Chapter 13

24.6K 1K 9
                                    

My fingers made their way to the end of my ponytail. I automatically smiled, as I saw myself in the mirror.

Inuutusan ako ni mama, na mag-grocery. Tinatamad ako, pero wala akong choice. Kailangan ko munang maging sipsip for a while para payagan ako ulit gumala sa susunod.

"Tatiana!" Rinig kong sigaw ni mama habang ako ay naglalakad pababa sa hagdan. "Sa grocery store lang ang punta mo, wag ka nang magpaganda."

"Ma, maganda na ako kahit hindi ako magpaganda."

Binigay nito sa akin ang listahan ng mga kailangan kong bilhin. "Mag-ingat ka," paalala pa nito sa akin bago ako umalis.

"Opo, Ma. Mag- iingat ako kahit hindi ako iniingatan." 

Napa-iling na lamang ito sa sa kalokohan ko. Akala niya ay nagbibiro lamang ako, pero totoong hindi ako iniingatan. Minsan mabait si mama, pero madalas ay dragonesa din.

I turned on the engine and started to drive. Maluwag ang kalsada, kaya nakarating ako agad. Hindi naman kasi kalayuan itong Mall sa Village namin.

Kanina pa ako paikot-ikot, dito sa parking lot. Kanina pa ako naghahanap ng space, ngunit wala akong mahanap.

I smiled as I found a parking space. But, the smile on my face faded quickly because of the Black Ford Mustang na umagaw ng pwesto ko.

Damn! Madami na talagang mang-aagaw sa mundo.

"Tangina, ang epal!" I whispered to myself.

Umatras ako at nagpatuloy na lang sa paghahanap. Buti na lang good mood ako, kaya hindi ko na papatulan.

My teeth gritted, because of what I saw from the side mirror of my car. Leo, together with his friends, came out of the car laughing.

I parked my car and entered the mall. Halos ipikit ko na ang mga mata ko, nang madaanan ko ang Watsons.

I'm one of those women na mahilig mag-skincare. Tamang skincare kahit si crush ay walang care.

I sighed deeply and tried to convince myself not to turn around. Wag kang maging marupok, sis! Kapag lumingon ka, lagot ka sa nanay mo at ubos pera mo.

Iiling iling ako na naglakad papasok ng supermarket. I took a pushcart before going in. Agad kong hinahanap ang mga pinapabili ni mama. Sanay akong mag-grocery. Sinanay nila ako at tinuruang maging wais sa paggamit ng pera.

I stopped for a while. Tinignan ko ang listahan ni mama baka may nakalimutan ako, at makalimutan niya din na anak niya ako.

"Perfect," I said to myself. Tulak tulak ang pushcart, ay pumunta na ako sa counter.

I pouted. Medyo mahaba ang pila, at nagugutom na ako. I opened my Instagram account, to avoid boredom. His story appeared at the top of my feed, so I decided to open it. It was a photo of him and his friends, laughing, and enjoying the moment. They were in the bowling alley.

"Oh my Gosh!"

I exclaimed when I suddenly hit the heart reaction, on his IG Story. Kasalanan ito ng pasmado kong kamay, napindot tuloy!

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now