-59-

252 15 0
                                    

[Gail]
Lumipas ang araw, nang hindi ko namamalayan na nakabalik na mula sa suspension si Chelsea. Kaya ngayon, hinaharang niya kami ni Cindy kasama niya ang alepores niya.

So, habang wala pala ako dito, masyado kang lumandi at balita ko ay si third prince naman ang nilalandi mong makati ka. Panimula niya. Napabuntong hininga nalang ako sa isip ko.

Hindi ka pa ba nadadala Chelsea. Kakabalik mo lang galing suspension at ngayon naguumpisa ka na naman. Sabi ni Cindy.

Manahimik ka nerd, hindi ikaw ang kausap ko kundi iyang kaibigan mong makati. Magsasalita pa sana si Cindy ng pigilan ko ito.

Ayaw namin ng gulo Chelsea. Hindi mo rin siguro gugustuhin na masuspend ulit. Mahinahon kong sabi.

Well, kung iyan ang iniisip mo b*tch nagkakamali ka. Kung nagawa ko noon, I'll make sure that I will make it worst. At binangga niya ako matapos niya sabihin iyon.

Ay naku Gail! Bakit mo ba ako pinipigilan labanan iyang mga clown na iyan. Napabuntong hininga naman ako bago ko siya sagutin.

Pag ginawa natin iyon, baka tayo naman ang masuspend. At mahalaga ang scholarship natin diba? Natahimik naman siya sa sinabi ko, kaya hinatak ko na siya papunta sa room namin.

Buong klase, hati ang isip ko dahil kay four, hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din ang tungkol sa naging reaksyon niya noong kaarawan ni Treston.

Dahil sa malalim kong pag iisip ay hindi ko napansin na tapos na ang klase at nakalabas na si Sir. Kung hindi pa ako tinapik ni Cindy ay baka kami nalang ang tao sa room.

Ano ba ang iniisip mo? May problema ka ba? Pagtatanong ni Cindy habang naglalakad kami papunta sa paborito naming lugar dito sa school.

Wala naman. Tiningnan lang niya ako na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa daan hindi naman sinasadyang makita ko si four na mag isa, bitbit ang camera na lagi niyang dala.

Cindy, gaano mo kakilala ang 7aces? Nakatingin parin ako kay four na kumukuha na ngayon ng litrato.

Bakit hindi mo pa ako diretsuhin, kung gaano ko kakilala si four ng 7aces. Napatingin naman ako sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya. Nakita kong nakatingin din siya kay four. At sinabihan na kita Gail diba? Si four naman ngayon, wag mo na ipilit ipasok sa magulo nilang mundo ang sarili mo. Makahulugan niyang sabi sa akin.

Hindi ko maiiwasan iyon Cindy, tsaka isa si four sa tumulong sa akin para makapasok ako, kaya kung meron naman akong maiitutulong sa kanya ay gagawin ko. Napabuntong hininga naman si Cindy.

Fine, ano ba ang gusto mong malaman about four?

Lahat ng alam mo, pwede mo bang ikwento sa akin? Pinagpatuloy na namin ang paglalakad papunta sa garden. At nang nakarating kami doon ay agad kaming umupo sa madalas na inuupuan namin.

Si Travis Klein Chua or Trave. Kilala sa tawag na Four, 4th prince ng 7aces. Ang nag iisang apo at tagapagmana ni Matias Chua, na isang sikat na business tycoon at isa sa board members nitong school. Kung ganoon ay hindi pala biro ang yaman ng 7aces. Kung mayaman na sila Sky, ano pa kaya ang yaman ni Xave?

Tagapagmana? Bakit nasaan ba ang mga magulang ni Four? Nagtatakang tanong ko.

Ayon sa sabi-sabi, maagang naulila si Four sa mga magulang niya. Namatay ang mga ito sa isang accident noong bata pa siya. Siya lang ang nakaligtas ng araw na iyon. Bigla naman ako nalungkot sa naging kabataan ni Four. Siguro sobrang sakit para sa kanya iyon.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now