MTJAB: Chapter 5

513K 6.3K 512
                                    

MTJAB: Chapter 5

Nilingon ko siya at tinitigan kong mabuti ang pagmumukha niya. Ngayon ko lang napansin na may peklat siya sa gilid ng kilay niya. Napakunot ang noo ko sa pagtitig doon pero napapitlag ako nang bigla siyang nagsalita ulit.

"Hoy. Sabi ko, umuwi na tayo sa bahay natin. Inaantok na ako. Kagabi pa ako walang maayos na tulog." Reklamo niya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Wala tayong bahay!" Pagdiriin ko sa kanya. Pero imbis na sagutin niya ako, bigla niyang hinila ang dalawang maleta ko.

"Hoy! Saan mo dadalhin 'yan?" Hiyaw ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Lakad takbo ang ginawa ko para lang maabutan ang malalaking hakbang niya. Napansin ko yung sasakyan ko sa gilid ng kalsada. Binuksan niya ang back seat at inihagis niya sa loob yung maleta ko. Sunod naman niyang binuksan ang passenger's seat.

"Sakay!" Utos niya. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Bingi ka ba? Sabi ko, sumakay ka na!" Hinila niya ang kamay ko at ipinagtulakan ako sa loob. Kahit kailan talaga, napakabastos nitong si Liam! Sunod na siyang sumakay pero nang subukan niyang i-start ang kotse ko, hindi niya magawa.

"Tss, wala ka bang balak palitan 'tong sasakyan mo?!" Sigaw niya sa akin. Huminga ako nang malalim para kumalma ang katauhan ko.

"Mr. Marcus Liam Cando, ikaw na nga lang itong nakikisakay, ikaw pa itong nagrereklamo!" Inis na sambit ko.

"Hindi ako nagrereklamo. Nagtatanong lang ako." Pero sa tono ng pananalita niya, halata doon ang iritasyon. Bumaba siya ng kotse ko at napapitlag ako nang bigla iyong umandar. Kinalampag niya pa iyon.

"Hoy! Mag-drive ka!" Sigaw niya. Napailing na lang ako at saka umupo ako sa driver's seat para ma-control ko yung pagtulak niya. Maya-maya lang, umandar na ulit yung engine. Nakita ko sa kaliwang salamin na nagmadali siyang maglakad. Binuksan niya yung pinto ng driver's seat at halos mapapitlag ako nang magkadikit ang braso naming dalawa.

"Urong. Gusto mo ba habang nagda-drive ako, ganito tayo ka-close?" Pagyayabang niya. Inirapan ko lang siya saka ako padabog na bumalik ng upo sa passenger's seat. Naku. Kung may uuwian lang ako rito sa Manila, hindi ako magtitiyagang makasama 'tong mahangin na ito. Sa pagkakarinig ko kanina, tinext ni Ethan Luke kay Liam yung address ng titirahan namin nitong kapatid niya na may toyo ngayon.

Tahimik lang kami sa biyahe. Nilingon ko siya at napansin ko sa mukha niya na problemado talaga siya ngayon. Isang himala ang pananahimik naming dalawa habang magkasama kami. Tiningnan niya sandali ang cellphone niya. Yung address siguro ang hinahanap niya.

"Anak ng putcha naman." Narinig kong reklamo niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"'Yan yung bahay." Walang ganang sabi niya. Nilingon ko yung isang apartment type. Kulay blue ang pintura nung maliit na gate at pati ang pader nito ay ganoon din. Medyo may kaliitan nga ito.

Kaagad akong bumaba at kinuha ang maleta ko sa back seat. Nang biglang may kumuhit sa likod ko, lumingon ako at nakita kong isang matandang babae iyon. Siguro mga nasa fifty na siya.

"Hija, kayo ba ang bagong kasal na lilipat dine?" Tanong nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Liam na kabababa lang.

"Ah, eh hindi po kami mag-asawa." Nakangiting sagot ko. Umiling-iling ito.

"Sabi nung dalawang nagpunta rito, mag-asawa raw kayo. Newlywed nga raw. Kakambal nga niya 'yon eh." Kwento nito. Nanlaki ang mga mata ko. Kainis talaga sila Claire!

"O siya hija, heto ang susi. Sana'y magkaroon kayo ng masayang pamilya! Congratulations!" Napanganga na lang ako nang ilagay nito ang susi sa palad ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon