Chapter 46

15.3K 454 22
                                    

"Leo."

I wiped my tears and fixed myself before shifting my gaze into the door.

"Christian," Leo, greeted his brother. Kakapasok lang nito suot ang kanyang puting uniform, at mayroong nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg. He removed his face mask and gave us a smile.

"I'm glad to see you again, Tatiana." Ngumiti 'to sa akin, kaya gumanti rin ako ng isang tipid na ngiti. Lumipat ang tingin niya kay Leo; linapitan niya 'to at bahagyang tinapik sa balikat. "She's awake, bro. Pwede niyo na siyang puntahan."

"How was she?" Tanong ko. Hindi ko na napigilang sumingit sa usapan nila, dahil nag-aalala talaga ako at hindi mapanatag ang loob ko.

"Maayos siya sa ngayon, pero hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari bukas, mamaya, o sa makalawa." He answered honestly.

Muli silang nag-usap ng kapatid bago kami lumabas, at puntahan si Ciara.

"A-are you s-sure?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya. Hindi ko kasi alam kung dapat pa ba akong magpakita, o kung gusto pa ba nila akong makita.

"Sige na, Tat. Talk to your sister," he commanded and knocked on the door. Alanganin akong ngumiti, but he gave me a smile of assurance. I let out a deep sigh before entering the room.

Pagkapasok ko, ay napalingon siya sa akin. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha, at tila ba nakaluto siya ng multo.

"Ciara," I muttered. Ibang iba siya sa Ciara na lagi kong nakikita sa opisina. She's losing weight, and her hair too. Maputla na rin siya at mukhang nanghihina. Damn!

"Come here, Cara. Give your ate a hug," maiyak iyak niyang sabi sa akin. Lumapit ako at niyakap siya, at kasabay non ay ang muling pagtulo ng aking mga luha.

Tears. 'Yon na lang ba lagi ang kaya kong gawin, ang umiyak?

"Iyakin pa rin ang bunso namin," she jokingly said and laugh a bit. I can sense that she's trying to present that everything's alright, even if it's not. I salute her. Kaya niya pa ring ngumiti ng matamis, kahit mamamatay na siya.

"A-ate," I said in between my tears. "Ang daya mo! Bakit... bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Nakita kong maayos na ang buhay mo. Your parents loves you; hindi ka nila pinababayaan. Maayos na akong malaman na maayos ang lagay mo," she explained. "And I'm sorry for what I did. Pasensiya ka na kung kailangan kong ilayo si Leo sayo."

"A-ayos lang. Naiintindihan ko," sagot ko naman. I wonder what would happen now. Ipaglalaban na kaya ako ni Leo, o hahayaan niyang magparaya na lang para sa kapatid ko.

"Do you love him?" Tanong niya sa akin. I bit my lower lip and gave her a nod.

"I love him too," she almost whispered. Natahimik ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sakanya. I love her, but I love Leo too.

Alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin siya. Hindi 'yon nawala, kahit na matagal kaming hindi nagkita. Oo, siguro napuno lang ng galit at pait ang puso ko kaya pilit kong niloloko ang sarili kong nakalimutan ko na siya.

"Tatiana," she called me and reach for my hand. Sa pagkakataong 'to ay namamasa na ang mata niya, unlike kanina na malaki at malawak ang ngiti niya.

"Tatiana, pahiram muna ako kay Leo—"

"Ate! Hindi siya laruan na pwedeng hiramin," I answered her calmly. Kapatid ko siya, at naiintindihan ko ang kalagayan niya, pero hindi ko kayang mag-let go nanaman para sakanya. I'm tired of it. Lagi na lang ako ang lumalayo, lagi na lang ako ang nagpaparaya.

"I-I'm dying. Just let him marry me, tapos kapag namatay na ako sayong sayo na siya. I just want to experience a normal life. Gusto kong makasal at mahalin, bago mamatay."

"Ate," nahihirapang sabi ko. I understand her, pero mali 'yon. "Hindi siya laruan na pwede mong hiramin at ipamigay. Hindi rin siya basura na kapag sawa ka na ay pwede mong itapon at ipapulot sa iba."

"Tatiana, please, just this one. Huli na 'to, pangako."

"I-I'm... I'm sorry, ate."

"Please," she pleaded. Tears continued to flow and I can feel her hands shaking.

"I'm really sorry. I love you, but I can't grant your request. Pinagbigyan na kita dati, ilang taon din 'yon. Sana, pinakasalan mo muna bago kayo bumalik dito." Tumayo ako at inayos ang sarili ko. "Hayaan natin siya ang magdesisyon. Let him choose, ate. Para patas, para walang magpaparaya."

Nagpaalam ako sakanya at lumabas na. Naabutan ko si Leo na nakasandal sa pader, habang hinihintay ako.

"Gusto mo ba siyang kausapin?" Bungad kong tanong ng maisarado ang pinto. Agad siyang napalingon sa akin at tumayo ng diretso.

"Anong... nangyari? Nakapag-usap ba kayo ng maayos?" Balik na tanong niya sa akin. Umirap ako dahil alam kong alam niya na ang nangyari kahit hindi ko sabihin.

"We did. Nag-usap kami, at sigurado akong narinig mo lahat ng pinag-usapan namin."

"Darling," masuyo niyang tawag sa akin. He reaches for my hand and interwind it with his.

"Choose now, Leo." Buong lakas kong sinalubong ang mga titig niya, kahit na kinakabahan ako sa maari niyang isagot.

"Tatiana naman. I can't do that, parehas kayong mahalaga sa akin."

"Choose," mariin kong sabi. "Wag kang selfish, Leo. Dapat isa lang, kaya mamili ka na sa aming dalawa at pakawalan mo na 'yong isa."

He looks frustrated. Binitawan niya muna ang kamay ko, at isinuklay ang kamay niya sa kanyang buhok. Alam kong mahirap para sakanya itong hinihiling ko, pero mas mahihirapan lang kami kung ipagpapatuloy ang larong 'to.

"You know that I love you, right?" I bit my lower lip to prevent myself from crying. Alam ko na ang patutunguhan nito. "Diba, darling?"

Tumango ako at pinunasan ang mumunting luha na tumutulo sa pisngi ko.

"M-mahal kita. Mahal na mahal, pero... hindi ko kayang pabayaan si Ciara."

"I l-love y-you t-too," my voice cracked. "Take care of my sister. H-happy wedding, and congratulations, Mr. and Mrs. Soriano."

Tinalikuran ko na siya at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Paano nga naman ako lalaban, kung 'yong taong gusto kong ipaglaban, ay hindi ako kayang ipaglaban.

I  hate you. I love you. I hate that I love you.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon