Chapter 14

24.9K 993 13
                                    

I got a full night's sleep, and yet I still feel tired. Can't believe it's already Monday, the suicidal day for STEM Students like me.

Sino ba naman ang hindi mamamatay, kung 8 hours straight ang math niyo. Four hours for Basic Calculus and another four hours for Statistics and Probability, paniguradong magugulat ka nalang sa mga numero na makikita mo.

I opened my journal, trying to read and understand it. But sadly, kahit ilang beses kong basahin at subukang intindihan, ay tila ayaw makisama ng utak ko.

Wala kaming quiz or what, pero minsan ay baliko ang utak ni Engineer Olvido. Bigla nalang may graded recitation or first ten.

Madalas naman kapag nakalimutan nito, ay biglang pinapaalala ng mga bida-bida sa klase. Jollibee amp.

Isa ako sa mga tao na takot bumagsak pero tamad naman mag-aral.

"Defeat!" I laughed. Mukhang talo nanaman sa rank game ang table number four.

"Bobo, Angela! Bakit ka sumasanib sa tank?"

"Yung MM natin, farm lang ng farm."

"Kamusta naman si Pharsa, nag SS sa tore at minions."

Ganiyan sila lagi magsisihan tuwing natatalo sila. Ang ilan sa aking mga kaklase ay naglalaro ng tongits at uno, ang iba naman ay feel na feel ang pagkanta kahit hindi naman naaabot ang nota.

Agad na natapos ang aming Calculus Class. Naubos ang oras namin kakasagot sa mga Practice Test Questionnaires, na makakatulong 'daw' sa amin next week.

"Nood tayo mamaya," pag-aaya ni Vettinah sa amin. We just finished eating and headed back to the classroom.

"Ha?" Takang pag-tatanong ni Cassandra.

"Basketball!" Vettinah, excitedly exclaimed.

"Hakdog!"

We all laughed when Vettinah, raised her middle finger, and gave it to Cassandra.

"Tomboy, ew!"

Dagdag na panlalait pa nito sa kaibigan, kaya mas lalo kaming natawa.

"May tune-up mamaya ang basketball team natin, at ng SVSF," she excitedly explained.

"Ay shet na malagkeeeet!"

"Ang landi ng sigaw mo, gago may boyfriend ka na!" I jokingly said to Ernisha, at binato ito ng crumpled paper. Tatawa tawa itong umilag.

"Madami kayang gwapo 'don," Ernisha replied.

"Kaya nga manood tayo," pangungumbinsi ni Vettinah. "Baka makabingwit pa."

Obviously, haharot nanaman ang mga bruha.

"Anong oras ba 'yon?" Pagtatanong ni Cassandra.

May tune-up game pala sila, kaya pala hindi ko napansin si Leo kanina sa Calculus. Malapit na din kasi ang APSTAP.

The week after my last practice was rough, parating na kasi ang exams. Ito yung isa sa challenging part ng isang student-athlete, you need to maintain your grades and sports career at the same time.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now