-48-

235 12 0
                                    

[Gail]
Habang papunta kami sa clinic ay nagsalita siya.

Bakit ka ba nakialam kanina ha? Diba sinabi ko naman na kaya ko. Hindi ko naman siya pinasin at patuloy lang ako sa pag alalay sa kanya.

Are you deaf? Hindi mo ba narinig ang sinasabi ko? Napabuntong hininga naman ako bago ko siya sagutin.

Hindi ako bingi, oo narinig kita. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang facilitator, tsaka mukhang hindi na kaya ng paa mo maglaro pa. Tingnan mo nga hirap ka na maglakad. Kung ipinagpatuloy mo pa ang paglalaro baka hindi ka na makalaro sa susunod. Wala na naman ako narinig sa kanya na sagot, hindi niya ba alam na namamaga na ang paa niya dahil sa nangyari. Pasalamat ka nasa kanya ang proteksyon ko ilang araw lang ay magaling na siya.

Nang makarating kami sa clinic ay agad naman nagulat ang school nurse.

Omg!! Xave what happen?!  Agad naman niya ako tinulungan maiupo si Xave sa kama.

Tss. Iyon lang ang sinagot niya sa school nurse namin. Wala talaga itong ginagalang sa school na ito. Napailing nalang ako. Tumingin naman sakin yung school nurse, dahil wala siyang makuhang matinong sagot kay Xave.

Na injured siya habang naglalaro. Nakatingin parin ito sa akin na parang may inaalala.

You look familiar? Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ah! I know you. Ikaw yu---

Gagamutin mo ba itong paa ko or magdadaldalan nalang kayo diyan? Pagputol ni Xave sa sasabihin dapat ni nurse Xien. Agad naman inasikaso ni nurse Xien ang paa ni Xave. Gaya ng inasahan namamaga na nga ito. Naupo naman ako sa silya habang iniintay matapos si nurse Xien.

Nang matapos siya ay agad kong kinamusta si Xave.

Okay na siya, medyo namaga lang ng konti but gagaling din ito agad. No need to worry. Ngumiti lang ito sa akin. But make sure na hindi muna siya maglalaro hanggang sa gumaling ito. Tumango lang ako at nagpaalam na kailangan ko ng bumalik sa game dahil sa report na kailangan ko gawin.

Lumipas ang oras, natapos ang game at kahit na nawala si Xave sa laro ay hindi iyon naging hadlang para di sila manalo. Paalis na sana ako para bumalik sa office ng may biglang lumapit sa akin.

Gail! Paglingon ko ay si Sky ang nakita ko. Nakangiti itong lumapit sa akin, halatang hindi pa ito nag aayos dahil pawisang pawisan parin ito.

Oh Sky! Bakit hindi ka pa nag aayos?

Mag aayos na sana ako kaso nakita kita kaya linapitan kita. Nahihiya niyang sabi ng makitang nakatingin lang ako sa kanya.

Okay lang si Xave kung iyon ang itatanong mo. Siguro ay para itanong kung ayos na ang kaibigan niya, iyon siguro ang dahilan kaya siya lumapit sa akin.

Alam ko naman na magiging ayos siya eh. Kumpara sa mga sugat na natamo niya sa mga kaaway namin walang wala ang nangyari sa kanya ngayon. Nandito ako para sabihin na effective ang good luck mo dahil nanalo kami. Masayang sabi nito.

Congrats nga pala. Nakangiti kong sabi sa kanya.

Salamat pero hindi pa talaga kami panalong panalo, may susunod pang game. Pero sisiguraduhin namin na mananalo kami. Tumango lang ako sa kanya. Napatingin naman siya sa papel na hawak ko.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon