-57-

234 13 3
                                    

[Gail]
Patuloy parin ang kasiyahan dito sa kaarawan ni Treston. Yung ibang bisita ay kumakain na, yung iba naman ay nag uusap habang umiinom. Nakilala din namin ang mga pinsan ni Treston kanina at mababait sila. Kasalukuyan ngayon na nagbibigay ng message para kay Treston at kasabay noon ay pagbibigay din ng regalo.

Hindi ko alam kung magugustuhan ni Treston ang regalo ko dahil simple lang ito kung ikukumpara sa mga natanggap na niya.

At para sa susunod na magbibigay sayo ng message. Tawagin na natin si Gail. Sabi ng emcee na kinuha nila Sky para sa gabing ito. Oh! Siya pala ang may plano ng party na ito. Pagbibigay alam ng emcee.

Lumapit naman ako sa unahan tsaka tinanggap ang mikropono na inabot sakin ng emcee. Bago siya umalis ay binulungan ko ito. Napangiti lang ito sa akin at nagsimula ng umalis.

Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita.

Una sa lahat, binabati kita ng maligayang kaarawan Treston. Tumingin ako sa kanyang direksyon, katabi niya ang 7aces. Akala mo siguro nakalimutan ko na kaarawan mo ngayon no? Parte kasi iyon ng plano para dito. Ngumiti ako sa kanya. Alam kong ayaw mo ng ganito dahil sinabi mo na sa amin ito, pero gusto kasi kitang mapasaya at alam kong nagawa ko ang bagay na iyon, hindi naman halata dahil halatang halata sayo kanina sa amusement park. Ito yung regalo ko. Inabot ko naman sa kanya yung regalo ko. Simple lang iyan at hindi mamahalin. Sana magustuhan mo. At bumalik ulit ako sa unahan.

Ang regalo ko ay isang porselas, na ako mismo ang gumawa. Pinili ko talaga iyan dahil hindi naman basta basta yung mga beads non. May kamahalan din ang isang box noon dahil sa mall ko pa ito binili. Naubos ang ipon ko dahil doon at sa isa pang bagay, pero ayos lang dahil kaarawan naman ng kaibigan ko. 

Hindi pa diyan natatapos ang regalo ko. Nagtataka naman sila dahil sa sinabi ko pero binalewala ko ang naguguluhan nilang ekspresyon at agad na kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

Nag dial lang ako sa phone ko.

Maari na po kayong pumasok. Pagkasabi ko noon ay sinenyasan ko ang emcee na nasa pinto para buksan ang pinto. Lahat ng atensyon ay napako sa pinto dahil sa curious sila kung sino ito.

Let's welcome, Treston parents, Mr and Mrs. Jung.

Napatayo naman si Treston mula sa kinauupuan niya nang makita ang mga ito. Agad tumakbo si Treston sa direksyon nila at niyakap ang mga ito. Napaluha naman ang ilan sa mga bisita at kamag-anak ni Treston.

Agad silang pinaupo sa isang table na para sa kanila. Nagpatuloy naman ang program.

Ikaw ha! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may ganito pala. Pagbulong na sabi sakin ni Cindy sa isang tabi, parehas kasi kami kumukuha ng pagkain dito sa buffet daw ang tawag.

Pag sinabi ko sayo, edi hindi na kayo masorpresa. Nag pout lang ito. At kumuha ng ilang pirasong barbeque.

Paano mo nacontact ang parents ni Treston? Iyon ba ang dahilan kaya palagi kang nakatingin sa phone mo? Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Nauna na akong bumalik sa table namin dahil may gusto pang kunin na pagkain si Cindy.

[Treston]
Hindi pa din ako makapaniwala na nandito na sina mom and dad, kasama ko na sila sa importanteng araw sa buhay ko. Aaminin ko na sila ang pinaka hinihiling ko ngayon kaarawan ko.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now