Chapter 49

12.1K 390 5
                                    

"Tatiana, darling," naalimpungatan ako sa ginawang pagyugyog sa akin ni Leo. "Wake up, darling."

I slowly opened my eyes and looked at him. Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig, at unti-unting pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Uminom ako nang tubig at huminga ng malalim.

"Bad dream?" He asked. Tumango ako at ipinagpatuloy ang malalalim na paghinga. Inilapag niya sa side table ang baso bago umupo sa tabi ko.

"Tell me about it," he commanded and caressed the strand of my hair gently.  Ilang ulit muna akong lumunok bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita.

"C-ciara," I started.

"What about her?"

"Napanaginipan ko siya," I said and looked at him. "Nasa bahay kami, at pinagluluto ko sila. Tapos... tapos hindi ko na alam! Basta nakita ko na lang siyang nakahundasay sa sahig; duguan tapos, I... I was holding a knife full of blood too. Pinatay ko siya, Leo. I killed her. I killed my own sister."

"Shhh," pag-aalo niya sa akin. Pinunasan niya ang mga mumunting luha sa aking pisngi, at hinalikan ang noo ko. "Panaginip lang 'yon. Calm down, darling, okay? Everything's fine; don't overthink too much because I know that your sister is fine. She's brave and a good fighter."

Unti-unti akong tumango, ngunit sa loob loob ko ay hindi ako mapakali. I feel something strange; masama talaga ang kutob ko. Mapapatanag lang ako kung makakausap ko siya, o si daddy.

"L-Leo, tawagan mo si daddy, please."

He took a deep breathe before giving me a nod. Nagulat ako sa biglaang pagpalit ng ekspresyon sa kanyang mukha. His smile quickly disappeared; it seems like he realized something.

"Bakit?" Pagtatanong ko sakanya.

"Tatiana," nag-aalangan niyang sambit sa pangalan ko. "I can't call your dad, itinapon ko pala ang cellphone natin, remember?"

Unti-unting bumagsak ang balikat ko. Nag-aalala talaga ako kahit na panaginip lang 'yon. Alam kong matapang ang kapatid ko, but I want to make sure that she's really fine.

"I'm sorry," he apologized. I gave him a smile and told him that it's fine, even if deep inside I'm not really fine.

"Ayaw kitang nakikitang malungkot ang fiance ko," paglalambing niya sa akin. "Do you want to drop by the hospital first, before going back to the province?"

Tumango ako at unti-unting sumilay ang mumunting ngiti sa aking labi. Inayos na namin ang mga gamit at umalis sa casa. The staff thanked us and guided our way out of the resort. Kahit nasa sasakyan na kami ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang kalagayan niya.

"Relax," he said when he noticed my expression. Hinawakan niya ang kamay ko, habang ang isang kamay niya ay nagmamaneho. Hindi naman traffic kaya mabilis lang kaming nakapasok sa Manila, at nakarating sa Soriano's General Hospital.

"Let's go," he said and opened the door for me. He interwined our hands and hold it tightly. Kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa namin. Dumiretso kami sa office ng kapatid niya, at nag-request sa isang nurse upang tawagin 'to. Wala siyang ibang ginawa kundi pakalmahin, at i-cheer up ako.

Ilang minuto pa ay dumating na rin si kuya Christian. He wasn't surprised to see us, he smiled a bit before puting down his things.

"Cristan told me about your engagement. Congratulations!"

Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko sakanya. I looked at Leo, and gestured him to ask about the condition of my sister. Nagpasalamat muna siya sa kapatid, at hinintay na maka-upo 'to sa kanyang swivel chair.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon