MTJAB: Chapter 12

485K 6.3K 782
                                    

MTJAB: Chapter 12

Sobrang lalim ng titig niya sa akin at nandoon pa rin ang galit sa mga mata niya.

"Tapos ka na?" Humihikbing tanong ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko pero mas napamura ako dahil nakalimutan kong may sugat ito ngayon dahil sa kanya.

"Siya lang ang iniisip mo? Siya lang ba ang nasaktan? K-kanina lang, nag-aalala ka sa akin dahil sa hindi pa magaling masyado ang balakang ko. Tapos ngayon, kung itulak at kaladkarin mo ako parang nakalimutan mo lahat ng pag-aalala mo sa akin. Wala kang kwenta, Liam! Hindi mo alam kung paano ako ininsulto niyang ex mo! Bago ka umaksyon, mag-isip ka muna. Hindi mo alam kung anong puno't dulo sa nangyari." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Napaawang ang bibig niya at kitang-kita ko kung paano magbago ang emosyon sa mga mata niya. Naaawa siya sa akin. Gago siya. Hindi ko kailangan ng awa niya.

Tumalikod na ako sa kanya pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Marahas kong hinila sa kanya 'yon at kahit hirap na hirap ako sa paglalakad, pumasok pa rin ako sa school. Hindi ito ang dinayo ko sa Maynila. Hindi itong gulong 'to. Nagpunta ako rito para sa kinabukasan ko at para sa mga kapatid kong umaasang kapag nakatapos ako ay pag-aaralin ko sila.

Parang mga bubuyog ang mga kaklase ko na nagbubulungan ngayon. Alam ko hindi maayos ang itsura ko ngayon. Gulo-gulo ang buhok ko at may dugo ang labi ko dahil sa marahas na paghalik sa akin ni Liam. Para din akong pilay kung maglakad. Nakita ko ang pag-aalala sa mga titig ni Claire pero kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nakaramdam kasi ako ng inis nang maalala kong siya ang dahilan kung bakit napalapit ako mga Cando. Maingat akong umupo pero naramdaman ko pa rin ang pag-kirot ng balakang ko.

"Anong nangyari sa'yo?" Sigaw ni Xander saka umupo siya sa upuan ni Liam. Akmang hahawakan niya ang braso ko pero tinabig ko iyon. Ayokong makipag-usap sa kahit kanino ngayon. Maski kay Claire ayoko siyang kausapin ngayon kahit na nararamdaman kong nakatitig siya sa akin. Hindi na rin siya nag-abalang magtanong. Alam niya kasi na kapag tumahimik na ako, mas lalo lang akong makakaramdam ng galit sa kanya. Inayos ko ang sarili ko.

Dumating na ang prof namin at kasunod niya ang demonyong si Liam. Nagwala ang puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa pero isinawalang bahala ko iyon. Nasasaktan ako. 'Yan lang ang salitang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko man alam kung ano ang sakit na ito pero pakiramdam ko, pinapatay ako nang paunti unti.

Hindi na siya nag-abala pang paalisin sa katabing upuan ko si Xander. Mas pinili na lang niyang maupo sa harapan ko kung saan nakaupo kanina si Xander. Kahit nakatalikod siya, kumikirot pa rin ang kaliwang bahagi ng dibdib ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at bigla na namang may tumulong luha. Shit, ang sakit. Naiinis ako.

"Ara..." Narinig kong tawag sa akin ni Xander.

"H'wag mo akong kausapin Xander." Pagdiriin ko at tumahimik na lang siya.

Lumipas ang buong klase na wala akong naintindihan. Pero ang importante, hindi ako namarkahan ng pagliban sa klase. Mabilis kong inayos ang gamit ko at kahit tinatawag ako nina Xander at Claire, hindi ko sila binigyang pansin.

Palabas na sana ako ng classroom pero natigilan na naman ako sa titig niya sa akin.

"Let's talk, Lian..." Pagsusumamo niya. Ha! Let's talk? Gago siya. Tapos na kaming mag-usap ng gaguhan. Sobra-sobrang pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. Buong pagkatao niya ay inaayawan ko na. Binnabawi ko na rin ang sinabi ko na may paghanga akong nararamdaman sa kanya.

Inirapan ko lang siya at lumabas na ako ng classroom. Kahit ang sakit-sakit ng buong katawan ko, nagawa ko pa ring maglakad nang mabilis hanggang sa makalabas ako ng lintik na eskwelahan ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon