Chapter 44

12.5K 398 12
                                    

"Let me go!" I hissed and pushed him away. Akmang aabutin niya ang aking kamay ngunit mabilis kong inilihis 'yon.

"What are you doing here?" I asked and looked at him with disbelief. Maluha-luha ang mga mata niya at tila nangungusap ang mga 'yon.

"Tatiana," masuyo at marahan niyang banggit sa pangalan ko. I watched how his adam's apple move seductively.

"What are you doing here?" Ulit ko.

"Tatiana, I... I," itinikom niya ang bibig niya at lumihis ng tingin. Tinaasan ko siya ng kilay habang hinihintay ang sasabihin niya. Ilang beses na bumukas at sumara ang bibig niya, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi sabi. Napaisip tuloy ako kung ano 'yon, at kung ano ang pumipigil sakanya. But nevermind, baka kasinungalingan lang ulit.

"I heard about your engagement, Congratulations!" I said and smiled bitterly. A tear escaped into his eyes. Yumuko siya kaunti upang punasan ang mga 'yon.

"I'm tired. Kung wala ka nang sasabihin, papasok na ako." I turned around and did not wait for his response. I was about to open the door when he grabbed my hand.

Tumigil ako, pero hindi ko siya humarap. Nanatili akong nakatalikod sa kanya, at pinipigilan ang sariling humarap, at maging malambot sakanya.

Mariin akong pumikit ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa balikat ko. Niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likod.

"D-don't leave me, Tatiana. Please," he pleaded and tightened the hug.

"Ikaw ang nang-iwan, hindi ako," I coldly replied.

"I have no choice!" Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya, nahuhulog ang mga 'yon sa aking balikat. "Mahal na mahal kita, Tatiana."

"Tangina!" Kumalas na ako, at bahagyang itinulak siya. I faced him, pulang-pula na ang mukha ko sa galit. "Ano yon, Leo, mahal mo ako?!"

"Yes, dar—"

"Tarantado! Mahal mo ako, pero iniwan at pinabayaan mo ako noon? Mahal mo ako, pero ikakasal ka sa iba ngayon? Leo, please, I'm tired with your games. Stop playing! Tama na, pagod na pagod na ako sa mga kasinungalingan mo."

"Hindi ako naglalaro—"

"L-leave me, please. Iwan mo na ako, umalis ka na tutal doon ka naman magaling diba?"

I could feel my tears, slowly coming out of my eyes. He paused when he saw my tears and used this thumb to help me remove them.

"Sige na, please. I-I'm trying to f-forget you, please don't make it harder than it already is."

Mabilis ko siyang tinalikuran at pumasok na. I locked the door and let the tears escaped into my eyes. Sumandal ako sa pinto at hinayaang tumulo lahat ng luha ko. I couldn't handle the pain anymore.

Ganito ba talaga ang buhay? Kahit ginagawa mo na ang lahat upang maiwasan ang mga bagay o tao na magdudulot ng sakit, ay sila pa pala mismo ang lalapit sayo para saktan at durugin ka ulit.

Kinabukasan ay gumising ako na mayroong matang namumugto. I cried so damn hard last night. Hindi ko na nga alam kung kailan ako tumigil, o kung kailan ako natulog.

"Leo," I whispered as I opened the door. Nagulat ako ng makita siyang naka-upo sa sahig habang mahimbing na natutulog. Hindi pala siya umalis kagabi.

Ano pa ba ang gusto niyang mangyari? He's marrying my sister tapos sasabihin niya sa aking mahal niya ako? Kagaguhan! Anong klaseng puso meron siya? Parang SIM card na dual sim?

Umiling ako at mabilis na isinara ang pinto. Sa clubhouse na lang ako kakain, at babalik na lang kapag wala na siya rito.

"Darling," putol-putol niyang tawag sa akin. Inabot niya ang kamay ko upang pigilan ako. Tila napaso naman ako dahil sa init non.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon