MTJAB: Chapter 6

487K 6.7K 694
                                    

MTJAB: Chapter 6

"Uuwi ka ba sa bahay natin? O papaliguan kita ngayon dito?" Ramdam na ramdam ko yung pagbuga ng hangin mula sa bibig niya—mainit 'yon at mabango. Napakurap kurap ako nang sunod-sunod dahil sa tanong niya.

Napasinghap ako nang maramdaman kong mas lalong humihigpit at paghapit niya sa baywang ko. Itutulak ko na sana siya pero siya na rin ang kusang bumitiw sa akin nang mapansin niyang may parating na mga sasakyan.

Lahat iyon pumarada sa carwash station ni Liam at napanganga ako nang makita kong puro babae ang bumaba roon.

"May trabaho pa ako rito. Mag-usap tayo mamaya." Malamig na sabi niya sa akin saka siya tumalikod sa akin.

Pinalibutan siya ng mga babae. Kanya-kanya silang sabit sa braso ni Liam. Mayroon pang nakayakap sa kanya. Napataas ang kilay ko nang mapansin kong titig na titig siya sa akin. Sobrang talim ng titig niya na para bang binabantaan niya akong umuwi na.

"Marcus, ang dirty na kasi ng car ko eh. Nakakainis nga kasi 'di ba kapapalinis ko lang sa'yo last week. Ang daming putik oh." Ang ingay ng mga babae! Para silang manok na putak nang putak sa kaartehan. Isa-isa kong sinuri ang mga sasakyan nila at nag-init ang ulo ko dahil nakita kong malinis pa naman lahat ng sasakyan nila.


"Ako Marcus, may sira yung car ko. Actually, flat yung apat na gulong. Palitan mo na please?"


"May libreng kiss pa rin ba after naming magpalinis?"

Lumuwa ang mga mata ko! Gusto kong masuka! Libreng kiss kapag nagpalinis?!

"Uwi na!" Napapitlag ako nang marinig ko ang sigaw niya pero nakatalikod na siya. Kaagad akong sumakay sa kotse ko.

Pagdating ko sa bahay, naiiyak ako dahil magsisimula na naman ako sa paggawa ng project sa Rizal. Nakakainis. Sumasakit na ang ulo ko.


Dahil wala naman akong klase ngayon, naglinis na lang ako ng apartment. Mamayang gabi ko na lang uulitin yung project ko sa Rizal. Pumasok ako sa kwarto at napatingin ako dun sa saxophone ni Liam. Paano kaya siya natuto tumugtog nito? Nagwalis na ako sa loob. Nakakahiya naman sa kanya kung madatnan niyang marumi yung kwarto.


Pagkatapos kong maglinis, naligo na ako. Ngayon ko lang napansin na walang gripo dito sa apartment. Kinakailangan ko pang umigib sa labas para makapaligo. Wala namang kaso sa akin ang pagbobomba sa poso dahil sanay naman ako sa bahay namin sa Lucban. Poso lang din ang ginagamit namin doon.

Abalang abala ako sa pagta-type ng project ko sa Rizal. Mabuti na lang talaga at pinadala pa rin ni Claire sa akin yung isang laptop niya. Nakakainis lang dahil nabura ko na yung drafts ko sa Rizal kaya heto at simula ulit sa umpisa.

Narinig kong may tumigil na sasakyan sa tapat. Sumilip ako at napanganga ako dahil hindi ko namalayan na gabi na pala. Nangangalahati na rin ako sa project ko dahil medyo fresh pa rin naman kasi sa utak ko 'yon. Maya-maya lang, bumaba si Liam sa kotse niya. Inismiran ko siya, bumalik ako sa sofa at nag-type na lang ulit. Natigilan ako nang may ipatong siya sa center table.

"Mag-dinner ka na." Seryosong sabi niya. Tinignan ko iyon; galing Mcdonalds. Oh e 'di siya na mayaman. Oo, para sa akin, mayaman na yung mga kumakain sa McDo. Kami kasi ng mga kapatid ko, kakain lang kami roon kapag mayroong may birthday sa amin.


Napapitlag ako nang umupo siya sa dulo ng sofa ng kawayan.

"Tungkol sa project mo, hindi ko naman talaga sinira 'yon." Paliwanag niya. Ibinaba ko yung laptop doon sa center table at tinitigan ko siya. Mukhang pagod na pagod siya. Ewan ko ba para bang stressed na stressed siya na hindi ko maintindihan. Sayang, ang gwapo pa man din. Ano bang pinagsasasabi ko?

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon