-81-

222 12 3
                                    

[Xave]
I'm on my way papunta sa condo ko ngayon. Tss. Hindi ko siya gustong puntahan ha! sadyang makulit lang si mommy, gusto niya malaman kung okay na si flat woman.

Pagdating ko sa floor na pag mamay-ari ko. Agad akong nagtungo sa pintuan at tinaype ang password ko.

Nang mabuksan ko agad kong tinungo ang kwarto ko, bumungad sakin ang maayos na kama. Mukhang umalis na siya. Napansin ko naman ang isang note sa ibabaw ng table sa sala kaya kinuha ko ito.

Xave,
       Salamat sa pagpapatuloy sakin dito kagabi at sa pag aalaga na din. Maayos na ang aking pakiramdam. Umuwi na ako para magpalit ng uniform. Magkita nalang tayo sa school mamaya.

                                                              ~Gail

Matapos ko basahin ang note ay napa smirk nalang ako. Bakit ba ako umasa na iintayin niya ako dito?

Tss. Sa school ko na nga lang ito ibibigay.
——————————————————
[Gail]
Nang makarating ako sa school ay agad akong nakatanggap ng tawag kay Cindy.

Hello Cindy?

Gail!! Buti sumagot ka! Kagabi pa ako tawag ng tawag at text ng text sayo hindi mo naman sinasagot.

Pasensya na Cindy, may sakit kasi ako kagabi pero mabuti na ang pakiramdam ko ngayon wag ka nang mag alala.

Ano!! Ano bang nangyari sayo? Sabi ko naman—

Ayos na ako Cindy. Konting lagnat lang naman. Kamusta ka ba diyan? Pagputol ko sa sunod-sunod niyang tanong.

Ayos naman. Madami lang activities na pinagagawa. Matatagalan pa bago kami umuwi. Uwing-uwi na ako.

Natawa naman ako dahil sa narinig kong reklamo niya. Ayos lang yan Cindy. Mabilis lang ang panahon. Sige na maghanda ka na at baka mahuli ka pa. Papunta na din ako sa room natin. Mamaya na ulit tayo mag-usap. Mag ingat ka diyan.

Ikaw din Gail. Alagaan mo sarili mo!! Natawa naman ako sa sinabi niya. Oo na ikaw din. Matapos namin mag usap ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta ng room.

May text naman dumating sa akin galing kay Tita Celine.

From: tita Celine
Iha, text me kung pwede na kitang tawagan.

Kaya agad ko siyang nireplyan bakit kaya? Hindi naman nagtagal ay tumawag na ito.

Hello po tita?

Iha! How are you? I heard na may sakit ka daw, Xavier told me.

Ayos na po ako tita konting lagnat lang po.

Thank God. By the way iha, nagluto ako ng pagkain for you and Xavier hanggang lunch ninyo na iyon. Sabay kayo mag lunch okay?

Nag abala pa po kayo tita, pero salamat po sigurado mabubusog na naman ako nito. Masigla kong sabi. Narinig ko naman ang tawa ni tita sa kabilang linya.

Sige na iha, aasikasuhin ko na ang tito mo. Take care iha. Okay?

Opo, kayo din po. Salamat po ulit. Matapos namin mag usap ay agad akong naglakad papunta ng locker para kunin ang ilan kong gamit. Nagulat naman ako ng makita si Xave na nakasandal at mukhang may iniintay.

Follow me. Agad naman kumunot ang noo ko kaya tumingin ako sa likod ko para tingnan kung sino kausap niya. Pagharap ko nagulat ako dahil nasa harap ko na siya at nakakunot-noo

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon