-69-

218 13 2
                                    

[Gail]
Nang makarating kami sa pamilyar na mansyon ay agad bumaba si Xave para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan pa niya ako, psh! Kala mo naman hindi nagsusungit sakin ito daig pa niya yung babaeng may dalaw.

Nang makababa ako ay agad niya akong inilapit sa kanya at ang kamay niya ay nasa bewang ko. Gaya parin ng dati pagpasok namin dito sa loob nag bow ang mga kasambahay nila, hanggang ngayon naiilang parin ako eh.

Nang makarating kami sa sala nila agad naman akong sinalubong ni Tita Celine.

Nice seeing you again iha! Mukhang busy ka, Xavier told us. Napatingin naman ako kay Xave dahil sa sinabi ni Tita.

Sa room lang ako. At iniwan na niya kami ni Tita. Psh! Umiiwas na naman siya.

It's okay iha! Atleast kinakausap na niya kami ngayon. Nabalik naman ang tingin ko kay Tita.

Ano po ang ibig ninyong sabihin?

Ilang araw na siyang dito natutulog unlike dati na kailangan pa siya takutin ni George para magstay dito sa mansion and nagulat nalang kami na sumasagot na siya pag kinakausap namin dati kasi parang wala kaming kausap minsan nga nauuwi sa away sila ni George dahil sa inaasal ni Xavier. Kaya ngayon we're happy na kahit papaano may improvement kay Xavier. Nakangiting sabi ni Tita.

Mabuti naman po. Mabuti naman at may improvement si Xave. Sana magtuloy tuloy na ito. Masaya ako dahil kahit papaano unting-unti siyang nagbabago.

Halika na sa dining area iha, may tinatapos lang na paperworks si George bababa na din iyon maya-maya lang. At hinila na ako ni Tita sa dining area.

Nang makarating kami doon ay agad niya akong hinila papunta sa loob ng kusina.

Nakalimutan ko may ipapatikim ako sayong cake na ginawa ko. Papadalhan kita nito later pati na din yung kaibigan mo. Iniwan niya ako sandali para kunin yung ginawa niya. Pagbalik niya may kasama siyang kasambahay at may dala itong ilang platito.

Here iha, tikman mo. At inabot naman niya sa akin ang isang slice ng cake.

Umm... ang sarap po. Nakangiti kong sabi. Totoong masarap ang gawa ni Tita.

I'm glad na nagustuhan mo. Nakangiting sabi ni Tita. Ipapadala ko sayo ito later para sa inyo ng kaibigan mo.

Salamat po Tita. Mahilig po ang kaibigan ko sa cake lagi nga po siya bumibili ng isang slice ng cake sa coffeeshop kung saan kami nagtratrabaho. Masarap din po kasi ang mga tinda nilang cake sa Mcafe. Agad naman nangunot ang noo ni Tita dahil sa sinabi ko.

Mcafe? By any chance iha si Maggie ba ang owner ng coffeeshop kung saan ka nagtratrabaho?

Ahhmm... opo. Bakit po?

I see... well, kilala namin si Maggie. Sinusundo ka ba ni Xavier sa mismong coffeeshop?

Ahh... hindi po. Bakit po ninyo natanong?

Maggie is Xavier's cousin sa mother side. Nagulat naman ako dahil sa nalaman ko.

T-talaga po?!! Tumango lang si Tita sa tanong ko.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now