Chapter 20

21.7K 850 3
                                    

"Great!" He said with a smile of victory.

Ngiting aso 'to sa sasakyan habang nasa daan kami. I was caught off guard kaya wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang mga sandaling 'yon. Ayaw kong sumama sakanya pero pumayag naman ako. I was drawn to him like a moth to a flame. Para akong hinihigop ng mata niya. Matiim ang titig niya at hindi ako makaiwas. Part of me wanted to run away from him, but another part of me wanted to cling to him like he was my life support. Nakakatakot na pakiramdam, at wala akong magawa dahil parang kinakalaban ko ang sarili ko.

Niyaya ko siya sa Tsai Tea Station, one of my favorite milk tea cafe. Masarap kasi ang waffle nila doon, pati na din ang iba't ibang milk tea flavors nila. Legit! Hindi masasayang ang pera niyo. Affordable na, masarap pa.

Minadali ko ang pagkain dahil may curfew ako sa bahay. Nagpa-alam ako kanina kay mama, at nagsinungaling na may tatapusin lang ulit na video presentation.

"Easy," natatawang pagpipigil nito sa akin. "Wag kang magmadali. Dahan dahan lang, hindi naman tatakbo yang pagkain."

Inirapan ko ito bago isubo ang huling kagat ng waffle ko.

"May curfew ako."

"Teka lang! Kumakain pa ako, Tatiana."

"Bahala ka sa buhay mo!"

Tumayo ako habang sinisipsip ang natitirang milk tea ko. He stood up immediately and run up to me. He put his hand on my shoulder and smirked.

Nagtinginan naman ang mga tao sa paligid namin dahil sa ginawa niyang 'yon. Yung iba ay kinikilig at naiinggit. Akala yata nila ay boyfriend ko. Pwes! Mali sila, dahil kahit minsan hindi ko naiisip na maging boyfriend ang bakulaw na 'to. N-E-V-E-R-!

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako, Leo!" Singhal ko sakanya.

"Stay still. I like it."

"Ang daming naka-tingin o, hindi ka ba nahihiya?"

"Bakit naman kita ikakahiya, Tatiana?"

Umirap na lamang ako, at wala na siyang nagawa nang pilit kong tanggalin ang kamay niya sa balikat ko.

Binilisan ko ang lakad ko, at pumunta sa isang boutique. Naisip kong bumili nang isusuot para sa anniversary, at naisip kong bilhan na rin si mama. This is one of my technique para hindi ako sermunan ni mama, kapag gumagala ako or nagagabihan. Madalas ay  inuuwian ko 'to nang pasalubong para makalimutan niya yung sermon niya sa akin.

"Ano nanaman ba, Rogelio?!" I emphasized his ugly name, because of irritation. Bigla na lamang akong kinalabit nito.

"Ang sungit sungit mo naman, Tatiana Cara."

Marahan itong tumawa at binilisan ang hakbang dahilan upang magka-pantay kami.

"Ano nanaman bang problema mo? Please, bigyan mo naman ako ng kapayapaan kahit kaunti."

Napakamot 'to sa ulo, baka may kuto. Charot!

"Ibibigay ko lang naman sana 'to," he explained. Ini-angat nito ang aking cellphone, at saka inilagay sa kamay ko.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon