-5-

410 14 2
                                    

Gail's POV
Bagong umaga na naman ang lumipas. Kelan ba kasi ako makakabalik bakit di pa din nagpapakita sakin si Shin.

Gising ka na pala? Kamusta? Pasensya ka na di kita masyado naasikaso kagabi nagmamadali akong umalis. Nakakagulat na bungad sakin ni Sky.

Okay naman. Salamat ulit sa pagpapatuloy sakin dito.

Bakit ang aga mong nagising?

Ah eh. Naninibago lang siguro. Alangan kong sagot sa kanya.

Ahh ganun ba masasanay ka din.

(Gruuuuu).. nakakahiya bakit kasi nakakaramdam ako ng gutom ngayon. Dati naman hindi ako nagugutom. Ganito ba talaga ang mga tao?

Ngayon alam ko na kung bakit ka nagising ng maaga. Nakangiti niyang sabi sakin. Nakakahiya talaga.

Bakit di ka kumuha ng pagkain dito? May mga pagkain dito. Agad na tanong niya.

Nakakahiya. Nakikitira na lang ako dito tsaka di ko din naman alam kung nasaan kaya tiniis ko nalang. Mahina kong sagot.

Wag ka ng mahiya. Isipin mo nalang pasasalamat namin ito sa pagliligtas mo kay Xave. Nga pala, di ko pa alam ang pangalan mo. Hahaha. Tumatawang pahayag niya.

Ako si Gail. Nakangiti kong pagpapakilala.

Nice to meet you Gail. Ipagluluto na kita ng pagkain at sabay na tayo. Nakangiti niyang sabi. Iniwan niya ako dito sa malambot at mahabang upuan at dumiretso siya sa isang silid.

Agad akong sumunod sa kanya at inabutan ko siyang kumukuha ng pagkain sa isang pintuan. Kakaiba ang pintuan na iyon dahil natatanaw ko na maraming pagkain sa loob nito.

Anong ginagawa mo? Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Kumukuha ako ng mga ingredients at pwede kong lutuin for breakfast. Sagot niya sa akin habang abala parin siya sa ginagawa niya.

Kakaiba ang pintuan meron kayo. May lamang pagkain ganyan din ba ang ibang pintuan dito? Nagtataka kong tanong.

Pintuan? You mean this? Sabay turo sa pintuan kinukuhanan niya ng pagkain. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya.

Di ka pa ba nakakakita ng ref? Ibig sabihin ref ang tawag sa pintuan na iyon.

Walang ganyang bagay sa lugar kung saan ako galing.

Saan ka ba nakatira? Agad na tanong niya sakin. Hindi ko maaring sabihin ang tungkol sa pinanggalingan ko.

Sa isang malayong lugar hindi mo rin maiintindihan kahit sabihin ko.

Ahh ganoon ba. Sandali lang at lulutuin ko na ito. Naghanda na siyang magluto ng pagkain.

Anong ginagawa mo dito? Biglang may nagsalita sa likod ko. Nakakagulat naman. Para silang kabute na basta nalang sumusulpot.

Ah eh. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

Ako ang nagpatuloy sa kanya dito uno. Tinulungan ka niya kagabi dapat lang na tulungan din natin siya. Agad na sagot ni Sky ng mapansin niyang di ko alam ang isasagot ko.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon