang. Napansin ata ni Sky ang pagkailang ko.

Pag nahuli ko pa kayong lahat na nanonood sa amin. You're all dead. Malakas niyang sabi, at pagkatapos noon ay kanya-kanyang iwas ng tingin ang mga tao dito sa cafeteria.

Now it's settled. Let's eat. Masaya niyang sabi na parang wala siyang sinabing kakaiba kanina. Ganoon ba talaga katakot ang mga estudyante sa school na ito sa second leader ng 7aces?

Tumango lang kami at kumain. Nang matapos kami ay pumunta kaming tatlo sa SSC office dahil madami pa kami gagawin. Ako naman ay abala sa pag aasikaso ng schedule bukas ni Liam. At mga reports na pinagagawa niya.

Lumipas ang oras nang hindi ko na namalayan na maggagabi na pala, kung hindi pa ako tinawag ni Cindy dahil malapit na ang shift ko sa trabaho.

Gail, hindi ka pa ba aalis? Malapit na ang shifting mo sa trabaho baka malate ka.

Masyado ako naging abala sa ginagawa ko kaya di ko namalayan ang oras. Salamat Cindy sa paalala, paalis na din ako. Nakangiti ko ding sabi sa kanya at inayos na ang gamit ko.

Nagpaalam lang ako kay Cindy at umalis na.

Nang makarating ako sa cafe ay agad akong nagpalit ng uniform. Medyo madaming customer ngayon araw.

Lumipas ang oras at naging abala kaming lahat sa pag aasikaso ng mga customer. Ngayon ay kasalukuyan akong naka break kasama ko si Lisa, isa sa mga kasamahan ko.

Alam mo Gail, may gusto ata sa iyo ang isang customer kanina. Kanina ka pa niya hinahanap sa akin. Pagkukwento ni Lisa.

Baka nagbibiro lang iyon Lisa.

Naku hindi. Simula kasi ng nag trabaho ka dito, naging madami na ang customer natin na lalaki dito, yung ibang students na malayo yung school dinadayo pa ang cafe tapos hahanapin ka. Pabiro niyang sabi sa akin.

Kumain ka na nga lang Lisa. Pagod lang iyan.

Matapos namin kumain ay nagbalik na kami sa trabaho.

Nakakapagod ang araw na ito, bukas kaya ano na naman ang mangyayari?

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon