Chapter 31: Everybody's Pain

2.3K 59 10
                                    

Hindi pa ako nakakasagot kay Clyde eh biglang tumunog ang cellphone niya. Dancer talaga ang dating niya sa Sexyback ni Justin Timberlake na ringtone. Halatang nainis si Clyde pero hindi niya iyon agad sinagot.

"Mamili ka na Hannah. Anong gusto mo?"

Hindi parin natigil ang pagtugtog nung phone ni Clyde dahil sa tumatawag sa kanya.

Kinakabahan ako sa ano ang dapat kong isagot sa kanya. Natatakot ako sa mga pwedeng kalabasan ng magiging desisyon ko. Buti na lang at di na nakatiis si Clyde at nilabas niya ang phone niya mula sa bulsa niya gamit ang kanan niyang kamay.

"Ano na naman bang problema nitong si Anton?" Sabay lapag nung phone niya sa table na nasa gilid namin. May pinindot siya kaya naging loudspeaker ang tawag ni Anton.

"BRING YOUR ASS BACK HERE!!! Mas kailangan ka namin kesa sa babaeng yan-"

Nataranta si Clyde sa sinabi ni Anton kaya agad niyang inoff yung tawag. Lumuwag din ang pagipit niya sa legs ko na nasa pagitan ng legs niya.

"Wala kang narinig" kausap sa akin ni Clyde

"Hinahanap ka na nila" kunwari kong di pagpansin sa sinabi ni Clyde.

"They can do that on their own. Babalik ako after ng exam. They can wait"

"Pero hindi ka naman nagaaral dito Clyde. Mas maganda na tulungan mo na lang sila"

"Dont tell me what to do. Gusto ko sagutin mo ang tanong ko sayo. Ano ba tayo? Yun ang mahalaga sa akin ngayon"

"Wala. Walang tayo Clyde. Pagbalik natin eh balik tayo sa dati. Walang nagbago"

Napabukas ang bibig ni Clyde. Yung tipong di siya makapaniwala sa narinig niya.

"You can hurt me with just your words."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hanggang kelan ko ba ipapaalala sayo na gusto mo ako. Lets not play stupid Hannah. Why dont you show me what you really feel?"

Yun ang pinagkaiba ng pakikitungo ko kay Clyde at kay Sage. Kay Sage, hindi ko namamalayan pero naipapakita ko na ang totoo kong ugali pero kay Clyde ay matindi ang pagtatago ko ng nararamdaman ko hanggang sa kahit ako ay nasasaktan na.

"Kasi ayokong magmukhang tanga sa huli. Pwedeng pwede kang makawala sa setup natin na to Clyde. Pero ako? Hindi ko pa to nararamdaman dati, wala akong magawa para pigilan to"

"Sa tingin mo ba naramdaman ko na dati yung nararamdaman ko sayo ngayon? Ako ang nagmumukhang tanga dito dahil pinupunto ko sayo ang dapat mong maramdaman sa akin. If you could just be brave to face those fears with me then I dont think I will just escape the shit you caused. I would love to be in it. With you. The girl who made the king fall into his knees and beg that all of this is not a dream. The girl who I cant stop staring at just like now. The girl whom my feelings get stronger everyday that I fear it will someday consume me. The girl who is capable of making me control my demons that are always controlling me. That girl is you, Hannah. Only you. Now tell me, paano ko matatakasan tong setup na to when you caught me already before I even realize your trap"

Parang sasabog ang puso ko sa mga sinasabi ni Clyde. Hindi talaga maprepreno ang bibig niya pag may gusto siyang sabihin. Namimilipit na ang tiyan ko dahil sa kaba. Umamin na siya pero mas lumalala lang ang kaba ko tuwing may sasabihin siya sa kung ano ang nararamdaman niya sa akin.

Akala ko hinihintay ni Clyde yung sasabihin ko sa mga salitang binitawan niya pero hindi niya ata gustong malaman yun nung sinuot ni Clyde yung cap na 'Chicago Bulls' ulit sa akin at tumayo.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon