MTJAB: Chapter 3

553K 7.2K 703
                                    

MTJAB: Chapter 3


"Bumalik ka rito Claire!" Halos lumabas na ang ngalangala ko sa pagsigaw sa magaling kong best friend. Hindi ako makapaniwala. Inilaglag niya ako at tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya.

Grabe. Pahiyang pahiya ako sa buong klase kanina at bilib na bilib na naman sa sarili si Liam dahil nagkukunyari daw ako na hindi ko siya gusto. Ano ba?! Hindi ko talaga siya gusto. Napakalakas ng apog niya.

"Hahaha! Sisteret! Let me explain please? Para sa'yo rin ang ginawa ko!" Natatawang sigaw niya habang naghahabulan kami ng hampas dito sa sala ng bahay niya.

"Anong para sa akin?! Pinahamak mo ako Claire. Akala ko ba magkaibigan tayong dalawa? Bakit mo ako nilaglag?" Naiiyak na talaga ako sa sobrang inis. Hanggang ngayon, nag-eecho pa rin sa tainga ko ang lalaking lalaking tawa nung Liam na 'yon. Para bang nakamit niya ang tagumpay!

Umupo ako sa sofa at ibinato ko yung hawak kong walis sa sahig. Hinihingal naman si Claire nang tumabi siya sa akin. Niyakap niya ako sa baywang ko.

"Sisteret, I'm sorry. Pero kasi nung pinapanood ko kayong dalawa kanina, feeling ko bagay kayo. At saka isa pa, ngayon lang kita nakitang nakipag-usap sa lalaki nang hindi tungkol sa project o ano mang achuchu sa school." Paliwanag niya. Hindi ko pa rin matanggap. Naiinis pa rin ako sa kanya.

"Gusto kong maranasan mo namang makisalamuha sa ibang tao. Ang taray mo, Sisteret ha? Dalawang Cando ang kagrupo mo sa thesis making. Matalino naman yung dalawang 'yon kaya wala kang magiging problema." Pagbibida niya.

"Meron! Yung kayabangan nung Liam na 'yon ang problema ko." Naiiritang sabi ko. Narinig ko namang humagikhik siya kaya naman itinulak ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"H'wag kang mag-alala. Mabait naman yung asawa ko." Bulong niya sa tainga ko. Kumunot ang noo ko at tiningnan ko siya.

"Sinong asawa?!" Hiyaw ko sa kanya. Namula naman ang mukha niya.

"Si... Ethan Luke, acckk! Ang gwapo niya kasi eh, tapos ang bait pa niya." Para naman siyang naiihi sa mga sinasabi niya.

"Te-teka kambal sila ni Liam. E 'di ibig sabihin, asawa mo rin si Liam?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hahaha! Loka. Sige na. Inaamin ko nang pinagnanasaan ko silang dalawa noon pero dahil pinapansin ka ni Marcus, sa'yo na siya! Alagaan mo ha!" Sigaw niya sa akin saka siya tumakbo papasok sa kwarto niya dahil alam niyang hahampasin ko na naman siya. Alagaan? Mukhang ang dapat kong alagaan ay ang sarili ko dahil baka liparin ako ng hangin ni Liam.

Lumipas ang unang linggo ng klase pero wala pa ring ginawa si Liam kundi ang ngisian at asarin ako. Ayoko na siyang pansinin pero anong magagawa ko? Ang lakas niyang mang-asar to the point na pati sa harapan ng mga professor namin, naaasar na rin niya ako.

"Ms. Binalatan!" Napapitlag ako nang marinig ko ang sigaw ni Sir Abuharon.

"Tatlong beses na kitang tinatawag pero hindi mo ako pinapansin!" Galit na sigaw nito sa akin.

"I'm sorry po, Sir. Hindi ko po kasi narinig." Sabi ko saka naglakad ako palapit sa table para ipasa ang index card ko.

"Wala sa klase ko ang utak mo, Ms. Binalatan." Suway nito sa akin. Tumungo lang ako at bumalik na sa upuan ko.

"Ang pangit kasi ng apelyido." Narinig kong bulong ni Liam. Tiningnan ko siya nang masama at inirapan. Ngumisi lang siya bilang sagot sa pag-irap ko sa kanya.

Pagkaupong pagkaupo ko sa upuan, naramdaman kong hinawakan ni Liam ang magkabilang balikat ko mula sa likod at bumulong siya sa tainga ko.

"Mas maganda siguro kung palitan na natin yang apelyido mo. Gawin na nating Cando." Natatawang bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko kaya naman nilingon ko siya at hinampas. Napaka nitong lalaki na ito. Sumama na naman ang tingin niya sa akin. Nag-igting ang panga niya at naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa balikat ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon