MTJAB: Chapter 23

489K 6.5K 1K
                                    

MTJAB: Chapter 23

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon, nagpaalam muna si Liam sa akin na mag-sho-shower muna siya dahil pawis na pawis siya sa game nila. Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon at nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang kaba sa kanya. Nagpaalam na ang ibang member ng Cando's Mental Love Club sa amin at kaming dalawa na lang ni Claire ang nakaupo ngayon dito sa bleachers. May mga naglilinis na rin dito sa gym dahil sa kalat.

"Grabe momol." Natatawang sabi ni Claire. Kumunot ang noo ko at saka ko siya tinitigan nang mabuti.

"Ano ba kasi yung momol?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Ngumisi siya at pinisil niya ang pisngi ko.

"Ano ka ba naman, Sisteret? Nasaang panahon ka ba?" Humahalakhak na ani Claire.

"Make out make out lang." Ngisi niya na nagpalaki sa mga mata ko.

"Magaling kaya ang mga Cando diyan, lalo na si Ethan." Tumatawang patuloy niya na nagpakunot sa noo ko.

"Hoy! Akala ko ba titigilan mo na 'yang si Ethan?!" Sigaw ko sa kanya. Huminga siya nang malalim at ngumuso.

"Alam mo, Sisteret, hindi mo maiintindihan. Mahal ko siya." Bulong niya at napalunok ako. Kung sabagay, tama siya dahil maski ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil alam kong mahal ko si Liam.

"Galit ako sa kanya, Sisteret, but that doesn't mean na tumigil na ako sa pagmamahal sa kanya. Kung minsan kasi kahit gaano ka pa kagalit sa isang tao, mangingibabaw pa rin ang pagmamahal mo para sa kanya at sa huli, pipiliin mong patawarin siya." Parang may kung anong kumalabit sa puso ko at parang sumang-ayon ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil panay ang pag-untog nila sa kalamnan ko. Na para bang sinasabi nilang gano'n din naman ako kay Liam. Pinatawad ko na rin siya dahil nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maamin amin sa kanya.

Sunod-sunod na mabibigat na paghinga ang ginawa ko. Ewan ko, ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Dahil siguro hindi ko pa rin matanggap kung bakit minahal ko si Liam? Pero kung sabagay, mabait naman yung tao kahit papaano.

"Nagkausap ba kayo ni Ethan nung nawala ako?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at saka tumungo. Hindi na lang ako nag-usisa pa sa kanya dahil alam ko namang ayaw niya munang pag-usapan.

Maya-maya pa ay natanaw ko kaagad si Liam na tumatakbo palapit sa amin. Magulo ang buhok niya dahil siguro sa pagkakapunas niya ng towel doon. Nakasuot siya ng shorts at plain white shirt na talaga namang bumabakat sa katawan niya. Nakasabit naman sa balikat niya ang sports bag niya. Bumaba na kami ni Claire para hindi na umakyat pa itong si Liam. Napakagat ako sa dila ko nang maamoy ko ang mabangong katawan niya. Yung tipong amoy bagong paligo na amoy perfume basta sa sobrang bango niya, nahihiya na akong tumabi sa kanya. Ako kasi, hindi ako nagpapabango masyado. Kapag may okasyon ko lang ginagamit ang Vanilla Scent Perfume na iniregalo sa akin ni Nanay nung birthday ko last year. Si Liam kaya, ano kayang perfume niya? Feeling ko kasi mamahalin iyon.

"Let's go?" Napalunok ako dahil sa sexy ng boses niya. Ngiting ngiti siya sa akin. Masyado na talaga akong nadi-distract sa itsura niya. Hindi ko kasi talaga maitanggi na sobrang gwapo niya. Para sa akin, mas gwapo siya kay Ethan kahit pa magkamukha sila.

"Ah, paano? Mauna na ako sa inyo ha? May pupuntahan pa kasi ako." Palusot ni Claire sa amin habang ngumingisi.

"Sige, ingat! Salamat sa pagsama kay Lian." Sabi ni Liam at umiling iling naman si Claire.

"Ano ka ba! Best friend ko 'yan kaya ayos lang! Bye!" Paalam niya sa amin at saka na siya tumakbo palabas ng gym.

Bumaling sa akin si Liam at talaga namang masasabi kong sobrang lapad ng ngiti niya sa akin.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon