MTJAB: Chapter 19

497K 6.5K 610
                                    

MTJAB: Chapter 19

Katatapos lang namin kumain ng hapunan—simpleng galunggong at kamatis ang ulam namin pero masasabi kong nabusog kaming lahat lalo na si Liam. First time daw niyang makakain ng galunggong. Pati nga raw yung ginataang kuhol nung nakaraan, first time niya makakain ng gano'n. Biglang nag-init yung mukha ko dahil naalala ko yung ginawa niya nung araw na 'yon para makakain kaming pareho ng kuhol.

Nagkakantahan sila Liam ngayon sa labas ng kubo at naghahalakhakan. Sina Nanay at Tatay naman, inaasikaso na ang higaan. Sira kasi ang namin TV kaya minsan pagkakain namin, nagkukwentuhan na lang kami.

Bigla kong naalala na ibinenta ni Liam yung saxophone niya. Kahit anong sabihin niya, para sa akin, importante pa rin iyon dahil regalo sa kanya ng magulang niya 'yon. Oo nga at masaya ngayon ang dalawang kapatid ko dahil hindi na nila kinakailangan pang manghiram ng gitara sa mga kaklase nila para may mapaglibangan pero mali pa rin ang ginawa niya.

Humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Oh? Bakit hindi ka makisaya sa mga kapatid mo sa labas?" Puna ni Nanay sa akin nang mapansing nakatayo ako sa gilid ng pinto ng kwarto.

"Ayoko, Nay." Nahihiyang sagot ko pero ang totoo niyan, nahihirapan akong harapin si Liam o sabihin na nating nahihirapan akong titigan siya. Bigla-bigla kasing nagf-flashback sa isip ko ang mukha ni Liam nung umiyak siya kanina lalong lalo na yung mata niyang sobrang lalim ng titig sa akin.

"Apat na araw na bukas si Liam dito. Hindi kaya maapektuhan ang pag-aaral niyong dalawa?" Suway sa akin ni Nanay at namilog ang mga mata ko. Kung ako kasi ay pinagpaalam ng parents ni Liam para sa isang linggong pahinga ko, si Liam, hindi siya pumapasok.

Tinitigan ko lang si Nanay. Lumapit siya sa akin at hinila niya ako para maupo sa papag. Si Tatay naman ay lumabas muna para maligo.

"Hindi naman sa nakikialam ako anak pero malaki na ang nasasayang ninyong grado sa eskwalahan habang nandirito kayo. Hindi ko naman kayo pinapaalis. Pero anak, magdesisyon ka na kung babalikan mo ba siya o iiwanan mo na nang tuluyan." Diretsong sabi sa akin ni Nanay. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nakakahiya kasi dahil maging sila ni Tatay ay naaabala ko na.

"Sorry po, Nay." Paumanhin ko. Hinaplos ni Nanay ang mahaba kong buhok.

"Ayos lang naman, anak, pero nagkausap kasi kami ng Tatay mo kanina. Mukhang maayos na rin naman ang lagay mo ngayon. Ang problema na nga lang ay yung sa inyong dalawa ni Liam. Hindi lang nagsasalita ang Tatay mo pero gusto na niyang bumalik ka sa Maynila para bumalik sa pag-aaral mo." Patuloy ni Nanay. Naiintindihan ko naman sila ni Tatay. Kahit nung high school pa lang ako, strikto ang Tatay sa pag-aaral naming magkakapatid. Pinupursigi talaga nilang makapagtapos kami ng pag-aaral.

"Naguguluhan po kasi ako, Nay. Hindi ko alam kung anong desisyon ang gagawin ko. Bago po kasi ang lahat ng ito sa akin. Nakakatakot po pala kapag nasaktan ka na dahil sa pagmamahal. Matatakot ka nang umulit-ulit." Paliwanag ko at ngumiti si Nanay.

"Sundin mo kung anong sinasabi nito." Ipinatong ni Nanay ang kamay niya sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Pero syempre, sabayan mo ng gamit nito." Kasunod na itinuro niya ang sintido ko. Dahil sa nangyari sa akin, napatunayan ko na kailangan talagang sabay gamitin ang puso at isip pagdating sa pag-ibig.

"Hindi naman masamang magpatawad. Kung ang diyos nga nagpapatawad, ikaw pa kaya, anak?" Payo sa akin ni Nanay at saka niya ako niyakap. Kahit kailan talaga, the best ang magulang sa mga ganitong usapan.

Lumabas ako at sumilip sa may pinto. Kumakanta si Liam habang naggigitara yung dalawa. Masasabi kong may magandang boses talaga siya pero natigilan siya nang mapansin niya ako. Kaagad huminto ang dalawa sa paggigitara at lumingon sa akin.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon