-60-

280 18 5
                                    

[Gail]
Nang makarating kami sa street kung saan ako nakatira ay nagpaalam na ako kay four.

Sigurado ka na dito nalang? Pwede kita ihatid sa apartment mo.

Umiling ako. Hindi na, dito nalang malapit na naman siya. May dadaanan din kasi ako eh. Sa totoo lang ay balak ko lang mag isa at mag isip tungkol sa sinabi ni Shin.

Tumango lang ito. Kaya sinara ko na yung pinto. Maglalakad na sana ako ng bigla niyang binaba ang bintana ng sasakyan niya.

Gail. Tawag niya sa akin. Kaya napatigil ako sa paghakbang para umalis. Salamat. Sana wag mo nalang ito mauulit kay Sky or Treston. Ngumiti ako at tumango.

Wag ka mag alala hindi ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa nakita ko kanina. Ngumiti lang ito.

Ingat ka. Sasaraduhan na niya sana yung bintana ng bigla ako mag salita.

Four. Sana mapatawad mo na ang sarili mo at sana maging masaya ka na. Nakangiti kong sabi.

I will. At tuluyan na niyang sinara ang bintana at pinaandar na ang sasakyan niya. Kaya nag umpisa na akong maglakad.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko pa din ang sinabi ni Shin. Nang biglang may rumaragasang motor ang tumigil sa harap ko. Agad naman ako kinabahan dahil sa mga babala si Cindy tungkol sa ganitong pangyayari.

Nang tanggalin niya ang helmet niya ay unting unting naging pamilyar ang taong ito.

Sakay. Napalingon naman ako sa likod ko.

Ako? Sabay turo ko sa sarili ko.

Tss. Ikaw at ako lang naman ang tao dito. May iba ka pa bang nakikita? Natural ikaw kausap ko! Psh ang sungit talaga nito. Anong bang trip niya?

Bakit ako sasakay dyan? Saan mo ba ako dadalhin? Tanong ko sa kanya.

Tss. Sasakay ka ba or else...? Pag putol niya sa sinasabi niya.

Or else ano? Matapang kong sabi. Aba! hindi ako papasindak sa kanya no.

Or sapilitan kitang isasakay dito in Uno's way. Wanna try? Naghahamon niyang sabi. Wala naman ako magawa kundi sumakay malay ko ba sa Uno's way-Uno's way niya.

Tss. Sasakay din pala dami pa arte. Oh! Sabay abot ng isang helmet sa akin. Kumapit ka. Hindi kita responsibilidad pag nahulog ka. Nakakainis talaga ang lalaking ito. Mabuti pa na tahimik nalang siya.

Eh hindi mo naman pala ako responsibilidad pag nahulog ako, momotor-motor ka pa. Pabulong kong sabi.

Sayi'n something? Napairap nalang ako.

Wala po. Sabi ko kakapit na. Kaya kumapit na ako sa jacket niya. Nagsimula na siyang paandarin ang motor niya at isa lang masasbi ko. Iyon na ang huling beses na sasakay ako sa motor niya.

Napahigpit ang kapit ko sa jacket niya dahil sa bilis niyang magpatakbo. Parang mahihiwalay kaluluwa ko sa katawan sa sobrang bilis.

Pwede bang bagalan mo? May hinahabol ba tayo? Sigaw ko sa kanya. Sa halip na bagalan mas lalo niya pa binilisan. Baliktad ata utak nito eh.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon