Chapter 28

22K 795 8
                                    

"Be more careful next time. I don't want to bandage you up again," paalala ko sakanya.

Nandito ako ngayon sa bahay nila. Ito ang unang beses na makakarating dito, dahil malayo 'to sa village namin. I like their place. Medyo dulo at tagong parte ito, pero maganda at relaxing. Madami kang puno at palayan na madadaanan. Their family owns almost half of the properties here.

"Nag-iingat naman," pangangatwiran naman nito.

I rolled my eyes, bago ko iligpit ang bandage at ibang kalat.

Noong do or die nila sa SVSF ay napilayan siya. Hindi naman malala, pero mayroong kirot dahil dito din ang nasaktan sakanya noong tune up game. Kalagitnaan ng fourth quarter ng bigla niyang naipasa sa kalaban ang bola. Bahagya 'tong natumba kaya nag time out sila. Dinala siya sa clinic, at hindi na muling nakabalik pa sa court. Nanalo naman sila at pasok sa championship, kaso hindi na siya pwedeng mag-laro.

"Kung nag-iingat ka, bakit naka-bandage yan? Bakit pilay, at iika-ika ka ngayon?"

He chuckled sexily before resting his back on the headboard of his bed. His room actually looks nice and had that perfect ambiance for a man's comfort and ease.

"Yes boss, mag-iingat na po ako," he playfully replied. Pabiro pa 'tong sumaludo at kumindat. "Mag-iingat ako. Lagi akong mag-inggit, para sayo."

I diverted my gaze and tried to change the topic. Simpleng salita pa lang niya ay nagwawala na ang puso ko, ang sistema ko. Ang hirap maging marupok, to be honest.

"Wala ka bang kasama dito?"

Umiling 'to at inabot ang isang baso nang tubig, mula sa kanyang side table.

"Si kuya Christian? Yung mga kapatid mo?"

"Yung bunso, nandito na mamaya. Christian is currently studying at UST, kaya nasa Manila siya."

"How about your mom?" I asked again.

"Nasa firm siguro, or somewhere. I don't know."

"How about your...dad?" Pangungulit ko. Matagal na rin kaming magkakilala, pero hindi ko pa nakikita ang daddy niya. Noong anniversary din ng Phoenix Quantum, natatandaan kong pinakilala ang mommy niya bilang Ms. Rosita Gaguan.

"I don't want to talk about it," sagot nito at tipid na ngumiti.

I noticed how his expression changed, and how his face turned dark. Hindi ko nalang pinansin yon dahil ayokong makialam sa problema nila, kung meron man.

"S-sorry," I apologized.

Naging tahimik siya, at maging ako ay nahiya na ring mag-salita. Someone knocked on the door and told us to go downstairs for snacks.

Their maid prepared mango fruit sake, baked macaroni and cheese, at bread toast.

"Bakit hindi ka kumakain?" I curiously asked. Paubos ko na ang sakin, ngunit ang kanya ay tila hindi pa nagalaw.

"Hindi masarap. Walang lasa," pagmamaktol niya. Binatukan ko 'to dahil sa sagot niyang 'yon. Aminado naman akong hindi gaanong masarap, pero ayaw kong magsayang ng pagkain, at isa pa nakakahiya kung hindi ko uubusin.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon