Chapter 41

14.2K 433 1
                                    

Tahimik ako sa biyahe pabalik sa Manila. Jeysi didn't bother to asked me why. Hinayaan niya lang ako, hanggang hindi kami maka-uwi.

"Coffee or Tea?" I offered to him. Hinatid niya ako sa unit ko, at nag-stay muna sandali dito para magpahinga. Ipinasok ko muna sa study room ang mga gamit ko, at nagbihis ng loose shirt with dolphin short, and tied my hair into a semi bun.

Binalikan ko siya, at naabutan siyang tulala habang naka-upo sa sofa. Pabiro ko siyang tinapik, at mukhang nagulat naman siya sa ginawa kong 'yon.

"Coffee or tea?" Ulit ko.

"Beer, wala?" Pabiro niyang tanong, at nagtaas baba pa ng kilay. Humalakhak siya ng ibato ko sakanya ang nadampot kong unan sa couch.

"Bear brand kasi 'yon, Tat. Hindi pa tapos, nag-rereact ka na agad, halatang uhaw din sa alak amp." Tatawa-tawa niyang inayos ang mga unan na ibinato ko sakanya.

Sinuklian ko siya ng isang irap bago dumiretso sa pantry. Tinimplahan ko siya ng kape, at ginawan na rin ng bread toast. Pagkatapos ay dinala ko na 'to sa living room, at inilapag sa table.

"Tatiana," pagtatawag niya sa akin.

"You're welcome," I sarcastically replied which made him laugh a bit.

"Paampon muna ako. I can't," tumigil siya at tumingin sa taas. It was like he's trying to prevent his tears from escaping. "Hindi ko kayang umuwi sa amin. I need space. Please, kahit tatlong araw lang."

He sipped on his coffee before looking down at the mat. Tila nahihiya siya sa kanyang sinabi. Tumawa ako at binatukan siya kaya naman napa-angat ang tingin niya sa akin, na mayroong halong pagtataka.

"Of course, Jeysi! Welcome na welcome ka rito lagi. Parang tanga 'to ang drama drama mo! Kaso wala akong extra room," I explained.

Maliit lang kasi ang unit ko. Bagong lipat lang din ako at temporary lang naman ang pag-stay ko rito. Kapag natapos na ang bahay ko, ay lilipat din ako agad doon. Plano ko rin ipa-renovate ang bahay namin sa Tarlac, gagawin kong rest house. Wala na kasing nakatira doon kaya sayang naman kung aamagin, o ibebenta lang. Nasa abroad na ang parents ko, willing na sila mag-settle down doon, since stable naman na daw ako.

"I'm okay here," he said pointing out the couch. Medyo maliit 'yon, at matangkad siya kaya paniguradong mahihirapan o mangangawit.

"You sure, ha? We can share on my bed if you want. Maluwang naman 'yon at kasya tayo, wag mo lang akong pagsasamantalahan ha?" Pagbibiro ko. Umakto siyang nandidiri at tila nasusuka sa sinabi kong 'yon.

"Dugyot! Allergic ako sa tahong, gurl. Sorry ka, talong din hanap ko."

I laughed at him and let him stay in the couch. I took a half bath, and let the darkness shallow me.

Pagkagising ko ay gising na rin siya. He already prepared our breakfast; fried rice, sunny side up egg, skinless longanisa, and garlic bread toast. Hindi ako sanay kumain sa umaga, pero ayaw kong sayangin ang mga niluto niya at ang effort niya.

Sabay kaming pumasok, at gamit ulit namin ang sasakyan ko dahil naiwan ang sakanya kahapon doon sa parking. Maaga kaming umalis kaya hindi kami naabutan ng traffic sa Balintawak.

Pagkarating sa Phoenix Quantum, ay panay ang sulyap sa amin ng ilang katrabaho. Paniguradong iba-iba naman ang nasa loob ng madudumi nilang utak.

I stayed inside my office for the whole day doing nothing, except for staring on the screen of my laptop and playing my pen using my fingers. Maayos at regular na ang construction sa Laguna kaya hindi muna ako bibisita doon.

Sabay ulit kaming umuwi ni Jeysi, pero dumaan muna kami sa convinient store para bumili ng beer. Trip niya uminom, at mukhang kailangan ko nga rin 'yon.

Pagkauwi ay hindi na kami kumain ng kanin dahil baka sumuka kami. We were having a simple life talks, while drinking. Parehas na kaming naka-ubos ng tig-isang beer, ng tumunog ang door bell ko.

Jeysi, volunteered to open it. I almost drop the bottle my when I heard a scream from a famillar voice. Napalingon ako at nakitang si Vettinah pala 'yon. Lumapit 'to sa akin at bahagyang sinabunutan ako, habang si Jeysi ay tinawanan lamang ang reaksyon ng kaibigan.

"Tarantado ka! Sabi mo wala kang boyfriend?" Bulyaw nito sa akin. Umupo siya sa tabi ko habang si Jeysi ay nasa panty upang kuhanan siya ng beer.

"Wala naman," sagot ko na mukhang hindi niya naman pinaniwalaan.

"Wala?! So, sino 'yon? Delivery boy, tubero, housekeeper, multo?" She histerically asked.

"Just a friend. He's Jeysi, the Architect on my team."

"Friend with benefits?"

"Ewan ko sayo! Ang issue mo," I hissed. Sakto namang dumating si Jeysi at inabutan 'to ng beer. Ipinakilala ko sila sa isa't isa.

"Kaya pala hindi mo sinasagot tawag ko, may ka-live in ka pala dito," she bitterly said. Uminom muna 'to sa beer, and faced Jeysi.

"Gumagamit naman ba kayo ng condom?" Napa-face palm nalang ako sa tanong niyang 'yon. Maging si Jeysi ay muntik ng maibuga ang beer na iniinom. Kalaunan ay nilunok niya rin 'yon at humalakhak ng sobrang lakas.

Oh, no!

Tila hindi natuwa si Vettinah, sa ginawang pag-tawa ni Jeysi. Mukhang iba ang pagkakaintindi niya rito.

"Gago?! Don't tell me, hindi kayo gumamit ng condom?!"

"Hindi," he answered.

Her eyes widened. Paulit-ulit niya akong pinalo hanggang sa mapagod na 'to. Jeysi seemed to be enjoying the moment. Mukhang aliw na aliw siya sa eksena namin ng kaibigan.

"Ang tanga mo, Tat! Niregaluhan kita ng isang box ng condom diba? Nasaan na 'yon? Bakit hindi niyo ginamit?!" Parang bata 'tong nagpapapadyak.

"Hindi kami gumagamit, kasi hindi namin ginagawa 'yong iniisip mo," Jeysi explained. Kumalma naman 'to at inubos ang beer niya.

"What brings you here? Sana ay nagsabi ka para naman nalutuan kita."

"Well, Tatiana, kanina pa ako tawag ng tawag sayo. FYI lang ha," mataray niyang sagot sa akin. "Cancelled ang flight ko ngayon. Nakakainis! Sayang naman aura ko ngayon, kaya nagpunta ako rito sayo."

"Oh, no!" Iminuwestra ko pa ang kamay ko, tanda ng pagpigil sa kung ano man ang iniisip niya.

"Oh, yes, Tati!" She exclaimed. Lumingkis 'to sa braso ko at nag-puppy eyes. "BCG Taguig tayo! Arat sa Xylo, hanap ng gwapo."

"Dito nalang tayo uminom. Madami kaming beer na binili," pagpigil ko sakanya. Sayang naman kasi ang mga 'yon.

"Sayang OOTD ko, te! Tara na kasi! Gawin nalang nating pang banlaw yan, mamaya."

Napahilot na lamang ako sa sentido dahil sa kakulitan niya. She invited Jeysi, at agad-agad naman 'tong pumayag kaya wala na rin akong nagawa sa huli.

"Bihis lang ako," paalam ko.

"Wear something nude and daring, Tatiana!"

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon