Chapter 30

19.1K 675 13
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang muli kong pagbigyan ang sarili ko na muling magmahal, at maging masaya. Binigyan ko siya nang chance para patunayan ang sarili niya, ang nararamdaman niya, at mukhang hindi naman ako nagkamali sa ginawa kong 'yon. Sana. Sana nga hindi.

Walang araw at oras na hindi niya ipinaramdam sa akin na mahalaga at espesyal ako. Masarap pala sa pakiramdam kapag alam mong mayroong isang tao na takot mawala ka, at iniingatan ka. Isang tao na interesado sayo, sa araw mo, sa lahat ng nangyayari sayo, 'yong willing makinig lagi sa rants mo. One call away kumbaga.

"Saan tayo pupunta, Leo?" I asked. Paggising ko ay nasa bahay na siya. He prepared our breakfast. Sobrang sipsip niya sa bahay.

Legal kami both sides. My father didn't agreed at first, pero kalaunan ay pumayag din.

"Secret. You'll see later," he replied with a wink. Isinuot niya ang helmet sa akin. I can smell his scent, gustong gusto ko ang amoy non, at gustong gusto ko ring amuyin.

"Easy, darling. Baka maubos mo pabango ko."

I pouted my lips. Ang bango kasi talaga. Mas mahilig ako sa man's perfume, mas mabango at mas matagal mawala ang amoy.

"Stop pouting, or else—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Dali dali kong tinakpan ang labi ko, dahil alam ko na ang binabalak niya. We can't kiss here. Baka makita nila papa.

Tumawa siya at sumakay na sa motor. Ganoon din naman ang ginawa ko, umangkas ako sa likuran niya.

"Kumapit kang mabuti," paalala niya. He started driving, and I like the feeling. Mas masarap gumala kapag naka-motor.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

"Sa tabi tabi lang," sagot niya. Nagulat ako nang bigla niyang bilisan ang takbo nang motor, dahilan upang mas higpitan ko ang pagkaka-kapit sakanya, at pagkaka-yakap sa likod niya.

"Tarantado! Ayaw ko pa mamatay, Leo!" I shouted. Tumawa siya at bahagya nang ibinalik sa normal ang takbo ng motor.

"Hindi ka naman mamamatay kung magtitiwala ka lang sa akin, at kung yayakap ka nang mas mahigpit pa."

"Ewan ko sayo! Kapag ako talaga bagsak sa USTET, babalatan kita nang buhay!" Pagbabanta ko sakanya na ikinatawa niya.

"Ayos lang bumagsak basta sa akin ang bagsak," pilyong sagot nito. Kinurot ko ang tagiliran niya, ngunit tumawa lang 'to.

Last day ngayon ng semestral break namin. Bukas ang simula nang second and last semester namin for Grade 12.

"Seryoso ako, Leo. Baka wala akong masagot sa exam, at tungangaan ko lang 'yon."

"Edi ako nalang sagutin mo."

"Sige," I teasingly replied. Bigla 'tong napa-preno dahil sa gulat. Muntik na kaming ma-aksidente, pero hindi niya hinayaan 'yon.

"Be careful, Leo. Mahal ko pa buhay ko."

"Sorry. Nagulat lang ako. Ikaw kasi, kung ano-ano sinasabi mo. Sh*t!"

I almost laugh. Gusto kong makita ang reaksyon niya ngayon, but I can't. Nandito ako sa likod niya, at ang tanging ginagawa ko lang ay singhutin ang pabango niya habang nakayakap sakanya. Sana ganito nalang kami lagi. Laging chill at masaya.

"May sinabi ba ako? Parang wala naman e," pag-mamaang maangan ko, which makes him more frustrated.

"Playing innocent, huh. Sabi mo kanina, sige. What does that mean? Sinasagot mo na ba ako, Tatiana? Tayo na ba?"

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon