MTJAB: Chapter 4

507K 6.9K 429
                                    





MTJAB: Chapter 4

Pumunta kami sa bahay ni Claire para doon pag-usapan ang magiging set up daw namin. Pero nagulat ako dahil may dalawang maleta na nandun sa sala.

"Aalis ka?" Tanong ko kay Claire. Nginitian niya lang ako.

Umupo kami sa sala. Hindi ako makapaniwala na kumapit ako sa patalim. Tsk, oo isang patalim na matatawag ang pagpayag na maging fake girlfriend nitong si Liam.


"Okay. Since pareho na kayong pumayag, pirmahan niyo 'to." Sabi ni Claire. Kumunot ang noo ko.

"Bakit ako pipirma diyan?! Baka mamaya kung ano 'yan!" Sigaw ko. Pinanlisikan naman ako ng mata ni Claire.


"Wala ka bang tiwala sa akin, Sisteret?" May halo nang pangungunsensya ang boses niya.

"Best friend mo, hindi mo pinagkakatiwalaan? Kaibigan ka bang talaga?" Biglang nagsalita na naman itong si Liam.

"Pakialam mo ba? Ikaw ba? Pipirmahan mo ba 'yan? Eh blangko nga 'yang papel!" Sigaw ko sa kanya. Naningkit ang mga mata niya. Hinila niya ang ballpen kay Claire at padabog na pinirmahan iyon.


"May tiwala ako diyan sa kakambal ko kaya pipirma ako." Pagyayabang niya. Pagkatapos niyang pumirma, padabog niyang inabot sa akin ang ballpen. Inginuso niya ang labi niya doon sa papel na para bang isinesenyas niyang pumirma ako. Umiling-iling ako. Napapitlag ako nang bigla niyang hapitin ang baywang ko at inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Pumirma ka na para makuha na natin yung five hundred thousand. Tapos magpapanggap akong na-in love sa'yo para ibigay sa'yo yung pera. Pagkatapos, paghatian natin." Bulong niya. Napatingin naman ako kina Ethan at Claire na ngayon ay ngingiti-ngiti naman.

Tumayo ako, "Sandali lang ha? Mag-uusap muna kami ni Liam." Ngiting aso ang ibinigay ko sa kanilang dalawa at hinila ko si Liam sa labas. Sumilip silip pa ako sa loob para masiguradong hindi makikinig sila Claire.

"Hoy, sigurado ka ba diyan?" Pabulong na tanong ko kay Liam. Pinasadahan niya ng suklay ang kanyang buhok gamit ang kamay niya.

"Mukha ba akong nagbibiro? Sa aming dalawa ng kapatid ko, aminado akong si Ethan yung mas matino. Magtiwala ka lang kasi. Makukuha natin yung pera." Bulong din niya. Medyo hindi ako sigurado sa kanya pero mukha naman talagang mas matino si Ethan kumpara sa kanya.

"Hati tayo ha!" Sigaw ko sa kanya at sa unang pagkakataon, nginitian niya ako nang hindi mapang-asar.

"Oo, hati tayo. Kailangan ko rin ng pera ngayon." Sabi niya. Nag-apir kaming dalawa saka pasimpleng pumasok ulit sa loob ng bahay. Nakahalukipkip sina Claire at Ethan habang tinitingnan kaming dalawa. Kinuha ko yung ballpen saka ako pumirma doon sa blangkong papel. Tiwala lang daw sabi ni Liam.

Kinuha ni Ethan yung papel at saka siya pumasok sa kwarto ni Claire. Pero maya-maya lang, lumabas na ulit siya at may naka-print na roon sa pinirmahan namin ni Liam. Napalingon ako sa kanya. Tumango-tango siya at nginitian ako na para bang siguradong sigurado siyang walang mangyayaring masama.

"Alright, here's the copy of your contract. Scan lang 'yan. Yung original, itinago ko sa safety box ni Claire." Napakunot ang noo ko at paano naman nalaman ni Ethan ang code ng safety box ni Claire? May hindi ako nalalaman dito ha.

"Dahil pumirma na kayo ng kontrata namin ni Ethan, may five sweetest rules kaming ginawa." Nakangiting paliwanag ni Claire.

"That was your idea Claire." Pagbabanta ni Ethan.

"Whatever." Natatawang sagot ni Claire sa kanya. Itinuon na niya ang mata doon sa papel.


"Okay. Rule number one: Make love, not war. Yeah, hindi kayo pwedeng magbangayan sa labas ng bahay." Sabi ni Claire. Napakunot ano noo ko. Ibig sabihin, kapag nasa bahay kami nila Claire o kahit kaninong bahay, hindi kami pwedeng mag-away? Parang ang gulo. Hindi ko maintindihan.

"Rule number two: Hold each other's hands at least three times a day. In public! Lalong lalo na sa school! Dapat maipakita niyo sa lahat na proud kayong may relasyon kayo." Sus. Holding hands lang pala. Hindi naman siguro ako liliparin ng hangin kapag hinawakan ko ang kamay niyang si Liam.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon