Chapter 22

20.3K 802 6
                                    

"Give your best smile, Tatiana. I'll let you roam around later, and make friends."

Tumango na lamang ako sa pa-alala ni papa. Hindi ko din 'to maintindihan minsan, medyo magulo din siya. Ayaw nila akong magkaroon ng boyfriend, pero kung sino sinong anak ng kumpadre ang inerereto sa akin.

At totoo nga, dahil ipinakilala ako ni papa sa lahat ng kakilala niya. I'm bored asf. The formal party is definitely not my thing. I prefer a club party, rather than this one.

The emcee introduced some special guests, and let them deliver their speeches. Wala akong ibang nagawa kundi makinig, at hintayin ang pagkain.

"Mr. Corsanes, there you are."

"Wow! Ms. Rosita Gaguan." My father greeted the stunning lady, as she approaches our table. Napayuko ako nang mapansin si Leo, at isa pang lalaki sa likod nito.

"This is my daughter, Tatiana."

Tumayo ako at ngumiti nang ipakilala ako ni papa. I greeted her with a smile. Napasulyap ako kay Leo, na mukhang nagulat din sa aming pagkikita.

"She's a fine young woman, kumpadre. Baka pwede kong ireto ang mga anak ko," pagbibiro nito na ikinatawa naman ni papa.

"Bakit hindi, Rosita?"

Sinakyan ni papa ang biro nang ginang, kaya lalong natuwa ito at mas lumaki ang ngiti.

"Great!" Halos pumalakpak ang tainga nito sa tuwa. "Tatiana, meet my two charming sons, Christian, and Rogelio."

"Hello! Nice to meet you," I greeted them casually. Nagtama ang paningin namin ni Leo. His eyes never left mine and saw a hint of amusement in his eyes. Ngunit agad din 'tong napalitan ng magsalita ang kanyang kapatid.

"Tatiana, what a beautiful name for a beautiful woman like you." My cheeks suddenly turned red because of his compliment. "In any chance, have we met before?" He asked.

"I don't think so," hindi siguradong sagot ko. His face doesn't seem familiar. Hindi ako mabilis makalimot, lalo na kung gwapo.

"Parang nakita na kita, but I can't remember where and when."

"Really?"

Madilim na ang aura ni Leo habang ang mga magulang namin ay natutuwa sa aming minting pag-uusap, habang kumakain.

"Ah, yes! Naalala ko na kung saan kita nakita, Tatiana. I saw your picture on Leo's laptop last week," he cheerfully stated.

My eyes widened because of that unexpected revelation. Magkatapat lang kami ni Leo kaya naman kitang kita ko ang pagbabago nang kanyang reaksyon.

Tila mas lalong nabuhayan ng loob ang aming magulang. Tuwang tuwa ang mga 'to dahil sa rebelasyong yon.

Leo faked his cough before sipping on his juice.

"This is really exciting, kumpadre! So, magkakilala pala kayo Tatiana, Leo?"

"Yes/No!" We both answered in unison.

"Mga kabataan nga naman ngayon," panunukso nang kanyang nanay.

"H-hindi ko po siya kilala," I lied. His jaw clenched because of my answer.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon