MTJAB: Chapter 18

461K 7.3K 1K
                                    

MTJAB: Chapter 18

"Ate, ayaw mo talaga kay Kuya Liam?" Tanong ni Eris sa akin habang kumakain ng mangga. Nandito kami ngayon sa tapat ng kubo habang nagpapahinga. Ang sarap lang ng simoy ng hangin, probinsyang probinsya talaga sa pakiramdam. Katatapos lang namin lahat sa gawaing bahay habang sina Nanay at Tatay ay nasa palengke na ulit. Naaawa na nga ako kila Nanay dahil araw-araw gano'n ang gawain nila para mabuhay kaming magkakapatid.

"Tigilan mo nga ako, Eris." Naiinis na sagot ko sa kanya. Hindi sa ayaw ko sa kanya. Ayoko lang ulit magtiwala lalo na at walang kasiguraduhan. Pero kung tutuusin, bibigay na ako sa mga ginagawa niya, pinipigilan ko lang.

"Alam mo, Ate." Simula niya at saka kumagat sa mangga. "May ibinenta siya kahapon sa palengke para mabili yung dalawang gitara na ginamit namin sa panghaharana sa'yo. Ibinili niya nga rin ng sapatos si Angelo pamasok kasi nakwento ni Angelo na naka-tsinelas lang siya sa school." Napakunot ang noo ko kaya bumaling ako sa kanya.

"Pinagsasasabi mo diyan?" Iritadong tanong ko sa kanya at lumunok siya.

"Ano nga bang tawag do'n? Hindi siya torotot. Takte malilimutin na ako. Ah... Sa-saxophone!" Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya hinawakan ko ang braso niya.

"Saxophone? Ibinenta niya yung saxophone niya?" Inis na tanong ko sa kanya. Tumango ang kapatid ko at saka niya hinila ang braso sa pagkakahawak ko.

"Bakit parang gulat na gulat ka? Kahapon kasi kaya kami sumama kay Nanay para maghanap ng mapagbebentahan no'n, gusto kasi niyang haranahin ka niya. Nagselos kasi siya nung makitang sumama ka kay Kuya Xander. Eh wala naman siyang gamit pangharana sa'yo, kaya naman ayon. Mabuti na nga lang daw at hindi niya inalis sa ilalim ng upuan ng back seat yung saxophone niya." Mahabang kwento niya. Tiningnan ko si Liam na ngayon ay naghahakot ng mga dayami. Pawis na pawis na siya at masasabi kong mukhang napapagod na siya pero hindi niya iyon pinagbibigyang pansin.

Hindi naman niya kailangang ibenta ang bagay na sobrang importante sa kanya. Pero kahit na Ara! H'wag ka ngang ma-touch sa ginawa niya. Barya lang para sa kanya ang saxophone! Bibili rin 'yan ng bago pagkabalik niya sa Maynila.

Napalunok ako nang hubarin niya ang suot niyang t-shirt at ipinunas iyon sa mukha at katawan niyang basang basa ng pawis. Ang dami kong masasabi—mas lalong gumanda ang pangangatawan niya dahil sa trabaho dito sa bukid at ang kulay ng balat niya ay medyo moreno na namumula mula ang mukha at dibdib. Yung abs niya, sumusunod ang galaw sa bawat paghinga niya at yung triceps at biceps niya, panay ang pag-flex sa tuwing magbubuhat siya ng punong kahoy. Yung gwapong mukha niya, pero natigilan ako nang mapansin ko na naman ang peklat sa kaliwang kilay niya. Kagagawan na naman ni Bianca 'yon. Nagsimulang manikip ang dibdib ko dahil sa babaeng iyon.

Napatingin siya sa akin. Marahan siyang ngumiti pero tinitigan ko lang ang mga mata niyang nangungusap. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Mahal ka niyan, Ate. Kasi alam mo kung ako sa kanya, uuwi na lang ako kaysa magpakahirap sa wala. Ikaw din, baka pagsisihan mo kapag nawala siya." Pangungunsensya sa akin ng kapatid ko. Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang maisip kong mawawala siya sa akin, na titigilan na niya ang pagsusumamo para makuha ako ulit. Pero anong gagawin ko? Natatakot na ako.

"Pero sinaktan niya ako. Eris, Ate mo ako! Bakit ba siya ang kinakampihan mo?" Suway ko sa kapatid ko.

"Chill, Ate. Wala akong kinakampihan. Sinasabi ko lang kung anong napapansin ko. Saka isa pa, Ate, mag-aapat na araw na bukas si Kuya Liam dito pero wala pa ring nangyayari sa pagsuyo niya sa'yo. Naranasan ko nang masaktan kahit ganitong high school pa lang ako. Mahal ko si Pauline kaya kahit ipinagpalit niya ako noon sa iba, tinanggap ko pa rin siya nung bumalik siya sa akin. Mahal ko eh. Kahit ano pa 'yan basta mahal mo, mapapatawad mo. Pwera na lang kung bato na ,yang puso mo." Litanya ng kapatid ko at saka niya ibinato yung buto ng mangga doon sa malaking bato na sinasandalan ng mga panggatong namin.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon