Chapter 35

17.2K 641 6
                                    

"You will always be the miracle that makes my life complete. Happy 6th anniversary, darling! Thank you for everything, Leo. I love you so much!"

Halos masuka ako nang mabasa ang caption niya na 'yon, sa kanyang instagram post. I looked at their picture and smiled. Napangiti ako nang mapakla sa nakita. They were smiling while hugging each other. Kitang kita sa mga mata nila na masaya sila, at mahal na mahal na mahal nila ang isa't isa.

That smile. Dati lang ay ako ang dahilan non, pero ngayon ay iba na ang dahilan ng bawat pagngiti at pagningning ng kanyang mata.

They actually look good together. Picture perfect of a happy couple.

Hindi ko na muling nakita pa si Leo, pagkatapos ng nangyari sa bahay nila. Ginawa kong abala ang sarili ko, para makalimutan siya at maalis sa isipan ko. I passed that USTET exam, at naging masaya naman kahit kaunti. Pinipilit kong ngumiti, at maging masaya dahil nagsasawa na akong umiyak, at masaktan.

Nalaman ko na model pala si Ciara, kaya kailangan niyang bumalik agad sa California. Pumatok din ang issue ng biglaang pag-alis ni Leo sa bansa. Hindi niya tinapos ang school year, dahil after finals ay lumipad na 'to agad papunta sa girlfriend niya.

I finished my Senior High School, with flying honors. Lahat kaming magkakaibigan ay pasok sa honors roll, at si Ernisha lang naman ang aming Class Valedictorian. Hindi na ako nagulat dahil deserve niya naman talaga.

Bakasyon na namin ngayon, pero ang sakit na ang nararamdaman ko ay hindi pa nagbabakasyon. Walang gabi na hindi ko siya inisip. Walang gabi na hindi ako umiyak. Saksi ang unan at kumot ko kung paano ako patagong humikbi tuwing gabi.

I distanced myself and deactivated all my social media accounts. Ngayon ko lamang ito naisip na buksan ulit, dahil akala ko maayos na ako. But, I was wrong. Because the moment that I saw her post, ay muli nanamang nawasak ang puso ko. I can't prevent that pain that I'm feeling right now.

Buti pa sila, masaya. Samantalang ako, ito, hindi makalimot at hindi maka-usad. Nasa dilim at pait pa rin ng nakaraan. How can I forget the past if everything I see reminds me of him?

"You're not eating, Tat. Why? Hindi ba masarap?"

"Wala akong gana," I answered to her. Nandito kami sa Plaza Mocha, dahil sinundo ako ni Vettinah kanina sa bahay. Gusto kong mapag-isa, but need to unwind and have fun too. Ngunit kahit anong subok ko ay hindi ko magawang maging masaya. Laging may kulang, lagi akong kulang.

"It's him again? My gosh! Tatiana, ilang buwan na. Kalimutan mo na si Leo!"

"Ang hirap, Vettinah! Ang hirap hirap! God knows how much I wanted to forget that asshole, pero hindi ko magawa. Hindi ako makausad."

"Shhh. You'll be fine soon," pag-alo niya sa akin. Niyakap niya ako kaya mas lalo akong naiyak. Wala na 'ata akong ibang alam gawin kung hindi ang umiyak ng umiyak. Hindi ba napapagod yung mga mata ko? Kasi ako pagod na pagod na!

"Uy, gago! Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Cassandra, na ngayon ay kararating lang. She's always late. Lagi naman, anong bago?

"I'm pregnant," pagbibiro ko sakanya.

"Tarantado! Di maganda biro yan, baka magkatotoo." Nagmura 'to at hinagisan ako ng tissue. Natatawa kong kinuha 'yon at pinampunas sa luha ko.

"Tara sa Baguio hanap bago," singit ni Ernisha.

Pagkatapos kumain ay nag-ikot ikot kami. Aksidente kaming napadaan sa arcade, and I remembered him again. Naalala ko 'yong kinantahan niya ako kahit sintunado siya. Damn! Ito ang mahirap sa break up e. You spent hours, days, months, years, doing everything together. And one day, you'll wake up having to live life on your own again.

