Epilogue

18.8K 500 26
                                    

Rogelio Gaguan Soriano III

"Here's your receipt, sir. You can proceed to the cashier after providing a photocopy of that receipt, together with your requirements." The lady on the registrar, smiled and handed me the receipt.

"Thank you, ma'am."

"Doon ka nalang mag-photocopy sa library para libre, at mabilis. Just walk straight to that hallway and look for SDB 301."

Muli akong nagpasalamat, at sinunod ang direksyon na sinabi niya. Tagaktak ang pawis ko dahil sa init. I'm not used with this new environment, nasanay kasi ako sa Manila na ultimo hallway ay air conditioned.

There was also no elevator which was the reason why I was sweating a lot, and make me even more tired. I wiped my sweats first before entering the library. Grabe talaga ang init dito, parang minu-minuto akong pinagpapawisan.

Mahimbing sa pagkakatulog ang librarian, ng makapasok ako. Kusa akong nag-log in bago lumapit sa photocopy machine.

Class hour kaya kakaunti lang ang tao sa library, pero isang pamilyar na bulto ang pumukaw sa atensyon ko. Nakapangalumbaba 'to at mukhang natutulog. Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya, ay alam ko nang siya 'yon. I glanced at the librarian again to check if she's still sleeping. Nakita kong mahimbing pa rin 'to sa pagkakatulog kaya naman unti-unti akong humakbang papalapit sa babae.

"We met again, huh," I whispered to myself. Umupo ako sa tabi niya, at pinagmasdan siya sa ganoong posisyon. I want to touch her hair, but I'm afraid that I might disturb her sleep.

After a few minutes, ay unti-unti siyang gumalaw. Inangat niya ang kanyang ulo, na naging dahilan upang maamoy ko ang kanyang mabangong buhok. She blinked more than twice, trying to get her clear vision back. Her eyes widened the moment that she laid her eyes on mine. Gulat na gulat siya nang makita ako sa harap niya, at maging ako ay nagulat din sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"How's sleep, Ms. Kiss and Run?" I asked and playfully smirked.

She's the girl who keep on pestering me on my dreams. Simula nang maglapat ang labi namin ay hindi ko na maalis ang imahe niya sa aking sistema. I can even still feel her lips on mine. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan. Tinawag ko lang naman siya para sabihing may tagos siya, pero bigla na lang niya akong hinalikan, at tinakbuhan.

"Are you stalking me?" she fired back. She raised a brow which makes her more cuter than before. I hate to admit this but I was really amused and stunned by her beauty. Unang kita ko pa lang sakanya alam kong siya na, siya na ang susunod kong iiyakan.

"Excuse me." Muli niyang pagtataray sa akin. Iritado siyang lumabas ng tawanan ko siya kanina. Para naman akong tuta na sunod ng sunod sakanya, and I don't even know why.

"Sige, daan na."

"Are you following me?" She asked again. Tignan mo 'to, pagkatapos akong nakawan ng halik ay bigla niya akong tatarayan.

"Am I?" Mapaglaro ko namang sagot sakanya. Sinundan ko siya hanggang sa rooftop, at inasar. Para akong baliw kakatawa nang umalis siya, at iwan akong mag-isa. Halos mapunit ang labi ko sa kakangiti nang bumalik sa library.

"O," I said after answering the call.

"Gago, nasaan ka ba?" My friend, Cristan, asked over the call.

"Nasa pwet mo nagkakape."

"Gago, nasaan ka nga? Nandito ako sa bahay niyo, kaya umuwi ka na. Umuwi ka na baby, hindi na ako sanay ng wala ka."

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now