Chapter 29

20.8K 708 6
                                    

"Are you really sure about this, Vettinah?" I asked my friend over the phone, as I packed my things for our little girls night at her pad.

"Of course, Tatiana. Don't you trust me?" Maarte niyang tanong sa akin.

"Kinakabahan kasi ako," I replied biting my lower lip.

"Ako bahala," pagpapagaan niya sa loob ko. Ang alam kasi ni mama ay school backyard camping ang pupuntahan namin. Little did she know, sleep over namin 'to kila Vettinah.

"Ikaw bahala, ako kawawa?"

Tumawa lamang 'to at ibinaba na ang phone call. Inilagay ko na ang lahat ng ka-kailanganin ko sa aking travel bag, at isinara 'to.

"Perfect," I whispered to myself. Nagdala pa ako ng kumot at neck pillow, para mas maging kapani-paniwala ang camping. Props lang 'to para 'di mahalata na tatakas lang ako.

"Tatiana, anak, can we talk?"

Kinabahan ako sa biglaang pagdating, at pagkatok ni mama.

"O-of course, mama," sagot ko na mayroong bahid ng pag-aalinlangan. Natatakot kasi akong mabuking sa kasinungalingan namin.

She smiled before entering my room. Umupo siya sa kama ko, at tinabihan ako. She gently caressed my hair, up and down. Nakaramdam ako nang kaunting ilang dahil matagal na mula nang gawin niya sa akin ang bagay na 'to.

"Ang laki laki mo na. Parang kailan lang nasa sinapupunan pa lang kita," pag-dradrama niya na naging dahilan ng pagtawa ko.

"Mama naman, of course, hindi ako magiging ako kung hindi dahil sayo, sainyo ni papa."

"In any chance, do you... d-do you still want to meet your father?" she asked.

Saglit akong napa-tahimik sa tanong niyang 'yon. She wasn't talking about papa, she's talking about my father. My biological father. Matagal na simula noong huli ko siyang makita. Sa sobrang tagal non ay nakalimutan ko na ang itsura niya, o kung buhay pa ba siya at kilala niya pa ba ako.

Kasabay ng pag-kawala niya, ay ang pagka-wala rin ng iilang ala-ala ko. I can't remember what exactly happened many years ago. Hindi malinaw ang ala-ala ko. Sa panaginip ko naman, may nakikita ako pero walang bakas ng pangalan, at malabo rin ang mga mukha.

"Y-yes, ma." I answered fearfully. I don't know. Hindi ako sigurado, pero umaasa ako na...na baka sakaling may maalala ako kapag nakita ko siya. Baka sakaling makumpleto na ako, at ang ala-ala ko.

"Okay, baby." Hinaplos nito ang pisngi ko, at hinalikan ako sa noo.

She's acting weird this past few days. Hindi ko nalang inisip 'yon at inayos ang sarili ko. Nag-suot ako nang simpleng pastel polo crop top, high waisted  short, and a pair of white snickers.

"Take care," pag-papaalala ni mama nang daanan ako ni Ernisha. Buti nalang hindi na nagtanong-tanong si mama sa amin.

Vettinah welcomed us pagkarating namin sa village nila. Naka-upo na si Cassandra kasama ang dalawa pang babae, na halos ka-edad lang din namin.

"Guys, si Chen at Kate, pinsan ko. Chen, Kate, si Tatiana and Ernisha, katrabaho ko sa bar." Malokong pagpapa-kilala nito.

Noong una ay nagka-ilangan kami, pero kalaunan ay nagkasundo-sundo na rin. Out of the country and parents niya kaya malakas ang loob nito mag-aya nang sleep over. I'm sure hindi lang 'to sleep over, panigurado lalasingin kami nito mamayang gabi.

We cooked and prepared for our own food. Pinag-day off niya ang helpers nila para hindi siya isumbong sa parents niya.

"Club house tayo," pag-aaya nanaman nito. Kakatapos lang namin magluto, at kasalukuyan naming inaayos ang mga dala naming gamit.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now