MTJAB: Chapter 7

478K 6.2K 739
                                    

MTJAB: Chapter 7

Pinagtitinginan kaming dalawa ni Liam dito sa school. Paano ba naman, ang higpit higpit ng hawak niya sa kamay ko. Hinihila ko iyon palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Tiningnan ko siya nang masama ngunit isang nakakainis na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.

Tumigil siya paglalakad at tiningnan niya ang librong hawak ko. Kumunot ang noo niya. Napapitlag ako nang hilahin niya ang registration form ko na nakasingit sa libro ko saka binasa iyon.

"Room 405, Agrarian Reform, Taxation, and Current Issues. 8 to 11am. Tamang tama, babe. Hanggang eleven lang din ang klase ko. Susunduin kita." At nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ang pisngi ko. Napansin ko ang mga mapanusok na tingin ng mga kababaihan sa akin.

Tumalikod ako at doon ko lang napansin na katapat ko na pala ang Room 405! Mabilis akong pumasok sa loob at naupo sa inupuan ko last week. Mabuti na lang at matatahimik na naman ang mundo ko. Walang Claire, walang Ethan at mas lalong walang Liam ngayon sa klase ko.

"Excuse me, may nakaupo na ba rito?" Napatingala ako nang may lalaking nagsalita. Ang tangkad niya, gwapo rin siya at may magandang ngiti sa labi.

"Ah, w-wala." Sagot ko sa kanya. Kaagad naman siyang naupo sa tabi ko.

"Ano ba 'yan? Girlfriend na siya ni Marcus? Nakakainis ha? Tapos ngayon, yung transferee naman ang lalandiin niyan sigurado ako." Wow ha? Magbubulungan lang sila yung talagang maririnig ko pa. Nagkalat talaga ang tsismosa rito sa eskwelahan namin. Napansin ng gilid ng mata ko na nakatingin sa akin yung katabi ko kaya naman tinabunan ko rin siya ng tingin.

"Bakit?" Pagsusungit ko sa kanya. Tumawa naman siya.

"Ara Lian Binalatan, nakalimutan mo na ba talaga ako?" Nagpantig ang tainga ko nang marinig kong tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Ibinaba ko ang ballpen sa lamesa ko at mas lalo ko siyang tinitigan.

"Sino ka ba?" Naiinis na tanong ko. Ngumiti siya na para bang nang-aasar.


"The one and only Xander Romulo." Pakilala niya sa akin. Kaagad akong napanganga at nanlaki ang dalawang mata ko. Inilapit kong mabuti ang mukha ko sa kanya at pinisil pisil ko ang pisngi niya.

"Xander?! Ikaw na ba talaga yan?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumisi siya at hinayaan niya lang ako sa paglamutak sa mukha niya.

"Grabe! Bakit hindi ka na tabatchoy?" Natatawang tanong ko sa kanya saka tinigilan ko na ang paglamutak sa mukha niya. Nginitian niya lang ako. Si Xander, magkaklase kami nung high school at talaga namang sobrang tabatchoy niya noon. Walang nakikipagkaibigan sa kanya kundi ako lang. Matalino kasi 'yang si Xander. Siya nga ang top 1 lagi sa klase namin noon.

Pagkagraduate niya ng high school, pumunta na sila ng magulang niya sa America. Kilala ang pamilya nila sa Lucban. Mayaman kasi sila.

"Kailan ka pa nakabalik? Tsaka bakit nandito ka sa school ko?" Tanong ko sa kanya. Sasagutin na sana niya lahat ng pag-uusisa ko pero biglang dumating ang prof namin. Panay ang ngiti niya sa akin. Grabe, ang gwapo na talaga ni Xander ngayon. Dati rati, nasisira ang upuan sa kanya dahil sa katabaan niya kaya nga yung parents niya, panay ang donate ng upuan sa school namin noon.

Pagkatapos ng klase naming, hinila ko kaagad si Xander sa cafeteria ng school para doon kami magkwentuhan. Saka 'di ba may part time job ako rito? Pinagluluto ako ngayon ng chopsuey dito habang nasa gilid ko naman si Xander at kinukwentuhan ako.


"Makiki-sit in lang ako sa klase niyo. Five months lang Ara. Babalik na rin kami ng America pagkatapos." Kwento niya. "Tapos nalaman ko sa kapatid mo na dito ka nag-aaral kaya naman nag-enroll ako rito. Kinuha ko lahat ng schedule mo para maging magkaklase ulit tayo. Na-miss kita." Sabi niya saka niya pinisil ang pisngi ko. Pinisil ko rin ang pisngi niya at nagkatawanan kaming dalawa.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon