Chapter 36

17.8K 676 7
                                    

"Happy Birthday, Tatiana!"

My friends greeted me as they opened the popping champagne. Pagkatapos nilang mabuksan, ay isa isa nila akong niyakap. We took a picture first before sitting on the couch.

We were currently celebrating my 24th birthday, at BGC Taguig. Actually, late celebration na 'to dahil pare-parehas kaming busy sa trabaho. Hindi magtugma-tugma ang schedule naming apat. Madalas naman kaming nagkikita-kita, pero hindi laging kumpleto. Laging may kulang at missing in the action.

Ernisha, is currently pursuing medicine at University of Santo Tomas. Ilang taon na lamang ay magiging ganap na Cardiologist na siya. Cassandra and I are working on the same company, sa Phoenix Quantum. She's working as an Architect, at ako naman ay bilang isang Engineer. Habang si Vettinah naman ay stable na rin sa career job niya. She's currently working as an Flight Attendant at Asia Airlines.

"I missed this!" I exclaimed and rested my back into the back of the couch. Iniikot ko ang mata ko at nakita ang mga wild na tao sa dance floor.

To be honest, I did not expect this one. Hindi ko inaasahan na magagawa ko pa ulit ngumiti nang abot sa mata. It was six years ago when I experienced the worst scenario's and situations in my life. I thought that I wouldn't move on, but one day, I had been smiling like nothing happened.

"Missed what? Alcohol? E araw-araw ka nga nadidiligan ng alak," angal ni Ernisha. Sa aming apat, siya lang ang may hindi active na night life. Wala siyang oras, because she was too focus on her academics. Hindi ko nga alam kung natutulog pa ba siya, o hindi na.

"I mean, this." Iminuwestra ko ang kamay ko sa aming apat. "Us. Nightlife. Clubbing, tapos kumpleto tayo."

"Aw! Ang drama naman ng Engineer namin," Vettinah reacted while tapping my head like a lost puppy. "Here's our gift for you. C'mon, open it. Omg! I'm so excited!"

Kinuha ko ang mga regalo nila. I smiled to them before opening it. Isa-isa kong binuksan ang mga ito, at halos mapamura ako sa laman ng mga 'yon. Isang box ng condom ang laman ng kay Vettinah. Pregnancy test kit ang kay Ernisha, at isang red daring lingerie naman ang kay Cassandra.

"Tarantado! Aanuhin ko 'to?"

They laughed out loud like an idiot because of my reaction. Nag-apiran ang mga 'to, at halatang natutuwa. Halatang planado at plakado ang lahat.

"Advanced kami mag-isip. Naaamoy na naming tatlo na malapit ka nang madiligan," natatawang rason ni Cassandra.

"Jowa nga wala ako, partner in bed pa kaya." I answered and pour some champagne on my glass.

"Try mo din kasi lumandi ulit. You're getting old, Tatiana." Vettinah suggested. Mas lalo siyang gumanda at nag-bloom ngayon.

"Hindi pa ako ready masaktan ulit." Last ko na si Leo dahil hindi na siya muling nasundan pa. Nagkaroon ako nang madaming manliligaw noon, pero hindi nag-work. Na-trauma na ako kaya natakot akong sumubok ulit.

"At kailan ka magiging handa?" Vettinah asked and raised a brow. Iniwas ko ang tingin sakanya, dahil honestly, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na 'yon.

"Ikaw pokpok, kailan?" I fired back. Engaged na si Cassandra at Alvin. Hindi namin alam kung paano o ano ang nangyari, basta isang araw nalaman na lang namin na may relasyon pala ang dalawa. Ernisha's already married too. Kasal na siya... sa pag-aaral at career niya.

"Next week. Hahanap ako ng Canadian na sugar daddy," pagbibiro nito sa amin.

Nagsitawanan kami at nag-inuman na. Inubos namin ang champagne at gold label. Pinuno namin ang atay namin hanggang sa hindi kami magsawa.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now