Chapter 38

17.2K 616 6
                                    

"Pasensya na ho, Engineer."

Napahilot na lamang ako sa aking sintido. Nakayuko na siya ngayon, at tila hindi alam ang gagawin. Nandito ako ngayon sa Laguna for a site visit sa ginagawa naming water park.

"Why didn't you tell me?!"

Nanatili lang siyang nakayuko. Hindi niya ako sinagot, dahil hindi niya alam ang isasagot. Nagkakaroon na pala ng problema sa construction, pero hindi man lang nila ako sinabihan. Kung hindi pa ako bibisata rito, ay hindi ko pa malalaman 'to.

"Ilang araw na?" I asked. This time ay naging mahinahon na ako sa pagtatanong, kaya nag- angat na siya ng tingin.

"M-mag d-dadalawang linggo na po, Engineer."

"What?!" Mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko. "Almost two weeks ng delayed ang construction?!"

This no longer a joke. Naka-set na ang grand opening at ribbon cutting ng lugar. Kung laging delayed ang construction ay baka hindi 'to matapos sa itinakdang araw.

"Maulan po kasi, Engineer."

"Should I add more people—" Naputol ang aking sinasabi dahil sa biglaang pagtunog ng aking cellphone. I looked at it, and Jeysi's name appeared on the screen. "Excuse me. I'll take this call."

"Ano 'yon?!" I asked over the phone. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Init ng ulo gorl?" Tanong niya habang tumatawa pa rin. He's probobly making fun at me now.

"Spill the tea."

"You sure? Baka mas lalong uminit katawan mo, I mean ulo mo." He laughed again.

"Ano nga kasi 'yon?!"

"Yung ex mo nandito, hinahanap ka." Natatawang sagot niya. He's right. Mas lalo ngang uminit ang ulo ko sa nalaman.

"Bakit daw?" I asked. Ang ilang workers na napapadaan sa aming banda ay ngumingiti at bumabati.

"Gusto ka daw makausap. Tungkol daw sa designs ng penthouse. Sus, para-paraan naman 'tong ex m—"

"I'm busy. Madami akong ginagawa, Jeysi. You're the Architect assigned, kaya ikaw ang makipag-usap diyan." Pinutol ko ang kanyang sinasabi. Sumabat ako at pinatay ang tawag.

Binalikan ko ang Isang worker na kausap ko kanina. Nandoon pa rin siya sa dating pwesto, akala ko ay umalis na siya.

"Where are we?"

"Doon po sa pagiging delayed ng construction, Engineer." Sagot niya sa akin. Napatango-tango ako, at sinusubukang mag-isip ng paraan. Hindi kami pwedeng pumalpak sa project na 'to. This is one of the biggest projects na nahawakan ko.

"Like what I've said earlier, kailangan niyo ba ng extra workers?"

"Kaya pa ho namin, Engineer. Maulan lang ho talaga kaya na-delay."

"Okay. After a week kung wala pa ring improvements, magdadagdag na tayo."  I suggested. Muli nanamang tumunog ang cellphone ko, at nakitang muli ang pangalan ni Jeysi roon.

I gestured for the worker to go. Nagpasalamat siya at tumango lamang ako bago naglakad papunta sa office ko.

"Ano nanaman ba?!"

Katulad kanina, ay isang halakhak ang ibinungad niya sa akin. Tuloy-tuloy lang ako paglalakad habang kausap siya.

"Ayaw akong kausapin. Ikaw ang hinahanap niya, ikaw raw ang gustong maka-usap."

I rolled my eyes and slammed the door of my office. Buti na lang pala at naisipan kong mag-site visit ngayon.

"Hoy, chill ka lang, Engineer!" Pang-aasar nito sa akin ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto.

"Hihintayin ka raw niya dito, Tat. Tagalan mo muna para matagal ko pa siyang masulyapan," kinikilig at may halong pagnanasa niyang paki-usap sa akin.

"Busy ako. Hindi ako pupunta diyan."

"Pero—"

"Madami akong ginagawa, Architect. Siya ang may kailangan sa akin, at hindi ako, kaya siya ang pumunta dito!"

I ended the call and put my phone down. I removed my coat and tied my hair into a messy bun. Tag-ulan na, pero ramdam ko pa rin ang init. Itinoon ko ang pansin sa aking trabaho. My phone keeps on ringing, and it's kinda disturbing. I chose to ignored it, and did not even bother to look at the caller's name. It's Jeysi, for sure.

Both of my eyes are glued on the screen of my laptop when I suddenly heard a sudden knock on the door.

"Come in," I said even without looking at it.

"Tatiana." His baritone voice echoed throughout the entire room. Tila napako ako sa aking kinakaupuan dahil sa pamilyar na boses niyang 'yon. I thought it was just one of the workers. I stopped what I'm doing for a while, and tried to compose myself before facing him.

"Oh! What a surprise visit, Mr. Soriano." I faked my smile as I fix my hair, and removed its a tie.

"Have a sit," I offered him, and gestured the chair in front of my desk. Umupo siya, at tinignan ako ng matiim. Nilaban ko ang kanyang tingin habang nakangiti pa rin sakanya.

"Yeah," he sarcastically replied. "Have you eaten your lunch already?"

I secretly rolled my eyes because of that question. Hindi na ako marupok, Leo. Hindi na ako mahuhulog ulit sayo kahit ilang beses mo pa akong tanungin kung kumain na ba ako. Mga linyahan niyong ganyan, bulok na 'yan.

"I believe you're here because of businesses, Mr. Soriano."

"Yeah. Let's talk about it over lunch," he suggested. "What do you think?"

"It's too early, and besides I still have a lot of things to do. So, let's get straight to the point."

"Well, I have a few questions and requests regarding the designs of my penthouse," he started.

"Then, mali ka ng taong napuntahan. You should consult Jeysi, he's an Architect."

His jaw clenched repeatedly. Akmang sasagot pa lamang siya ng biglang tumunog ang tiyan. For the first time, I saw that smile again. That smile that I used to love before. That smile that can quickly melt my heart. After how many years, ngayon ko lang ulit nakita 'yon sakanya. I stopped what I was thinking, and tried to get back on my senses. Reminiscing about the past makes me want to vomit.

"Are you hungry?" He asked.

"Uhh..." I bit my lower lip and looked down on my laptop. Bigla akong nahiya, sa hindi malamang dahilan. Bakit ba kasi hindi nakikisama ang tiyan ko?

"You're really cute when you blush, Tatiana." He complimented. He stands up and puts his hands in his pocket. Why is he acting like this? Bakit ang dali-dali lang para sakanya na harapin ako pagkatapos ng lahat. Bakit ang dali lang para sakanya na ngumiti sa harap ko na parang close na close kami? Damn you, Rogelio Soriano. Makakarma ka rin.

"Let's talk about business over lunch, Tatiana. Don't ever try to disagree because I don't take no as an answer."

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now