Chapter 24

20K 868 3
                                    

"Oh, ngumingiti nanaman!"

Inilihis ko ang aking cellphone, dahil sa biglaang pag-sulpot ni Ernisha. Tagaktak ang pawis nito habang umiinom ng tubig.

I received another direct message from Leo. He sent a picture of him, shirtless! Muntik ko nang mailaglag ang hawak ko dahil sa litratong 'yon.

tatcorsanes: AMP!

rogeliosoriano: Ano yan? HAHAHAHAHA

tatcorsanes: Anakan Moko Pito.

I laughed louder than usual, because of my joke. Akala niya siguro siya lang ang marunong magbiro, at maglaro.

rogeliosoriano: Naughty little girl. Nasa mood ka 'ata ngayon, ha?

I only kept laughing habang nang-aasar siya.

"Iba talaga kapag ka-text ang bebe 'no, Tatiana?" Ernisha stated louder. "Kahit pagod na sa practice, nakakatawa pa rin. Naku, Tatiana, iba na yan ha."

Wala pa akong pinagsabihan sakanila nang nangyare. Saka nalang, kapag nabuking na kami.

Ang ibang kasamahan namin sa cheer dance ay nakiki-usyoso na din dahil sa ingay ni Cassandra. Today is our final practice for the APSTAP. Rest day ngayon ng mga players, dahil tapos na ang mga 'to kahapon.

Umupo ako sa sahig habang hinihintay ang ibang kasama.

rogeliosoriano: Maliban sa pag-iisip sa akin, at sa katawan ko, ano pa ginagawa mo?

tatcorsanes: Practice.

rogeliosoriano: Kung paano ako gagapangin? HAHAHAHAHAH

tatcorsanes: Cheerdance. Duh!

"Cassandra, Vettinah, wala ba kayong napapansing kakaiba? Kay Tatiana?" Pagtatanong ni Ernisha nang dumating ang dalawa pa naming kaibigan.

Actually, tapos na talaga ang practice namin. Water break na, at hinihintay na lang namin si coach mag-dismiss.

"Mukhang pokpok pa rin," pang-aasar ni Vettinah.

"Malapad pa din noo niya," Cassandra replied.

"Mga bugok talaga kayo!" Binigyan niya ang mga 'to nang tig-iisang batok.

"Ang tapang mo friend," iiling iling na sabi ni Vettinah. "Ikaw lang yung kilala kong palaban, pero hindi pinaglaban."

We laughed. After examinations, nalaman namin na naghiwalay na sila ni Dominic. Finally! Natauhan na din ang lokaret.

"Ano ba?! Pansinin niyo kasing mabuti si Tatiana!"

"Blooming at light ang aura," Cassandra commented.

"Of course. Masaya ako dahil pasado kami sa defense," I replied.

Malaya at masaya naming mapapanood, at matatapos ang APSTAP dahil napaki-usapan namin ang aming masungit na Prof. Lahat ng varsity, o lahat ng damay sa APSTAP ay naunang nag present.

"Defense ba talaga? Kanina ka pa ngumingiti na parang aso," pambabara sa akin nito.

"Hindi yan ngiting aso," Vettinah answered. "Ngiting nakalandi sa gwapo yan. Diba, darling?" Panunukso sa akin nito.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now