Chapter 3

32.2K 1.2K 34
                                    

"Tatiana, nagreview ka?" Vettinah asked as I entered the classroom.

"Sakto lang," I replied. Hindi ako masyadong nakapag-review dahil tinamad ako, kaya nag-sound trip lang ako at nakatulog din kalaunan.

Ibinaba ko ang mga gamit ko, inilabas ang journal, at tsaka umupo. I tried my best to focus and to review my notes.

"Ayan tayo sa mga ganiyang sagutan e. Sakto lang daw, pero mamaya siya nanaman 'yung highest."

Napa-angat ang tingin namin kay Ernisha, na kararating lang din. Hindi niya suot ang kanyang salamin, dahil ayaw 'to ng boyfriend niya. Sa totoo lang, ayaw namin sa kasintahan niya dahil pilit niyang binabago ang kaibigan namin. Maling mali 'yon, dahil kung talagang mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo siya mula ulo hanggang paa.

"Ikaw Ernisha, nagreview ka ba?" I asked.

"Hindi." Saglit lang 'tong tumingin sa amin bago ibalik ang tingin sa cellphone. She was probably texting her boyfriend again.

Sa totoo lang, matalino si Ernisha. Hindi niya na kailangang mag-review, kaso tamad nga lang siya especially sa paggawa nang projects at requirements. Mas ginaganahan daw kasi siya kapag rush hour. At isa pa, bad influence sakanya ang boyfriend niya. Laging nag-aaway ang mga 'to, kaya madalas ay mas inuuna niya pa ang pagsuyo kesa sa paggawa nang school works.

"Sabagay, matalino ka naman. Pakopya ulit ha?" I jokingly replied, but she just shrugged.

"Huwag kang buraot. Hoy! Hati-hati tayo. Sa 'yo 'tong last part." Pilit niyang binibigay ang journal niya ngunit hindi ko 'yon tinanggap.

"Bakit pa mag-re-review, babagsak din naman." I replied and laughed because it was true.

Finding the derivatives of trigonometric functions is difficult, and somewhat complicated. Well, minsan hindi naman talaga mahirap. Sadyang nakakalito lang at nakakahilo.

But good thing na during Chemistry and Calculus class ay nasa Chem Lab kami. Bukod sa naka-paikot kami sa table ay medyo masikip dito, kaya madali lang kumopya. Pahabaan ng leeg, palakihan ng mata at pagalingan sa diskarte.

Napa-angat ang tingin ko nang hablutin ni Cassandra ang journal ko. Hinihingal ito at tila hinahabol ang kaniyang hininga. Muntik na naman siya maabutan ng closed gate. Malapit lang ang bahay nila, pero lagi siyang late.

"Journal pa ba 'to, Tatiana, o drawing book?"

Tumawa ito nang nakaka-insulto habang binubuklat ang aking journal. "Gago, dapat hindi ka nag-STEM. Dapat nag–Arts and Design ka na lang."  Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siyang asarin ang journal ko.

It has been a week since my rooftop encounter with him. Hindi na ulit kami nagkita o nagsalubong ng landas. Pabor naman sa 'kin 'yon dahil ayaw ko din naman siyang makasama o makita man lang. I can't bear him, and his attitude.

Masyado 'tong maloko at mapaglaro. I'm afraid that I might fall for his trap and repeat the same mistake that I did before.

Itinigil ni Vettinah ang pagbabasa. Nilapit niya ang upuan sa akin. "Totoo kaya 'yung chismis? Magiging kaklase daw natin si Leo!" she said with a hint of excitement.

"Leo, who?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

She rolled her eyes before answering, "Duh! Si Leo, 'yung pogi at bagong member ng varsity!" I just shrugged. Basta talaga pogi, malakas ang radar niya.

Wearing a simple white button-down shirt paired with suit pants, Engineer Olvido entered the room. We greeted him good morning.

Madami siyang sinasabing paalala tungkol sa long quiz namin. Hindi ako nakikinig dahil naiirita ako sa boses niya. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita, but he suddenly caught my attention nang mabanggit niya si Leo, 'yung kinukuwento ni Vettinah kanina. Sana naman legit na guwapo, para ganahan naman ako kahit kaunti.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now