Chapter 11

24K 1K 4
                                    

"Don't mind him," I said trying to ignore his presence. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi ako apektado at wala akong pakealam. But, I can't! Hindi ko alam kung bakit naasiwa ako kapag nakatingin siya.

"Are you tired?" Alvin, asked. Marahil ay nahalata nito ang biglaang pagkawala nang aking gana. Naging marahan ang pagkilos ng aking balakang at tila hindi ko na nasasabayan ang beat ng musika.

Umiling ako at binigyan ito ng tipid na ngiti. But it seems like he doesn't believe it. "Are you bothered by his presence?" He suddenly asked.

I faked my laugh, trying to hide my nervousness. "Of course not," I lied.

"Hindi mo ba talaga siya boyfriend?"

"Hindi nga," I answered. "Paulit ulit? Unlimited?" Iritado kong sagot.

"Do you like him?" Hirit pa nito. Hindi ko maintindihan kung bakit may ganitong attitude ang mga tao. They keep on asking, pero kapag sinasagot naman sila, hindi naniniwala.

"Hindi nga. Bakit ba ang dami mong tanong?" My teeth gritted because of irritation. Parang bigla ko nalang gustong umalis, at bumalik sa mga kaibigan ko.

His mouth twisted and curved into a smile. "He likes you," he concluded.

I don't get it. Why do people keep on assuming things?

"Trust me," pagtutuloy pa nito. "Lalaki rin ako, Tatiana. Alam ko ang mga tingin at galawan ng kapwa ko lalaki."

Right. Pare-parehas lang kayo.

"Baka hinahanap na ako nang mga kaibigan ko," pagpapaalam ko sakanya. Hindi na ako nagiging komportabe sa usapan, at for sure naloloka na ang mga pokpok kakahanap sa akin.

"Sorry," he apologized. "Kailan ulit tayo magkikita?" Matapang na pagtatanong nito sa akin.

I gave him a half-smile. "Next gig niyo, g ako."

"Promise?"

"Promises are meant to be broken," I answered.

The corners of his mouth turned up, because of my answer. We exchanged goodbye before parting ways.

I shifted my gaze at the stool bar, pero wala na siya doon. Kusang kumunot ang aking noo, dahil sa biglaan nitong pagkawala.

"Where did he go?" May panghihinayang na tanong ko sa aking sarili. Okay, I admit it. Gusto ko siyang lapitan and I don't even know why.

"Hi, miss!" Some dude on the dance floor tried to get my attention. I ignored him and walked confidently with my chin held high.

Sinundan ako nito, "What's your name?" Pilit na pangungulit nito. Amoy na amoy ko ang alak sakanya, mukhang tinamaan na 'to.

"Not interested."

"Your name is too long," he said and plastered a smile on his face.

Binilisan ko ang hakbang ko dahil hindi na ako nagiging komportable sakanya. Nagulat ako, dahil masyadong mabilis ang pangyayare. Bigla akong hinila nito sa gilid.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon