-13-

307 15 0
                                    

Gail's POV
Ang saya ko ngayon araw na ito meron na kasi ako nahanap na work. Gustong gusto ko na ito ibalita kay Sky at seven. Dapat sasabihin ko na sa kanila kaso mukhang abala sila sa school lagi kasing seryoso ang mga mukha nila. Mamayang gabi na kasi ang simula ko sa work ko. Madali lang naman ang gagawin ko, sa isang kainan ako mag work. Lumabas ako ng aking silid ng nakangiti. Tamang tama nakaupo si Sky at mukhang may inaaral siya.

Sky... tawag ko sa kanya, agad naman siya lumingon at ngumiti sa akin.

Ano iyon Gail? May kailangan ka ba?

Hindi ako dito matutulog mamayang gabi ha. Paunang sabi ko

Ha? Bakit?

Kasi nakahanap na ako ng work at mamayang gabi na ang simula ko, sa isang kainan ako mag wowork.

Ganun ba, congrats, ihahatid kita mamaya sa trabaho mo. Tatapusin ko lang ito. Tukoy niya sa tambak na aralin niya sa lamesa.

Naku! Hindi na ayaw naman kita abalahin pinaalam ko lang sa iyo. Pagtanggi ko sa alok niya

No it's okay I insist.

Tumango nalang ako dahil wala naman ako magagawa dahil mapilit siya. Iniwan ko na siya sa at nagtungo sa kusina para kumain dahil ayaw ko na siyang abalahin pa mukhang madami siyang ginagawang aralin.

(Few hours passed)
Naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa trabaho ko. Maya maya may kumatok na sa aking silid.

Gail tapos ka na ba mag ayos? Dumungaw sa pintuan ng aking silid si Sky.

Oo, halika na. Napangiti naman ako sa kanya. Agad naman kami umalis at hinatid niya ako sa pagwoworkan ko.

Dito nalang Sky. Salamat sa paghatid sakin. Nakangiti kong sabi.

Okay sige mag iingat ka. Tawagan mo ako pag pauwi ka na okay? Tumango naman ako at sinarado ko na ang pinto ng sasakyan niya. Agad naman ako pumasok sa loob ng kainan at hinanap ang nangangalaga dito para kausapin na nandito na ako.

Oh! Andito ka na pala. Mag ayos ka na madami ka pang gagawin. Ngumiti lang ako sa kanya at naghanda na para magtrabaho.

(Kinaumagahan)
Hay! Nakakapagod ang dami kong hinugasan. Sumakit ang balikat ko ganito pala ang trabaho ng mga tao. Tatawagan ko na sana si Sky ng makita ko sa labas ng kainan ang sasakyan niya at nagiintay siya sa labas ng kotse niya habang nakasandal. Agad ko naman siyang tinawag

Sky! Anong ginagawa mo dito? Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Alam ko kasing pagod ka, kaya sinundo na kita. Nakangiti niyang sabi. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at sumakay na ako.

Nag abala ka pa, ayos lang naman ako. Pero salamat na din. Nakangiti kong sabi.

So kamusta ang bago mong trabaho?

Ayos naman masyadong nakakapagod ang trabaho ng mga tao. Wala sa sarili kong sagot.

Haha. Kung mag salita ka para kang hindi tao ah. Natatawang sabi niya. Nagulat naman ako dahil nagkamali ako ng sinabi.

Ang ibig kong sabihin ay nakakapagod ang trabaho dito ng tao. Dahil sa lugar namin magaan lang ang trabaho. Pag sisinungaling ko. Yari ako nito kay Clyne pero kailangan ko magsinungaling para sa misyon ko.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon