Chapter 19

23.2K 909 7
                                    

"You're avoiding me," he concluded.

That was true, and I hated it because it was making me feel slightly guilty. Yumuko ako habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi ko.

He put his hand over my chin. Marahan ang ginawa niyang pag-angat sa aking mukha, dahilan upang magka-salubong ang aming mga mata. He tried to looked deeply into my eyes, but I quickly averted my gaze. Pilit niyang hinuhuli ang aking paningin, pero patuloy lamang ako sa pag-iwas.

"H-hi! Kamusta injury mo?" I asked, and faked my smile habang iniiwasan pa rin ang mga titig nito. Sinusubukan kong umakto nang normal at maayos habang kaharap siya.

"You're avoiding me, Tatiana." His jaw tightened. "Why?"

"H-hindi naman ako umiiwas." Muli kong iniiwas ang aking mata sakanya. Natatakot akong salubungin ang mga 'to. Masyadong malalim at nakakalunod.

I looked at my friends and mouthed 'help', but they just laughed. Hindi nila ako iniwan pero lumayo ang mga 'to ng kaunti, sapat na upang marinig ang pinag-uusapan namin.

"Then why are you avoiding my gaze? Bakit hindi mo 'ko matignan sa mata?"

"Natatakot ako!"

"Saan ka natatakot? Bakit?!"

"Baka may sore eyes ka," I reasoned out. Wala na akong ibang palusot na maisip, bukod sa sore eyes.

"What a very lame excuse, Tatiana!"

Umigting ang kanyang panga, at kasabay non ay ang pag-akbay sakanya nang kaibigan, si Cristan.  Lihim akong nagpasalamat sa aking isipan, sa pagdating nito.

"Yo, Tatiana!"

Binigyan ko lamang 'to ng tipid na ngiti matapos akong batiin. Sa kanilang magkaka-ibigan, siya ang pinaka-masigla at pinaka-maliit. Siya rin ang laging pumapansin sa akin, at nang-aasar.

"Hiramin ko muna boyfriend mo ha?" Natatawang paalam nito sa akin bago binalingan ng tingin si Leo. "Mamaya ka na lumandi, pre! Nag-rereport pa tayo sa taas."

Hindi na naka-angal pa si Leo nang hilain siya nito ang kaibigan papunta sa building nila. Lumingon ito sa akin at kumaway upang magpa-alam. I mouthed 'thank you' at mukhang nalito naman ito kung bakit ako nagpapa-salamat.

"LQ din kayo?" Ernisha asked.

Nakabalik na kami sa classroom, at muling ipinagpatuloy ang aming mga ginagawa. Ang unfair naman! Bakit 'yong ibang strand parang ang chill lang nila kahit na malapit na ang finals. Pero, bakit kami? Kaming mga STEM, ay ngarag-ngarag na at halos hindi na matulog.

Don't get me wrong. I'm not discriminating the strands, because I know that each strand are really hard. Nagtataka lang talaga ako kung bakit ang chill nila, tapos kami ay halos hindi na magkanda-ugaga sa gagawin.

"Hindi," I simply answered. 

"We?"

"Oo nga!" I diverted my attention to my CL book and started answering some essay questions. Isa pa 'tong subject na 'to, cover to cover ang sasagutan. Panigurado rin namang hindi babasahin ng teacher ang mga sagot namin.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now