"Spa tayo!" Pag-aaya ni Vettinah.

"Kayo nalang. I'm tired, uuwi na ako."

"Ang arte mo Tat! Osige, magic word, ililibre kita." Cassandra offered. "Bilis na!" Wala na akong nagawa dahil nahila na nila ako sa loob.

"Chill ka lang jan, Tat. Chill lang habang nasasaktan sa maling tao," they reminded me.

Sulit naman ang spa. Refreshing and relaxing. I mouthed thank you to them ng maihatid ako sa bahay. Hinintay ko munang maka-alis ang mga 'to bago ako pumasok sa loob.

Pagkapasok, ay naabutan ko si mama na nagluluto. Amoy na amoy ko agad ang kanyang nilulutong kare kare. Dumiretso ako sa kusina, and poured a glass of water.

"Kamusta ang gala niyo?" She suddenly asked.

"Ayos naman po, ma."

"Did you enjoy?" Tanong niyang muli. Tumango ako bago uminom ng tubig. Tahimik akong umakyat, at ibinagsak muli ang katawan sa kama.

Ito nanaman. Mag-isa nanaman ako. Kapag may kasama ako ay parang maayos lang naman ako, pero kapag mag-isa nalang ulit ako ay bumabalik sa lungkot. In any moment ay malulungkot at iiyak nanaman ako. Agad akong napabangon ng makita si mama sa tapat ng aking vanity mirror.

Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa kama.

"Do you have a problem, Tatiana?"

"W-wala po, m-ma. I-I'm fine," I lied. Hinawakan niya ang mahaba kong buhok, at marahan hinaplos 'yon.

"I'm your mother. You can't lie to me."

I looked at my ceiling to prevent my tears from falling. Itinigil niya ang ginawang paghaplos sa buhok.

"I know what happened between you and Leo. Kahit hindi ka mag-kwento, ay alam ko ang tungkol sa bagay na 'yon, Tatiana."

"Ang sakit, ma. Ang sakit sakit po. Bakit ko pa siya nakilala? Bakit pa kami pinagtagpo kung ilalayo din siya sa akin ng tadhana?" Tears escaped on my eyes again. Paano kaya nagagawang ngumiti at maging masaya ni Leo at Ciara, habang ako ay nasasaktan at nahihirapan.

"Don't say that. Mapaglaro ang tadhana, pero minsan tayo din ang gumagawa nang sarili nating tadhana. Oo, maaring dinala siya sayo ng tadhana, pero ikaw pa din ang nagdesisyon na papasukin siya sa buhay mo."

Napayuko ako dahil totoo 'yon. If I could just turned back the time, ay sana nilayuan ko nalang siya. Sana hindi ko nalang siya hinalikan. Masyado akong naging marupok kaya hindi ko naalagaan ang puso ko.

"But, Tatiana, don't blame yourself. Alam kong mahirap na kalimutan siya, pero kailangan mong tanggapin na hindi kayo para sa isa't isa. Hindi lahat ng minamahal natin, ay para sa atin. Minsan dumadating lang sila to teach us a lesson for us to learn something. You need to learn on how to let go of that person, in order for you to meet the one that is meant for you. Isipin mo 'yon, naging masaya ka sa maling tao, what more kung nasa tamang tao ka na, diba?"

And with that, I hugged her. Wala ng mas masarap sa pakiramdam, kundi ang umiyak sa bisig ng 'yong ina.

He said that he would never leave, but he already did. But I've realized one thing; Sometimes, the person we really love the most is not meant for us. Masyado akong nagmadali kaya ako nagkamali, pero babangon ako at ipapakita kung sino ang sinaktan nila at kung sino ang sinayang niya.

Leo, you will surely regret that you caused me all of these pain. Tomorrow, the old, weak, and crybaby, Tatiana will be gone.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon