Chapter 23

19.6K 796 4
                                    

I'm attracted to him. No, I like him. I hate to admit it, but that was true.

Hindi ko alam kung kailan o paano nagsimula pero unti unti na akong nahuhulog sakanya, kay Leo. Natatakot akong aminin sa sarili ko na nahulog na ako, na nahulog nanaman ako sa patibong.

I keep on blaming myself for letting him enter my life, specially my heart. Nakakatakot na kasing magmahal ulit. Nakakatakot magtiwala at maniwala sa isang mapanlinlang na salita. Salita na hindi naman kayang panindigan ng isang tao hanggang dulo.

Minsan nga naiisip ko, kaya siguro matataba na 'yong mga ex natin kasi kinain na nila lahat ng salitang binitawan sa atin.

Nakakapagod, nakakatakot, nakakasawang maiwan. Ayaw ko nang maramdaman ulit ang sakit at pait ng pag-ibig.

I lay my back, listening to the sound of the wind sighing on the trees. Pagkatapos niyang umamin, ay iniwan ko siya sa gitna. Lumabas ako nang Bella Plaza, at nagpunta dito sa isang mini garden.

"I'm sorry," I apologized as I noticed his shadow on the grass. Nakatayo lamang siya sa likod ko.

"I'm really sorry, Leo. My anxiety and trust issues make me difficult to love again."

After that break up, I promised myself not to love again. Natatakot ako na baka sa susunod hindi ko na matirhan ang sarili ko. Baka sa susunod, iwan nanaman ako tapos ako ulit yung talo. Baka hindi ko na makontrol ang nararamdaman ko, tapos unti-unti nanaman akong mawawala sa sarili ko.

"It takes a lot of courage for me to express and confess my feelings to you, Tatiana."  He bitterly chuckled before walking in my direction. Magkaharap na kami ngayon, at ang mapupungay niyang mga mata ay nakatingin sa akin. 

"Ang hirap umamin, Tat. Nakabakla, pero mahirap talaga. Gusto kong pigilan yung nararamdaman ko, gusto kong sarilinin, gusto kong ilihim. Pero hindi ko na kaya e. Hindi ko na kayang kontrolin. Nakakabaliw ka, binabaliw mo ako masyado."

Inabot niya ang kamay ko, at hinawakan 'to na tila ba isang mamahaling alahas o bagay dahil sa sobrang ingat niya.

"Ang hirap, Tat. Natatakot ako na baka kapag nalaman mo, umiwas ka na. Baka palayuin mo 'ko at hindi na pansinin. Baka masira yung pagkakaibigan natin. Baka mawala yung kung ano man ang meron tayo."

My breathing becomes ragged. Para akong mahihilo, pero heto siya malapit sa akin at hawak ang kamay ko.

"I'm really sorry. You deserve someone better," I apologized again.

"I deserve someone better?" His jaw clenched. "I don't believe that. Tatiana, nasa tao 'yon kung paano niya gagawing better ang sarili niya para maging deserving sa taong gusto niya. Love is not a game. It's an investment."

I diverted my gaze. Ayoko nang ganito, marupok ako. Alam kong oras na tingnan ko 'to sa mata, malulunod na ako at bibigay sa mga salita niya.

I can't trust his words right now.

"I will court you," he stated. Hindi 'yon tanong, at hindi man lang niya ako tinanong.

"You can't."

"I can, darling. Don't tell me to give up like everything is meaningless."

"Hindi ako nagpapaligaw, Leo." Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko, pero nahihirapan talaga akong magtiwala. Ito yung mahirap kapag paulit ulit kang ginago, pakiramdam mo lahat sila ganoon din ang gagawin.

"Pare-parehas lang kayong mga lalaki,"

"Magkaka-iba kami, Tat. Hindi porket sinaktan ka, ay sasaktan na din kita. That's the last thing I would do, darling."

"Oo. Tama ka," I uttered bitterly. "Magkaka-iba nga kayong mga lalaki. Magkaka-iba ng way para saktan kaming mga babae."

"Wag kang matakot maniwala at magmahal ulit, Tatiana. Nandito lang ako lagi para sayo. Ako lang to, si Rogelio Soriano na mahal na mahal ka."

Paulit ulit ang ginawa kong pag-iling. Madali lang para sakanilang sabihin yan. Sa panahon ngayon, ang salitang 'I love you' ay parang 'thank you' nalang, na kahit kanino pwedeng sabihin.

"I'm sorry." Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humingi nang tawad sakanya.

"Liligawan kita, Tatiana. Kahit ano pang sabihin mo, liligawan kita."

"Hindi nga ako nagpalaligaw," I replied.

"I don't need your permission, darling. Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita at wala ka nang magagawa pa 'ron."

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin? That's unfair!"

Umirap ako at pilit na binabawi ang kamay ko, na hanggang ngayon ay hawak hawak niya pa rin.

"Kailangan ba 'yon?" Nagtatakang tanong nito.

"Of course! Kailangan mo ng permiso, bago mo gawin ang gusto mo."

"Sorry, darling. But I don't," His jaw clenched. "May gusto sayo o wala, may pag-asa o wala, liligawan mo pa rin. That's the real meaning of courtship, darling, in case you didn't know. Bakit? Porket ba may gusto sayo liligawan mo na? Kapag wala ay susukuan mo? NO! Kaya mo nga liligawan ang isang tao para magustuhan ka, para makilala niyo pa lalo ang isa't isa."

I salute him. Minsan ko na ring pinangarap ang old way of courtship. Mas romantic 'yon, kaso mukhang imposible nang mangyari sa panahon ngayon.

"B-bahala ka sa buhay mo. Mapapagod ka din," I replied. Ngumisi to habang hinahaplos ang ng marahan ang pisngi ko, down to my lips and chin.

"Bakit ako magsasawa?" My breathing seemed to stop for a while. He suddenly comes closer to my ear. Nakakakiliti ang hininga niya, na tumatama sa batok ko.

"Hindi kita susukuan, darling. Lalaban ako, ipaglalaban kita. Electric fan nga sa classroom pinaglaban ko, ikaw pa kayang gusto ko?"

That's it! Wala na, sumabog na ako at ang nararamdaman ko. Bahagya 'tong gumalaw at hinawakan ang mukha ko. I closed my eyes waiting for his lips to touch mine, pero naramdam ko 'yon sa aking noo.

He smiled and let go of my hands.

"You're a wonderful person, Tatiana. Never forget that."

Bumalik na kami sa loob, at hinatid ako sa table namin. Natapos ang anniversary ng hindi ko matandaan ang iba't ibang pangalan ng mga taong ipinakilala sa akin.

The only name I remembered is Rogelio Soriano III. I let out a deep sigh and accepted my defeat.

Simula sa araw na 'to ay nagtiwala at magmamahal nanaman akong muli.

"Don't break your promises, Leo." I whispered to myself before closing my eyes to sleep.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now