Chapter 26

19.4K 763 2
                                    

"Run, Tatiana! Run!"

I run as fast as I can. Nanginginig ako sa takot, at galit. Hindi ko alam kung bakit niya 'to nagawa sa akin at sa kapatid ko, o kung ano ang intensiyon niya sa amin.

"No!" I shouted while crying.

That woman pointed her gun into my older sister. She laughed like a devil before pulling his trigger. I saw blood everywhere.

I don't know what to do anymore. I'm stuck between saving myself and running away, or staying and let this woman end my life like what he did to my sister.

Tumawa 'to na parang baliw at tila natutuwa sa nasasaksihan.

"Run, Tatiana! Run! Go away, and don't even dare to come back again!"

Ipinutok niya ang kanyang baril sa aking direksyon. Dala nang takot ay tumalon ako sa dagat kahit hindi ako marunong lumangoy.

"Help me," I whispered in between my sobs. Hinayaan kong lamunin ng tubig ang sarili ko. Narinig ko ang Isang demonyong halakhak, at putok ng baril sa dagat bago ako lamunin ng dilim.

"Tatiana, baby, wake up."

Agad kong niyakap si mama, pagkamulat na pagkamulat ng mata ko. Inalo ako nito at sinubukang patahanin.

"Napanaginipan mo nanaman?"

"Y-yes, Ma."

"Iniinom mo ba yung gamot mo?"

"Opo," I lied.

Lately, madalas ko nanamang makita sa panaginip ko ang isang masamang bangungot. Matagal ko nang itinigil ang gamot, dahil pakiramdam ko ay binubura at sinisira lamang nito ang ala ala ko.

Ang panaginip na 'yon, parang totoo. Parang nangyari talaga sa akin, sa amin nung kasama ko. I want to remember everything, at alam kong hindi ko maaalala 'yon kung patuloy kong iinumin ang gamot na ibinibigay sa akin.

Maaga akong naligo, at nag blow-dry ng buhok. I tied my hair to a messy bun and also put light make up on my face.

"Good mor—"

Nabitin sa ere ang masayang pagbati ko nang makita si Leo, sa hapag kasama ang magulang ko.

I suddenly remembered what happened last night, in his pad. Ako 'yong kasama niya, pero iba ang nasa isip niya. I clearly remembered everything, kung paano niya sambitin ng malambing ang pangalang, Ciara.

"Good morning, Tatiana," he greeted with a smile.

Gusto kong mainis pero hindi pwede. Ito yung mahirap kapag hindi sayo yung tao, pwede kang kiligin pero hindi ka pwedeng magreklamo at masaktan.

"Anong ginagawa mo rito?" Bulong ko sakanya bago kumagat sa tinapay.

"Sinusundo ka. Sabay na tayo pumunta sa TRP," sagot naman nito sa akin.

My father faked his cough after sipping on his coffee. Ibinaba niya 'to at mariin na tumingin sa amin.

"Ang sabi ni Rosita, nililigawan mo daw ang anak ko," he started interrogating. "Is it true?"

"P-pa," nahihiya at kinakabahang pagpigil ko. Hindi ko pa 'to nasasabi sa parents ko, dahil strict sila. Hindi ko alam kung paano sasabihin o kung may plano ba akong sabihin dahil natatakot ako.

"Opo sir," pag-amin ni Leo. "Actually, that was one of the reasons po kung bakit ako pumunta dito. Gusto ko pong pormal na sabihin sainyo, at hingin ang permiso niyo."

My papa, raised a brow while mama seemed to be fine with it.

"Hindi ko pa pinapaligawan 'yan, bata pa siya."

"I understand, sir. Hindi naman po ako nagmamadali," he answered. "Hihintayin ko po siya."

Tinawanan lamang 'to ni papa at hindi na muling binuksan ang usapan tungkol don.

"Diretso na ba tayo sa TRP?" Pagtatanong ko nang makapasok sa sasakyan niya.

Tumango ito at nagsimula nang magmaneho.

"May school service diba? Hindi tayo sasabay?"

"Yes. I already informed the school about this," he answered. Nagpatuloy na 'to sa pagmamaneho.

"Ang tahimik mo," he concluded. "May nagawa ba ako?"

Isang tipid na iling lamang ang sinagot ko bago ibaling muli ang atensyon sa labas.

"Hindi ako sanay. Sigurado ka bang wala akong nagawa?"

"Wala. Trip ko lang," I answered casually.

Mariin akong napapikit upang kalmahin ang sarili ko. Kanina pa ako nangangating itanong kung sino si Ciara.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. First time kong makasama sa APSTAP kaya medyo kinakabahan ako.

"Hindi talaga ako sanay na tahimik ka," he chuckled a bit. Naipit kami sa maliit na trapiko dito sa mismong City.

"Knock knock," he tried to save our conversation. I took a deep breath and convinced myself to forget about what happened.

"Who's there?"

"I love you," he said with a wink.

"I love you, who?"

"Don't ask who, because it's you."

Napairap na lamang ako sa ka-kornihang taglay ng lalaking 'to, na akala mo'y nakalaklak lagi nang sangkatutak na asukal.

"This way ma'am," natatawang sabi nito nang makarating kami sa TRP. Madami nang tao, ang ilan ay kumukuha ng litrato.

"Ang aga lumandi ni Soriano," pagbibiro ng captain nila sa amin. Nakapila na ang mga 'to dahil nagsisimula na mag assembly ang parada.

"Bakod na bakod ha," pang aasar ni Vettinah ng makalapit ako sakanila. "Sayang may bebe ka na. Hindi ka na makakalandi, ang dami pa namang fafable sa DCT."

"Meron din sa SNA," Cassandra exclaimed.

Suot namin ang PE Uniform namin, dahil parada. Mas komportable daw kaming makakagalaw. Medyo malayo ang inikot namin sa parada, at mainit din.

"Water?"

"Ang daya! Bakit si Tatiana lang may tubig, Leo?!"

Tinawanan lamang namin si Cassandra sa pagdra-dramadramahan. Katatapos lang ng parada, water break din namin. Opening of the program mamaya tapos Mr. and Ms. APSTAP.

Some indoor games will start in the afternoon. Cheerdance ay bukas ng gabi. Other outdoor games ay waiting pa sa schedule.

"Takas tayo," pandedemonyo ni Vettinah sa amin.

"Hindi tayo manonood ng pageant?" I asked.

"Ayoko nga. Mas maganda pa 'ko sa candidate, at pokpok yon kaya it's a no for me."

Kapag usapan naming tumakas kesa manood ng pageant. Sumama si Leo at mga kaibigan nito sa amin, SM.

"Leo, wag mong binubusog si Tatiana baka bumigat siya. Flyer namin yan, gusto mo ba siyang mahulog?"

Panenermon ng kaibigan ko dahil sa dami nang in-order niyang pagkain.

"Ayos lang, sasaluhin ko naman siya," he replied.

"Smooth!" Pang-aasar naman ng mga kaibigan niya.

Sana nga. Sana nga saluhin niya ako, dahil alam ko sa sarili ko na tuluyan na akong nahuhulog sakanya.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora