Chapter 21

20.1K 832 0
                                    

"Anong sagot niyo sa number 11?" I asked. Hindi ako sigurado sa mga sinagot ko kanina sa exam.

This is the real hell week for us. Bukod sa exam week, ay passing of requirements din at pirmahan ng clearance. After examinations, kasabay ng APSTAP ay defense naman namin Practical Research 2.

Walang consideration ang Prof namin sa PR2, kaya pinagdarasal ko na wag magsabay ang laban namin at ang defense.

"B sagot ko," Cassandra answered confidently.

I smiled because that was my answer too. Ito talaga ang nangyayare after finishing the exam; lalapit ka agad sa mga kaibigan mo at magtatanungan, compare, at sabihan kayo nang sagot.

"Ayoko pag-usapan. Ayaw ko nang ma-alala. For sure bagsak din naman ako," napabuga si Vettinah sa hangin bago nagsalita ulit. "Fake news naman si sir, sabi niya madali lang e wala naman sa pointers 'yon. Halos mamuti na mata ko kakaisip sa sagot."

"Hindi niya naman naturo yon e. Tapos may identification pa, walang choices. Hindi ako sigurado kung tama ba 'yong pinag-susulat ko doon," Ernisha frustratedly replied too.

"Che! Tigilan mo 'ko, Ernisha! Isa ka ring hudas ka," bulyaw sakanya nang kaibigan. Nahirapan kami sa teamwork, dahil bagong cheating arrangement na ginawa nang aming advicer. Mukhang alam na nito ang mangyayare, kaya naman pinaghiwa-hiwalay niya ang magkaka-ibigan.

But of course, nothing can stop us. Kung gusto may paraan, kapag ayaw madaming dahilan. Students like us were so expert in making ways to cheat. Sana maintindihan ng mga teachers 'yon, dahil for sure ay napagdaan din naman nila nung sila ay nag-aaral pa.

"Bakit nanaman ako, Vettinah?" Takang pag-tatanong ni Ernisha.

"Depungal ka! Ilang beses kong sinipa upuan mo, halos lumindol na nga sa room sa lakas ng sipa ko, pero 'di ka man lang lumingon!"

Nag-peace sign 'to at tumawa. Naisip naming kumain saglit sa tabi tabi bago umuwi. Hindi lang alak ang hilig namin, mahilig din kami sa tusok tusok.

Pagka-uwi ko ay wala pang tao sa bahay. Nag-half bath ako upang maging presko sa pakiramdam, at para ma-relax ako at ang isip ko. After my friendly date with Leo, ay naging madalang na ang pag-uusap at pagkikita namin. I bet that we were both busy.

I tried to focus my attention on my reviewers. Mas maganda at madaming mag-review kapag may reviewer kang maayos, at maganda sa mata. Gaganahan ka kasing mag-review, kahit tinatamad ka.

I did not bother to open any of my social media accounts. Matutukso lang ako, at tatamarin ng mag-review.

"How's school, Tatiana?"

Ito ang almusal ko sa araw-araw. Lagi nilang kinakamusta ang grades ko, at hindi ako. Minsan na-iinggit ako sa ibang tao na sobrang close at supportive ang parents. I mean, no pressure, ayos lang kahit wala sa honor list basta makapasa ay ayos na.

"Maayos naman po, papa. Exam po namin ngayon," I politely answered.

"Aim for the high, Tatiana. Don't settle sa 'ayos na to, basta pasado' I don't want that."

I lazily nod my head and continued eating my meal.

"Good. Umuwi ka nang maaga mamaya. Don't forget about the party. Excited na akong ipakilala ka sa mga kumpadre ko."

Hindi ako umangal, dahil ayaw kong sirain ang mood ni papa. Gustong gusto ko talagang maging doktor, But I can't. I really can't, dahil planado na ang future ko.

Life sucks. I hate to admit it, but we are mute when it comes to our parents. Kapag ipinaglaban natin ang gusto natin o kung ano sa tingin natin ay tama, mali pa rin sakanila. Mali pa rin, dahil anak lang nila tayo. Para sakanila ay kawalan 'yon ng respeto.

I relaxed my mind for a bit and decided to open my phone. I turned it off, para makapag-focus sa pag-aaral. I decided to open it dahil ayaw ko nang mag-review.

Number one tip: wag kang magre-review 5-10 minutes bago exam, kasi for sure mame-mental black ka. Dapat 5 minutes before the exam ay kalmado na ang utak mo.

I received a message from Alvin. I bit my lower lip out of frustration. Nangako nga pala ako sakanya na sasama ako next gig.

Damn! Sabi na nga ba promises are meant to be broken.

"Ayos ka lang ba?" Cassandra asked when she noticed the sudden change of my facial expression. Napa-ngisi ako dahil sa ideyang na-isip ko.

"Cassandra, crush mo si Alvin, diba?" I asked even if it's obvious, at alam ko na ang sagot.

"Tinatanong pa ba yan?" She giggled. Itinigil niya ang pagbabasa bago lumapit sa akin. Napansin ko ang unti-unting pagbabago sakanya. This past few days ay nagiging kikay na rin ang pormahan niya, unlike dati na cool at astig.

"Bakit? Na-set up mo na ba kami nang blind date? Pumayag ba siya? OMG! Kelan?" Sunod sunod na tanong nito kaya naman napa-iling nalang ako.

"Hindi pa," I honestly replied. Nalukot ang mukha nito dahil sa sagot ko, at halatang disappointed, 'to.

"Paasa!"

Ngiting panalo 'to matapos malaman ang plano ko. Siya ang papupuntahin ko sa Bistro, mamaya. Hindi ako makakasama sa gig, dahil kailangan ako sa anniversary.

Natapos ang exam na may ngiti sa aking labi. I was confident with my answers. Madali lang ang exam namin ngayon, lahat may choices kaya hindi ako nahirapan mag-isip. Well, nakakapagod nga lang mag shade shade.

Umuwi na ako agad at hindi na sumama sakanila, sa pagpunta sa Tsai Tea.

I looked at my reflection and felt satisfied with my looks. Kakatapos lang akong ayusan, at ganoon din si mama. Suot ko ang isang light pink one-shoulder gown na binili ko noong isang araw. Fitted 'to at dahil maganda ang hubog ng katawan ko ay kitang kita ang kurbada ko.

Binati ni papa ang ilang mga kakilala nang makarating kami sa venue. Muntik na kaming mahuli dahil traffic sa mismong City. Buti na lamang ay hindi pa 'to nagsisimula.

Maganda ang venue, simple but elegant. Bella Plaza ang isa sa pinakamagandang party venue, dito sa Tarlac.

"Ladies and Gentlemen, let's give a big round of applause for the arrival of Ms. Rosita Gaguan, the owner and founder of Phoenix Quantum!" The emcee announced.

Nagsitayuan ang mga tao kaya nakigaya na rin ako. May special red carpet entrance pala 'to. The crowd cheered for her as she elegantly walked. The smile on my face faded, and my eyes automatically widened as I saw him, beside Ms. Gaguan.

"L-Leo," I whispered to myself.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now