-62-

249 15 7
                                    

[Sky]
Masugid akong nag iintay ngayon kay Gail at Cindy dahil napagdesisyunan kong sunduin sila. Hindi ako mapakali matapos ng malaman ko kay Xave ang totoong dahilan. G*go talaga iyon pati si Gail gagamitin niya. Hindi ako papayag.

Sky. Anong ginagawa mo dito? Nagtatakang tanong ni Gail sa akin.

Diba may practice ka ngayon ng basketball vice? Tanong naman ni Cindy.

Hindi naman ako sumagot at tumingin ako kay Cindy.

Pwede ko bang makausap si Gail kahit sandali lang? Tumango naman ito. Kaya pinagbuksan ko na sila ng pinto para makapasok na sa sasakyan ihahatid ko muna si Cindy bago ko kausapin si Gail.

Nang makarating kami sa apartment nila, agad nagpaalam si Cindy kay Gail bago ito bumaba.

Tawagan mo ako pag pauwi ka na okay. Mag iingat kayo. At tuluyan na siyang lumabas ng sasakyan. Kaya ng makapasok na si Cindy sa apartment ay nagsimula na akong paandarin ang sasakyan ko.

Tahimik lang kami ni Gail sa byahe. Nang itinigil ko ang sasakyan ko sa isang coffeeshop malapit lang sa apartment nila ay bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto.

Salamat. Niyaya ko na siya pumasok sa loob.

Table for two. Sabi ko sa waiter na sumalubong sa amin pagkapasok namin ng coffeeshop. Agad naman niya kami dinala sa magiging table namin.

Pagkaupo namin ay umorder lang ako ng tea samantalang si Gail ay isang frappe. Nang makaalis ang waiter ay binasag na ni Gail ang katahimikan sa pagitan namin.

Anong pag-uusapan natin Sky? Mahina niyang tanong.

Stay away from Uno, Gail. Kahit kaibigan ko siya, ayaw kong makasama ka sa mga naging babae niya. Alam ko ang ginawa mong pagpapanggap na girlfriend niya sa harap ni tito, sinabi niya kanina sa amin. Hindi naman siya agad sumagot sa sinabi ko.

Hindi pwede Sky. At tiningnan niya ako ng seryoso. Dahil nakapangako na ako sa tatay ni Xave na tutulungan ko ito. Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

What do you mean? Naguguluhan kong tanong.

Bago pa lamang matapos ang party ng tatay ni Xave ay nalaman niya na nagpapanggap lang akong girlfriend ni Xave. Humingi ako ng tawad at humiling na sana ay wag tanggalin ang scholarship ko. Pumayag naman siya, kaya lang ay may kondisyon. Kondisyon? Ano naman hihilingin ni Tito na  kapalit.

Anong kondisyon?

Tulungan ko siyang baguhin si Xave. Kaya pumayag ako. Kaya Sky sana manatiling lihim ito. Kayo lang ni Cindy ang pinagsabihan ko umaasa ako na wala kayong pagsasabihan ng bagay na ito. Gusto ko din mabago si Xave pero hindi sa paraan na ganito. Mas lalala ito kung malalaman ni Xave na may ganito.

Sana maintindihan mo Sky. Gusto kong tulungan si Xave---

Gaya ng pagtulong mo sakin, kay Tres at kay Four. Pagputol ko sa sasabihin niya. Nagulat man ay tumango ito.

Napabuntong hininga ako at tumango. Nakita ko kung paano tulungan ni Gail sila Tres kaya umaasa ako na matutulungan din niya si Xave. Sana lang maging maganda ang kalabasan nito. Ayaw kong maulit ang dati. Wag na wag.

-----------------------------------------------------------
[Gail]
Buti naman ay naintindihan ako ni Sky. Kumain lang kami pagkatapos namin mag-usap, nag kwentuhan kami ng tungkol sa ibang bagay gaya ng practice niya sa basketball at kung gaano kaabala ngayon sa office.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon