Chapter 50

13.6K 435 13
                                    

"W-what are you talking about, Tatiana?" Alanganin niyang tanong sa akin. I diverted my gaze and keep my face straight. I love him, but I think we can't marry each other anymore. Hindi ko kakayanin na maging masaya, dahil paniguradong hahabulin lang ako lagi nang konsensya.

I wonder what would happen if I've just agreed to what she requested. Kung inintindi ko na lang siya, at hindi na naging selfish pa.

"Tat-" he tried to reach for my hand, but I immediately stepped back and moved my left hand a bit. "Sabihin mo sa akin kung ano ang gumugulo sa isip mo. Don't be like this, please, pag-usapan natin ito."

"I'm sorry," I apologized. "Saka na lang tayo mag-usap. I need... space." I immediately turned my back, and prevent my tears from escaping.

Pagkapasok ay agad naman akong sinalubong ng mga house helpers. Ito ang unang beses ko rito, kaya naman may kaunting ilang akong nararamdaman.

"Dito raw ho muna kayo sa guest room, senyorita, sabi po ni sir."

Nagpasalamat ako bago pumasok sa loob, at ibinagsak ang katawan sa kama. Hinayaan ko na lamang na lamunin ako ng lungkot, at antok.

The next day, my dad, came home. Niyakap ko siya agad at hinayaang bumagsak ang mga luha ko. I keep on apologizing, but he didn't utter any word. P-pati siguro siya ay sinisisi rin ako sa pagkawala ni ate.

"Stop crying, Cara."

"I killed her, dad. I'm sorry for being selfish."

He gave me a weak smile, before wiping my tears off. "Wala kang kasalanan," he replied.

Marahan akong tumango, at pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na wala akong kasalanan. We ate breakfast together before going back to the chapel. I took a deep breathe first before entering the chapel. My eyes were both teary as I've reached the casket of my sister. Nanginginig ang kamay ko ng hawakan 'yon.

"Ate," garalgal na ang boses ko at ang mga luha ko naman ay muli nang nagbagsakan. "I'm sorry. I'm sorry for being selfish."

Kung alam ko lang na 'yon na pala ang huling pag-uusap naming dalawa, ang huling beses na makakasama ko siya, ang huling beses na maririnig ko ang boses niya, at ang huling beses na mayayakap ko siya ay sana sinulit ko na.

Dumating ang mga kaibigan ko upang makiramay at damayan ako. Tita Rebecca, faked her smile to them. Magaspang pa rin ang pakikitungo niya sa akin, pero hindi niya na ako sinasaktan.  Dumating din ang pamilya ni Leo, pero hindi 'to kasama.

Today is her funeral. My friends, hold me for support as tears keep on escaping. This is really heartbreaking; watching the casket of your loved ones, slowly getting buried. Nagwala si tita Rebecca, at tila ayaw pakawalan ang labi ng anak. I tried to talk and apologize to her after the ceremony, but I just receive a slap.

"Let's go, Cara."

"Mauna na po kayo, daddy. Dito po muna ako," I replied. He gave me a nod and reminded me to take care. My mother, called yesterday. Kinamusta niya ako, at sinabi kong ayos lang ako. They were clueless about what really is happening; ang alam lang nila ay ikakasal na ako, bukod doon ay wala na.

Muli kong hinaplos ang lapida ng kapatid ko, at paulit-ulit na humingi ng tawad. I looked at my phone and Leo's name appeared on it. Ilang araw na rin simula nang huli kaming magkita. Ibinigay niya ang space na hinihingi ko, pero ngayon ay gusto niya nang makipag-usap.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن