MTJAB: Chapter 1

630K 8.4K 704
                                    

MTJAB: Chapter 1

"Ano Ara? Masarap ba?" Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Claire sa tabi ko. Humarap ako sa kanya.

"H-hinalikan niya ako?!" Hindi makapaniwalang sambit ko. Tumawa siya nang malakas. Shit! Hinalikan ako ng lalaking hindi ko naman kilala!


"Yeah, you are so lucky, Sisteret. Imagine, hinalikan ka ni Marcus! Ang school heartthrob na kinababaliwan ng lahat." Kinikilig kilig pa siya habang sinasabi iyon. Ano raw? Swerte? Isang malaking kalokohan. Paano niyo matatawag na swerte 'yon? Ninakaw niya ang first kiss ko pagkatapos ay tatalikuran niya lang ako nang gano'n-gano'n? At isa pa sino ba ang damuhong 'yon? Ni hindi ko nga alam na nag-eexist siya sa eskwelahan namin!

"Lucky? Are you kidding me Claire?! Hindi ako papaya. Magbabayad sa akin ang lalaki na yan!" Sigaw ko at mabilis akong naglakad papasok ng school. Narinig ko namang sinundan ako ni Claire at wala siyang ibang ginawa kundi ang sigawan ako.

"Ara! Sisteret! Lian!" Lahat na itinawag niya sa akin pero hindi ko mapapalampas ang ginawa sa akin ng lalaking iyon. Kailangan niyang matikman ang malakas na tadyak ko. Ha! Akala ba niya basta-basta akong babae? Hoy, for your information, nag-aral ako ng libreng taekwondo sa bayan namin sa Lucban!

Kaagad kong natanaw ang mukha niya. Ngiting ngiti pa siya habang kinakausap ang ilang eatudyante rito sa school. Mabilis akong naglakad palapit sa kanya.

"Hoy! Lalaking lumaklak ng hangin! Akala mo ba makakaligtas ka sa ginawa mo?!" Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. Maging ang mga kausap niya ay titig na titig sa akin. Pinanlisikan ko siya ng mata at saka umayos ako para sipain siya! Bumilang ako ng tatlo.


"Ahhh!" Sigaw ko at isang malakas na sipa ang ibinigay ko sa tiyan niya! Mabilis siyang napaupo habang hawak hawak niya ang kanyang tiyan. Tinulungan siya ng mga nakapalibot sa kanya.


"ARA LIAN BINALATAN!" Nagpantig ang tainga ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Claire ng buong pangalan ko. Tinusok ako ng napakaraming mata rito sa may locker kaya naman napaatras ako.


"How dare you?!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kababaihan! Lahat sila ang sama-sama ng tingin sa akin.

"Sino ka para saktan siya?!" Sigaw ng isa pa at mabilis na lumapit doon sa sinipa ko. Sino ba ang lalaking 'yan at parang ang daming nag-aalala sa kanya?

Susugurin na sana ako ng ilang kakabaihan pero bigla siyang sumigaw.

"A-ayos lang ako!" Halata sa mukha niyang nahihirapan siya dahil sa pag-ngiwi niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kunot na kunot ang noo niya. Nakahawak pa rin siya sa tiyan niya. Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"D-do I know you?" Nahihirapang tanong niya. Nag-init ang ulo ko kaya naman naka-set na naman sa volume ten ang boses ko.

"Ang kapal ng mukha mong timang ka! Pagkatapos mo akong halikan! Hoy! First kiss ko 'yon! Akala mo ba ga-g—" Natigilan ako sa pagsigaw nang biglang may sumabat.

"Yeah, gwapo." Mas pamilyar ang boses niya. Kaagad akong tumingin sa pwesto ng pinanggagalingan ng boses na iyon at napanganga ako dahil kamukha niya ang lalaking nasa harapan ko ngayon. May nakasabit sa leeg niya na saxophone at hinahaplos haplos iyon ng maganda niyang kamay.

Nakangisi siyang lumapit sa amin. Tinapik niya ang balikat nitong nasa harapan ko. "Dude, anong kagaguhan na naman 'to? Tsk." Naiiritang tanong nito sa kanya. Kinurap kurap ko ang aking mata. Magkamukhang magkamukha sila!

"Sorry bro," Napailing iling ako; hindi ako pwedeng magkamali! Pero shit! Ngayon ko lang napansing magkaiba sila ng suot! Sandali pa akong tinitigan nang masama nung sinipa ko bago siya tumalikod at hirap na hirap na naglakad.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon