Chapter 33

18.3K 623 9
                                    

"Stalk now, iyak later."

I wiped my tears as Vettinah arrived and entered the room. Ibinaba niya ang kaniyang gamit, bago itinuloy ang pagkikilay. Absent si Ernisha dahil nag-take siya ngayon ng UPCAT exam, at si Cassandra naman ay paniguradong late nanaman.

"Pero in fairness, ha. Maganda 'yong kabit niya," panunukso niya sa akin.

"Ano naman ngayon kung maganda siya? Bakit, marunong bang magluto yan? Maglaba, magplantsa at maglinis?"

"That's the spirit, bitch! Fight for your bebe. Tandaan mo kabit lang siya, ikaw ang original."

"Ako yung kabit," mapait kong sagot sakanya na ikinagulat niya. Bigla niyang naibaba ang kanyang crayon matter eyeliner, at bahagyang itinigil ang ginagawa upang tignan ako kung nagsasabi ba ako nang totoo.

"Holy sh*t! Seryoso ka, gurl?"

Tumango ako at kinagat ang pang-ibabang labi, upang pigilan ang iyak at hikbi.

"Maganda siya. Parang model, pero mas maganda ka."

I gave her a smile as she tried to cheer me up. Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanang ngumiti, kahit na gustong gusto ko ng umiyak at sumigaw dahil sa sakit.

Maganda si Ciara, totoo 'yon. In fact, beautiful is an understatement. She has that smooth fair skin you'll wish to have, her sexy curves as if it's carved, her natural silky and wavy long hair as if she's going in and out of the salon everyday. She has that tantalizing eyes that could hypnotized you, her pouty lips like Kylie Jenner's and her pointy nose like the Americans. She's nearly perfect, at talagang mapapa-sana all ka na lang kapag nakita mo siya.

Halos sabay lang na dumating si Cassandra, at ang professor namin sa Physics. Buong klase ay walang akong ginawa kundi tumango ng tumango, kahit hindi ko naman talaga naiintindihan ang sinasabi niya.

Hindi ako mapakali. Ngayon ko lang naramdaman ang pagbagal ng oras sa paborito kong asignatura. Wala man lang akong naisagot sa recitation, at kumopya lang ako sa quiz.

"Saan ka pupunta?" Cassandra, asked.

"Kay Leo," I simply replied.

Kakatapos lang ng klase namin, kaya mabilis akong tumayo upang puntahan si Leo. I'm actually hoping to see him today. Ngayon lang parehas ang schedule namin. Hindi ko na kayang magtiis pa. Kayang kaya kong ibaba ang pride ko para sakanya.

Naglalabasan na din ang mga ABM students ng makarating ako sa San Pedro Calungsod Building. Palinga-linga ako sa paligid, pilit siyang hinahanap ng mga mata ko ngunit bigo akong makita ang taong hinahanap ko.

Ang ilang kakilala ay tumigil para batiin ako, at binati ko rin sila pabalik. I roamed around my eyes, and failed to see him again. Nasaan ka na ba, Leo?

"Cristan!" I yelled.

Cristan is one of his closest friend. Siya 'yong boyfriend ni Chen, na pinsan naman ni Vettinah. He turned around and walked towards mine. Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mata ng makita ako.

"Uy, Tat," alanganing bati niya sa akin. He brushed his hand throughout his hair, and hold the grip of his backpack. "Hinahanap mo bebe mo?"

"Yes," nahihiya kong pag-amin. "Where is he?"

"Nakauwi na, Tat. Nagmamadaling umalis kanina. Akala nga namin may date kayo."

Naibagsak ko ang balikat ko dahil sa sagot niyang 'yon. I looked down at the tiles as I bit my lower lip to prevent myself from crying.

"Uh. Baka may surprise siya sayo. Sige, una na ako, Tat,"

Surprise? Masyado nga akong nasorpresa sa biglaang pag-alis, at pag-kawala niya na parang bula.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now