MTJAB: PROLOGUE

817K 10K 1.2K
                                    

Prologue

5 Sweetest Rules

1. Make love, not war.

2. Hold each other's hands at least three times a day.

3. Celebrate weeksary.

4. Get to know each other.

5. Live under the same roof.

Signed by: Marcus Liam Cando & Ara Lian Binalatan

Witness: Ethan Luke Cando & Claire Lataza

Tumayo na ako para tingnan ang pinalagay kong tattoo sa collar bone. Maliit lang naman ang sabi ko doon sa nagta-tattoo—simpleng Lian lang na may puso sa dulo. Humarap ako sa salamin at halos malukot ang mukha ko nang makita ko ang nakasulat.

Liam <3

Hinarap ko si kuyang nagta-tattoo "Kuya! Sabi ko Lian! Bakit Liam ang nakalagay?" Sita ko sa kanya; nilingon niya ako. "Oh? Sorry, pagkakarinig ko kasi Liam." Sabi niya sa akin at napakamot ako ng ulo.

Muli kong tinitigan yung maliit na tattoo sa collar bone ko. Namumula ito, sobrang sakit ng pagpapalagay ko tapos magkakamali lang siya ng isang letra. Nakakainis naman.

"Magandan naman ang, Liam, ah? Hot nga ng pangalan, parang yung schoolmate natin." Sabi ni Claire na ngayon ay nag-aayos na ng gamit niya. Pinsan niya kasi yung nag-tattoo sa akin kaya libre.

"Sinong schoolmate?" Pagtataka ko sa kanya. Lumabas na kami ng bahay nila at sumakay na sa kotse ko.

"Hindi mo siya kilala? Si Marcus Liam Cando? Ang hot niya kaya. Saka isa pa, ang galing niyang mag-saxophone, mag-basketball at balita ko nga ay kasali siya sa Star model. Oh my! Kung makikita mo lang yung abs niya, tutulo ang laway mo." Para namang nananaginip nang gising itong si Claire. Umiling na lang ako at sinimulang paandarin ang kotse ko pero mukhang kailangang itulak kasi naman bulok na. Second hand lang kasi itong sasakyan na niregalo sa akin ni Tatay nung 18th birthday ko. Nabili niya ito nung ibinenta niya ang isang maliit na parte ng sakahan namin.

"Oy, Claire, baba! Magtutulak tayo!" Sigaw ko at napanganga siya sa sinabi ko.

"Sisteret? Niloloko mo ba ako? Nag-dress ako today para magpaganda kay Ethan Luke tapos pagtutulakin mo lang ako? Gosh." Pinapaypay pa niya ang kamay sa mukha niya.

"Sino naman yung Ethan Luke na 'yon?!" Sigaw ko sa kanya.

"Crush ko. Hihi." Kinikilig kilig pa siya habang sinasabi 'yon. Parang kanina lang, ibang pangalan ang sinabi niya ah?

"Sus, bilis na! Baba na! Male-late na tayo sa first class natin! Ayokong mawala yung scholarship ko noh! Bigay lang ni Mayor 'yon!" Sigaw ko sa kanya. Oo, scholar ako ni Mayor. Kung hindi dahil siguro sa scholarship niya, hindi ako makakatungtong ng kolehiyo. Fourth year college na ako ngayon at Education ang course ko. Noon pa man kasi ay mahilig na ako sa mga bata. Pangarap kong magkaroon ng sariling pre-school.

"Yay! Sa wakas nandito na tayo sa school!" Excited na ani Claire. Ang likot likot niya rito sa loob ng sasakyan habang naghahanap ako ng mapaparadahan.

"Pwede na siguro dito." Sabi ko nang makita ko ang isang bakante pwesto sa parking area. Pero biglang bumangga yung kotse ko sa isa pang kotse nang may mang-agaw ng bakanteng space na nakita ko!

"Aish! Bwisit naman oh!" Bumaba ako at nasapo ko ang noo ko nang makita kong nasira yung harapan ng sasakyan ko! Badtrip talaga. Isang Lamborghini Gallardo LP560-4 lang naman yung nabangga ko! Pero hindi 'yon eh! Yung kotse ko, ang laki ng damage! Kinalampag ko yung Lamborghini para bumaba yung may-ari!

"Hoy! Mang-aagaw ka ng space! Ako ang unang nakakita rito! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko. Bumaba naman si Claire at pilit akong hinihila pabalik sa sasakyan ko pero tinulak ko siya! "Hindi Claire! Tingnan mo ang ginawa niya sa kotse ko! Sinira niya!" Sigaw ko.

"Hoy! Baba!" Sigaw ko pang ulit. Maya maya lang, bumaba ang lalaking naka-navy blue na shirt at talaga namang bakat na bakat ang hubog ng katawan niya ro'n! Masasabi kong magandang lalaki ito at mukhang mapera dahil sa pagkilos at pananamit. Mataas siya sa akin kaya naman tumingala ako.

"Hoy! Tingnan mo ang ginawa mo sa kotse ko!" Bulyaw ko sa kanya. Bumaling siya sa kotse ko at nagtaas ng kilay.

"Sira." Matipid na sabi niya.

"Oo! Sinira mo! Ipagawa mo 'yan!" Kahit luma na 'yang sasakyan ko, malaki pa rin ang pakinabang ko riyan.

Ibinalik niya ang tingin sa akin at dumako ang mga mata niya sa dibdib ko? Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang ngumisi nang nakakaloko.

"Anong tinatawa tawa mo riyan?" Hiyaw ko sa kanya; mas lalo siyang ngumisi.

"Mga babae nga naman, oo. Pare-pareho kayo ng style. Sige na, sige na." Natatawang sabi niya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi.

Napatulala ako at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang humiwalay na ang labi niya sa labi ko.

"Nice tats. Pangalan ko talaga. Pwede ka namang magpakilala kaysa binangga mo pa 'yang auto mo sa auto ko. Hayaan mo, ipapagawa ko."

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon