Chapter 7

24.9K 1K 19
                                    

I was already late. Well, I still had a few more minutes before the Meeting de Avance starts. Pero kahit na, nakakahiya pa lalo na at isa ako sa mga candidates.

I picked up my pace and almost bumped into someone. Ito yung moment na lagi kong nababasa sa mga novels at napapanood sa mga movies. 'Yong you bump into a cute dude and then boom! May potential boyfriend ka na.

"Tatiana?"

My eyes widened as I saw his familiar face.

"Oh, bistro boy. The vocalist," gulat at may pagka-mangha kong sabi.

He smirked. "Glad you remembered me," he said playfully between his smirks. "Sorry! Nag-away ba kayo nung boyfriend mo?"

"Uh, no!" Agad kong tanggi sakanya. "I mean, he's not my boyfriend. Sorry nga pala sa inasal niya that night."

"Really?"

I nodded. This is the usual way for boys to know if the girl they're flirting with is committed, or not.

"I don't want to be rude, pero nagmamadali kasi talaga ako e." I look at my wristwatch, "5 more minutes, Tat." I whispered to myself.

"Okay then. See you when I see you," he said.

Nagpa-alam na ako sakaniya at mabilis na tumakbo sa St. Rose Hall, kung saan gaganapin ang Meeting de Avance for Seniors.

"Miss!"

I stopped, and irritatedly faced the person who called me. Of course, it's no other than our School Guard, slash feeling Principal.

"Manong naman e," pagmamaktol ko.

"Ang I.D, sinusuot hindi hinahawakan," he lectured. "Isuot mo muna bago ka pumasok." Utos nito sa akin.

"Manong, naiwan ko po 'yung strap ko."

"Hindi ka pwedeng pumasok. Sumusunod lang ako sa rules and regulations, pasensya na."

"Manong, naiwan ko po talaga yung strap ko!" Inis kong paliwanag dito. Kung babalikan ko pa 'to ay maliwanag pa sa sinag ng araw na maabutan ako nang closed gate.

"May I.D naman po ako. Ang nakalagay naman po 'NO I.D, NO ENTRY' hindi naman sinabing 'NO STRAP I.D, NO ENTRY' e."

Ang epal naman masyado. Alam kong ginagawa niya lang ang trabaho niya, pero I have my I.D for petes sake. Strap lang naman ang wala e!

I bit my lower lip. In any minute at magsisimula na ang campaign.

"Manong, syota ko yan."

Tinanungan lang kami nung guard, at hinayaang hilain ako papasok sa loob ni Leo. Ang unfair! May discrimination, porket gwapo pinayagan? Bakla ata yung guard e.

"Thank you! May pakinabang ka rin palang bakulaw ka."

"Galingan mo," pagbibilin nito sa akin. "Tatawanan kita kapag pumalpak ka."

"Basher!" I shouted bago lumapit sa mga ka-partido ko. Abala ang mga 'to sa paghahanda nang ilan sa aming campaign materials.

"Sorry, Pres! Hinarang ako ni manong Gado e." Pagpapaliwanag ko, dahil kanina pa pala nagsimula ang kabilang partido. Muntik na akong hindi umabot dahil sa guard.

"Mag-ayos na kayo, malapit na silang matapos." Bilin sa amin ng isa sa mga usher.

Inayos namin ang aming sarili at ganoon din ang mga gagamitin namin mamaya. Inihanda din namin ang aming campaign banner, at ppt para sa aming mga platforms.

"Thank you, LABEL PARTY! And now, let's all welcome BIDA PARTY!" Mr. Ronald, the emcee, announced.

Pumunta kaming lahat sa gitna ng stage. I let out a deep sigh dahil parang nakakaramdam ako nang kaba, kahit na sanay naman akong humarap at magsalita sa harap ng maraming tao. Nakasindi naman ang aircon, pero nararamdaman ko pa din and init at pagtulo ng pawis ko.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now