Chapter 15

23.4K 950 0
                                    

"Lezgooo mga, marupokpok!" Vettinah excitedly said and dragged us into the entrance of the Stadium.

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob,ay dinig na dinig na namin ang malalakas na hiyawan doon.

"Ang daming malalandi," bulong ko. "I mean ang daming nanonood."

Tinawanan lamang nila ako.

"Wow!" I exclaimed. Punong-puno ang loob ng stadium. Tune-up game lamang ito, pero parang nasa finals na. Grabe, ganito pala talaga ang hatak ng mga Rosalimans at Vincentenians.

Even noong nasa public school pa ako, ay matunog na ang dalawang team na 'to. SRCS and SVSF are great rivals. I even saw some posts on confession pages and online rambulan between the two schools.

This was my first time watching their game. Kapag mismong APSTAP na kasi, ay exclusive lamang ang tickets for Rosalimans, and Vincentenians. Hindi nakakapasok, o nakakanood ng live ang outsiders.

Grabe! Buti nalang ay nasa bandang harapan din kami at medyo malapit sa court. Perks of being part of the cheerleading team.

Naging wild ang atmosphere, at naghiyawan ang mga kababaihan dahil sa pagdating ng kabilang team.

Tangina, mga taksil! Nakakita lang ng gwapo, nakalimot na. I badly want to shout na 'HOY ROSALIMAN TAYO, HINDI VINCENTENIANS.'

But the moment that I shifted my gaze towards the entrance of the stadium, "Tangina!" Napamura na lamang ako sa sarili ko.

Makalaglag panty nga talaga ang mga 'to. My friends were also screaming! Buti na lang at kontrolado ko pa ang sarili ko.

"Shet na malagkeeeeet!" Malanding tili ni Cassandra, at pinagpapalo pa ang braso ni Vettinah.

"Gago, kumalma ka!" Pag-aawat ni Vettinah. "Hindi ko makita crush ko."

"Sino ba 'don?"

"Basta yung gwapo," pilyang sagot nito sa amin. Agad namin siyang binatukan dahil sa sagot nito.

"Gago!" I shouted. Kailangan kong sumigaw, para magkarinigan kami.

"Lahat gwapo! Edi lahat sila crush mo?"

"Oo," he jokingly replied. "Pwede rin."

My jaw literally dropped when I saw a familiar face. He's wearing their jersey uniform, and it's my first time to see him not wearing his usual outfit.

The corner of his mouth lifted and formed a smile when he saw me looking at him. He gently waved his hand before walking towards the bleachers.

"Magkakilala kayo ni Alvin?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Cassandra, sa akin. Oh my gosh! I almost forgot na crush nga pala niya 'to.

I nodded. "Unbelievable! Paano?!"

"Bistro. Niyaya niya akong sumama sa mga gig nila," I explained.

"Mang-aagaw ka," she jokingly said and pretended that she was really hurt.

"Ang arte mo." Binatukan ito ni Vettinah. "E magkalahi lang naman tayo. Madaming extra crush."

"Pero siya yung pinaka-paborito ko," she pouted. "Ireto mo naman ako," pangungulit nito sa akin.

Halos mapungit ang labi niya sa pag-ngiti ng tumango ako. Ernisha, is not here with us. Kasama nito ang boyfriend niya to celebrate their monthsary. Sanay na kami na lagi siyang missing in the action, dahil madalas niya kaming iwan upang makasama ang bebe niya.

Kanina pa nagwa-warm-up 'yong mga players. Naiinip na ako ng slight, at for sure atat na din ang mga iba pang nanonood.

To be honest, I couldn't take my eyes off Leo. Let's just say na I have a thing for athletes. I mean, hindi ba lahat naman 'ata tayo merong special thing for athletes? Mabilis tayong ma-turn on especially if gwapo, well build yung katawan, and skilled sa sports. Girls, admit it. There was just something appealing about a guy and his sports.

My breathing seemed to stop for a while. He suddenly looked up and caught me staring at him. He grinned boyishly at me, and I couldn't help but to rolled my eyes.

Finally, the tune-up game started. Ipinakilala ang mga starting line up ng both team. The crowd cheered for the SV guy's including Alvin, Romuel, and Kero.

Akalain mo 'yon si Romuel, na bansot, basketball player pala. At hindi lang basta player, dahil siya pala ang team captain ng mga 'to. My gosh! Unbelievable!

Sobrang exciting ng game. Ang lakas ng hiyawan sa loob ng stadium. Tune-up game lang 'to, what if finals na diba? For sure magwawala na ang mga fan girls ng both teams. Baka magkaroon pa nang rally sa loob kung nagkataon.

We watched the game. Last quarter na, sobrang dikit ng laban. Hawak ni Cristan ang bola, but he suddenly passed it to Leo. He was dribbling the ball now, kumindat pa 'to sa akin bago ihagis ang bola.

The crowd cheered when he scored. He was smiling confidently.

"Nagpapasikat sayo bebe mo," kinikilig na bulong sa akin ni Cassandra.

"Baka magaling lang talaga siya."

"Okay," tila hindi naniniwalang sabi nito, at bumaling naman kay Vettinah.

"Tingin ng tingin dito si Kero mo."

"Gago!" Pagmumura ni Vettinah. I'm not sure, pero sa pagkaka-alam ko nagkaharutan ang dalawa sa Bistro, yata?

Malapit ng matapos ang laro. Hinihingal na ang lahat ng players, pero kitang-kita pa rin ang determinasyon ng bawat isa upang maipanalo ang laro.

Hawak ulit ni Leo ang bola. Tumatakbo na ulit ito nang mabilis, ngunit agad siyang hinarang ni Alvin.

"Nag-aaway ata bebe natin," nag-aalalang bulong sa akin ni Cassandra. I noticed it too!

Mababakas ang iritasyon sa mukha nilang dalawa. Parang nag-alangan naman si Patrick kung ipapasa ba nito ang bola kay Edward.

Alvin smirked. Masyadong mabilis ang pangyayari, nakita na lamang namin si Leo na tila napatid. He fell on the floor, at parang namimilipit ito sa sakit.

"Damn!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Napatayo ako, at ganoon din ang ilang nanonood.

Masama ang ibinibigay na tingin ni Leo dito. Alvin offered his hand, but he ignored it. Pinilit niyang itayo ang sarili niya kahit halata namang nahihirapan ito.

Mababakas mo sa mukha nito ang kirot. Malapit na ang APSTAP, kaya hindi na dapat ito magkaroon pa ng injury or else hindi 'to paglalaruin ng School. Wrong timing naman!

"This is interesting," Vettinah whispered.

I bit my lower lip. I can feel the tension between the two of them. The crowd shouted because of what he did to Alvin. Masyado ring mabilis ang pangyayaring 'yon.

The last thing we knew, ay nakahandusay na ito sa sahig.

Leo, punched him!

"Oh shit!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumakbo sa direksyon nila. I run as fast as I can, ignoring my friends calling my name.

Between Two Hearts [to be published under Bookware]Where stories live. Discover now