MTJAB: Chapter 20

477K 6.4K 705
  • Dedicated kay 143_Me
                                    

MTJAB: Chapter 20

"Good luck my, baby." Nangatog ang tuhod ko dahil sa boses niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako nagsimulang umakyat sa stage. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin ngayon.

Tinanguan ako nina Nanay at Tatay. Maging ang dalawang kapatid ko ay sumenyas na kaya ko 'to. Nahagip ko ang mga mata niyang nangungusap; nagniningning iyon habang tinatanaw ako dito sa stage at halos napalunok ako nang mabasa ko sa labi niya ang mga salitang...

"I love you, baby. You can do it."

Lord sana makakanta ako nang maayos. Humawak ako sa tiyan ko para pakalmahin ang mga paru-paro at nagsimula nang tumugtog ang minus one. Kaagad nagpalakpakan ang mga tao. Maging si Mayor ay nakangiti na sa akin. Naaalala ko noon kung paano niya ako kumbinsihin sa offer niyang sumali ako sa isang TV show.

"Go baby! Kaya mo 'yan!" Namilog ang mga mata ko sa lakas ng sigaw ni Liam. Panay naman ang tili ni Oyen. Shocks. Kung alam niyo lang, hindi ako chinicheer ni Oyen kundi si Liam! Kilalang kilala ko ang babaeng 'yan.

Nagsimula na akong kumanta at sa hindi ko malamang dahilan, parang may tumusok sa puso ko nang damahin ko ang lyrics ng kanta.

~~All at once, I finally took a moment and realizing that,

you're not coming back and it finally hit me all at once. ~~

Sa hindi ko maintindihan na dahilan, sa kanya ko lang itinuon ang mga mata ko. Napansin kong napalunok siya pero hindi rin siya nag-iwas ng tingin sa akin. God, ano ba itong nararamdaman ko sa kanya? Unti-unti kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo ko sa batok dahil sa lalim ng titig niya sa akin. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang gwapong mukha niya lang at ang mga mata niyang hinuhugot ang buong katauhan ko.

~~Ever since I met you, you're the only love I've known,

and I can't forget you, though I must face it all alone. ~~

Bakit ba ito yung pinakanta sa akin ni Oyen? Unti-unting gumuhit sa isip ko na mawawala si Liam sa akin, na hindi na niya ako babalikan. Bakit sobra-sobrang pagkirot ang nararamdaman ng puso ko ngayong naiisip kong iiwanan niya ako? Ganito na ba talaga katindi ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi nga ba mahirap mahalin ang isang Cando? Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong tumulo ang luha ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"I'm sorry." He mouthed. Umiling ako at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Kahit sa dilim ng mga mata ko, mukha pa rin niya ang nakikita ko.

~~All at once, I'm drifting on a lonely sea wishing you'd come back to me,

and that's all that matters now all at once. ~~

Bakit parang inaamin ko na rin sa sarili ko na sana bumalik na siya kahit ako naman ang lumayo? Na sana bumalik na kami sa dati kahit pa nasaktan niya ako nang sobra-sobra?

~~All at once, I looked around and found that you were with another love,

In someone's else's arms. And all my dreams were shattered all at once. ~~

Muli ko siyang tinitigan. Napaatras ako nang makita kong may pumatak na luha sa mga mata niya. Mabilis niyang pinunasan 'yon at tinanguan ako.

Pagkatapos kong kumanta, isang malakas na sigawan at palakpakan ang narinig ko mula sa madla. Maging ang mga judges ay napatayo sa hindi ko malamang dahilan. Hinanap siya ng mga mata ko at doon ko nakitang tumalikod na siya at umalis. Bakit may kumukurot sa puso ko ngayong nakikita kong tinalikuran niya ako?

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon